Habang nakapila na kami sa isang roller coaster, nagpilian kami kung sino ang katabi namin,"Marko tabi tayo" sabi ni Pauline, si Pauline ay isa naming kaibigan namin na kung saan ay napakatahamik at di nakikipagusap,pero minsan nag uusap sila ni Kyla. "Malas ko naman, nawalan pa ako ng katabi oh"sabi ko na may pagkamalungkot."Ok lang yan lalake kanaman eh"sabi ni Kyla. Kami na ang susunod na sasakay, habang nakupo na kami sa inuupuan namin,"Isap pa dito" bangit ng Operator."Ako nalang po!" Nagulat ako ng makita ko ang sasakay, siya ang nakita ko sa panaginip ko! Tahimik ako ng nakatabi ko siya.Nagsimula nang umandar ang sinasakyan namin ng biglang "Kuya natatakot ako"sabi niya na may kaba."Bakit ka pa sumakay dito?"sabi ko sa kanya,"Gusto ko kasi makasakay dito kahit isang beses lang sa buhay ko" sabi niya ng nakangiti."O sige kapit ka lang ng mabuti at kung natatakot ka pumikit ka nalang"sabi ko sa kanya."Ok!"sabi niya. Nang biglang bumilis na ang sinasakyan namin, bigla akong napasigaw at siya naman ay tumatawa."Ayaw ko na!" sabi ko ng pasigaw habang mabilis ang andar.Pagkatapos ng ride,"Matatakutin ka pala!" Sabi ng babae habang tumatawa."Tumigil ka nga diyan" sabi ko sa kanya habang pababa na kami sa ride."Anong pangalan mo?" Sabi ko sa kanya,"Ako nga pala si Yuka" sabi niya sa akin,"Eh ikaw?"tanong niya sa akin,"Ako si Renz" sabi ko sa kanya.Nakita ako ng mga kaibigan ko,"Nako Renz may bago ka na pala ah!"sabi ni Lukas na pabiro."Hindi noh,siya yung katabi ko sa ride,siya pala si Yuka" sabi ko sa kanila."Hi Yuka!!ang cute mo naman,bagay kayo ni Renz hihi"sabi ni Kyla."Manahimik ka nga diyan payat"sabi ko sa kanya."Hello Yuka,nice to meet you ako naman si Lukas"sabi ni Lukas,"Ako rin pala si Marko at eto naman si Pauline"nag hi naman si Pauline kay Yuka"Hi Yuka!"sabi ni pauline na nakangiti."Guys kain muna tayo anong oras na rin"sabi ni Marko,"Okay!"sabi naming lahat.Habang kumakain kami,si Yuka naman ay nakatigin sa mga rides dahil kita naman sa Cafeteria."Sakay tayo doon mamaya"sabi ko sa kanya,"Sige mukhang masaya nga doon"sabi niya,"Oy kayo kayo lang, sama rin kami diyan diba Guys"sabi ni Lukas ng pabiro,"Oo nga!"sabi ng mga kaibigan ko."Okay"sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
KisapMata
RomanceAko at Ikaw,tinadhana ni Bathala.Anong gagawin kung ika'y mawawala? Basahin natin kung papaano ko nakilala ang minamahal kong syota sa gitna ng napakaraming problema.