Chantelle Hayes' POV
Yeyyy, ang ganda ng garnish ko dun sa order nung elementary student. Yeyyyyyy!
"Ako na ang maggagarnish nyan, please Honey!" sabi ni Sophia kay Xander with matching puppy eyes pa. Aba may call names ah! Haha.
"Hindi mo ko honey," cold na sabi ni Xander. Freezer nga, sabi ko.
Ginagarnish ko yung Taco na order nung estudyante nang makita ko si Andrew na nakatitig sakin.
Lol so what? Di na ko kinikilig sa ganan. Siya din kaya ang naging rason kung bakit ako naging boyish! Kaya walang kilig kilig akong nararamdaman.
Iseserve ko na sana yung pagkain nang biglang hablutin ni Xander yung plato. "Hey! Iseserve ko na eh! It's great na naman ah?"
"Kulang. Tsk," sabi nya nang cold at dinagdagan ng garnish na broccoli yung plato.
Hala! Sabi nung student wag daw lagyan nun eh, allergic daw siya dun! "Xander! Wag mong lagyan nan. Allergic siya dyan!"
"Psh, reasons," sabi niya coldly at dinagdagan pa ng dalawang broccoli yung plato. Nooo! Hala! Pikon pa naman ako! Ayoko ng pinapakialaman ako at ang ginagawa ko! Sensitive din ako so it means iyakin ako. Kyah! Wag kang papatak luha!
I put the broccoli away. "Hindi nakakatuwa, Xander. Allergic nga siya diyan."
"Ikaw ang allergic sa broccoli Chantelle. Hindi yung student."
Nagteary eyes na ko. Ala! Papatak na talaga! Ang babaw ko!
"Please, Xander, wag... B-baka ibagsak ako n-ni Ma'am Gunio sa Culinary... p-please... nakadepend ang future ko sa grades..." pumatak ang isang luha ko dun. Ayoko talaga! Sabi ng principal pag may mali daw na nangyari sa estudyante ibabagsak kami ni Ma'am sa Culinary!
At tuluyan na akong humagulhol. Dejoke, di naman hagulhol. Tuloy tuloy lang na pumatak ang luha ko na walang ingay. Hays.
Xander put the broccoli back to its bowl. "Sorry. Wag ka nang umiyak." Cold pa din niyang sabi. What's new?
Napakagat nalang ako sa labi ko havang naggagarnish ng ibang pagkain. Di ko na sila pinansin ni Sophia.
"Chantelle, sorry na..."
Ang isang cold na Xander Last ay nagsosorry sakin? What? Wala akong pake.
Di nagtagal at naging 12:00 na. Kinuha ko ang backpack ko at lumabas nang dali dali. Pinunasan ko ang mga luha ko. Ang babaw ko! Magbabago na ako, di na ako magiging sensitive! Pero may point pa din naman ako eh. Even if our family's rich, I still need to succeed and sacrifice in order to achieve goals.
Charot.
—
Vacant time namin kaya umupo muna ako sa bench sa tapat ng fountain. Wow, first akong nakadating saming magbabarkada. Amazed.Di nagtagal ay dumating din si Andrew. Aish! Awkward ang tension dito tanan nyo!
"Chantelle..." sabi niya. "Bakit parang ang pugto ng mata mo?"
"Pake mo ba? Di naman uunlad ang Pilipinas pag sinagot ko yan."
"Okay..."
Katahimikan.
Long long long after, dumating na sina Kim at Louis. Magkaroommates sila eh.
"Muling ibalik—" di nila natuloy ang kanta nila dahil napansin nilang nakasimangot ako.
"Bakit Chan?" Tanong ni Louis at tumabi sa inuupuan ko.
I shook my head.
"Lagi kang ganyan Chan eh, secretive," sabi ni Kim at tumabi din sakin. Bale, nasa gitna ako nina Louis at Kim. "Di ka nagsasabi ng problema kaya di ka namin natutulungan."
![](https://img.wattpad.com/cover/88013826-288-k88850.jpg)
YOU ARE READING
The Girl with The Broken Smile
FanfictionKyline Nicole Alcantara FanFic ~TagLish~ "Please find THE GIRL WITH THE BROKEN SMILE and don't hurt her like I did." - Magbabarkada sila. Wala sa kanilang siraan, plastikan, o kung ano man. Wanna know why? Because lahat sila, mga lalaki, isa lang an...