You Don't Know Me
One ShotRemember Me?
"Just ask me if you want to punch Kuya Qwerty in the eye later. Willing ako, promise." sarkastiko na wika ko sabay upo sa maleta ko.
Natabunan na yata ng mga kotse ang hayop na 'yon! Ang tagal! Nababanasan na ako sa kanya.
"What did he told you ba about his whereabouts, Bora?" mataray na tanong ng pinsan kong si Ate Hannie.
"Nasa Velana na daw siya Ate Han. Traffic lang daw kaya medyo matatagalan." Huminga ng malalim si Ate Han at gumaya din sa posisyon ko.
"Nyeta! Bakit kasi sa inyo pa kami pinasabay? Ilang araw na sana kaming nagsasaya sa Qi ngayon."
"Kaya nga." Inirapan ko lang silang dalawa na pinsan ko din na sina Kelvin at Blue.
May inasikaso pa kasi kami sa passport nina Ate Han, kapatid nya na si Ate Hæven, Squy at Spencer sa Japan bago bumalik dito. Nauna na kasi sina Tita at Tito kaya napagutusan sila (bilang nakakatanda) na maiwan para samahan kami pauwi dito sa Surigao. Kaya sila nagmamaktol ngayon dahil samin at isinabay pa ang kabagalan ni Kuya Qwerty.
"Nasaan na sina Spencer at Squy, Ate Hæ?" tanong ko kay Ate na naka-headphones. Good thing, mahina ang volume nya ngayon at nadinig nya ako.
"Bumibili ng makakain papuntang Qi, Bora. Kung may gusto kang ihabol, tawagan mo lang sila." sagot nya sabay ngiti. Ilang oras din kasi ang byahe papuntang Qi kaya hindi rin namin pwedeng sisihin si Kuya Qwerty tapos traffic pa.
"Okay." I let out a sigh at naglakad-lakad muna dito sa labas ng airport.
"Huwag kang lalayo, Bora. Baka dumating na si Qwerty." paalala ni Ate Han at kumaway na lang ako.
Naabutan ko si Spencer at Squy na pinagkakaguluhan ng mga babae. Really? Iba talaga ang charisma ng kambal.
Maganda at gwapo ang mga Gomoreno, mula sa wavy na buhok ng mga babae, pilikmata, black na mata, matangos na ilong at magandang labi ay masasabi mong kami iyong Pilipino at Pilipina talaga. Hindi kami mapuputi o maiitim, kayumanggi ang balat ng mga Gomoreno kaya kapansin-pansin. At dahil kambal si Spencer at Squy ay mas maganda silang tingnan kapag magkasama.
Nahagip naman ako ng tingin ni Spencer kaya kinawayan nya ako para tulungan silang makaalis doon. Spencer isn't the same as Squy na masaya kapag napapansin ng mga babae, Spencer is the good one while Squy is the opposite.
Mabilis akong lumapit sa kanya kaya napasama tuloy ako sa mga babaeng nakakumpol doon. I look like their fans. Nang naramdaman kong may nakaapak ng sapatos ko ay umurong agad ako at sinigawan silang lahat.
"Can you let my boyfriend go, girls? Please!" Humarap silang lahat sakin at sinamaan ako ng tingin. Sht! I really hate these kind of girls. So wild.
"Bora!" masayang bati ni Spencer at hinigit na ako para makaalis na kami doon. "Fck! Utang na loob ko sayo ito, Bora. Para silang mga asong may rabis!" aniya na galit. Kinuha ko agad ang pagkain na dala nya at kumuha ng isa sa loob ng plastik.
"Wait! Bora!" napalingon naman agad kami sa pagsigaw ni Squy. Dmnit!
"Bilisan mo!" sigaw ni Spencer at tumabi sakin si Squy.
Nang makarating kami kina Ate Han ay nandoon na sina Kuya Qwerty.
"Oy! Pagkain!" Naginit ang dugo ko sa inasal nya kaya lumapit ako sa kanya para suntukin sya sa tiyan. "Fck! That hurts!"
"Serves you right, asshole! Bakit ang tagal mo?!" galit kong tanong. Hindi naman sya agad nakasagot dahil nakayuko sya at nakahawak sa tiyan nya. "Sagot!"
BINABASA MO ANG
The World Knows You Exist (One shots)
Short StoryOne shot Two shots Three shots I love you.