She who broke his young Heart

14 1 0
                                    

Nakaupo sa ilalim ng puno ang isang batang lalake,naka-kunot ang kanyang noo na wari'y may hinahanap sa mga papel na nasa kanyang kandungan.

"Bakit ganun wala naman ang pangalan niya dito?" bulong niya sa sarili niya.Lahat kasi ng mga kaklase niyang babae ay nagbigay ng love letter sa kanya maliban sa isa.

Umangat ang kanyang ulo nang marinig niya ang tawa ng isang batang babae.

Bakit kaya hindi niya ako binigyan?
Hindi makapaniwalang tanong niya sa kanyang sarili.

Samantala,Napatingin naman sa kanya ang batang babae pero sinamaan niya lang ito ng tingin.

Yumuko na lang siya ulit para magbasa ng nga walang kwentang love letters.Nakabusangot lang siya at hindi maipinta ang mukha sa sobrang inis.

"Oi!" sigaw ng batang babae na hindi niya namalayan na nakalipat na pala sa kanya.

Hindi niya ito pinansin kaya sinundot nito ang kanyang tagiliran.

"Oi drew.Galit ba ikaw?" Sabi ng bata na may pag-aalala sa tinig.

Marahas na napabuntong-hininga ang batang lalake.Tiningnan niya ang batang babae bago magsalita.

"Bakit di mo ako binigyan ng love letter?" Malungkot na tanong niya.

"Lah!Tinatamad kasi ako eh" Takhang sagot ng batang babae. " Bakit ko ikaw bibigyan?Di ko naman ikaw crush?"

Natahimik ang batang lalake.Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin.Ang tanging alam niya lang ay nasasaktan siya.Hindi alam ng mura niyang isipan kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman.

Okay lang naman sa kanya kung walang matanggap na sulat sa mga ka-klaseng babae basta makatanggap siya ng sulat galing sa batang babae na kaharap niya.

"Oi drew! Nitatamad nga ako wag na ikaw malungkot.Gagawa na lang ako ng friendly letter para sayo" Sabi ulit ng babae habang nakasandal sa kanya.

"Friendly lang?" malungkot niyang tanong.

"Oo nga kasi friend ko ikaw"Nakangising sagot ng batang babae. "Laro na tayo bilis!" sabi ng batang babae sabay takbo palayo.

He looked at her with broken heart.Right there he knew that,that girl is special because if she's not he won't be hurt with the thought that all she wanted to give him was a "friendly letter"

Crazily In Love with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon