Ilang buwan na ang lumipas ng iwan ko ang kpop world. Oo mahirap! Sobra. Pero okay lang dahil pamilya ko naman ang pinagpalit ko
Umalis na din kami sa dati naming tinitirahan, dahil baka bumalik ulit sa papa samin. Humingi siya ng tawad samin, kay mama.
Si mama napatawad na siya. Pero ako at ang kapatid ko malabo! Masyadong nakakatruma ang ginawa niya kay mama
Minsan natetempt akong balikan ulit ang kpop world. Pero, sa tuwing naiisip ko na baka mangyari ulit yung noon. At mawala nanaman ang atensyon ko sa pamilya ko
Pinipigilan ko na ang sarili ko
Nililibang ko nalang ang sarili ko sa pag aaral at pagbabasa ng mga libro ko. Na ni dati ay hindi ko magawa dahil tutok ako sa computer, sa cp at laptop
Ngayong taon na din naman ay gragraduate na ako sa kolehiyo, at makakapagtrabaho na.
Matutulungan ko na din si mama sa pagtratrabaho. At ako na din ang magtutostos ng mga gastusin ng kapatid ko sa pag aaral niya
Mabuti na din naman at binitawan ko ang kpop world. Pero kung sa tingin niyo ay sinisisi ko sa kpop ang lahat
No. Kahit papaano din naman eh naging parte na sila sa buhay ko! Ang tanging sinasabi ko lang, masyado tayong nakatuon sa kpop hindi na natin namamalayan kung anong nangyayari sa palagid natin
At kung minsan, napapabayaan din natin ang ating pag aaral! Pero yung iba kayang ibalanse ang lahat ng yon
Gusto ko lang sabihin na kung may oras ka sa pagfafangirl. Dapat din na may oras ka sa pamilya mo at syempre kay god!
Mahirap talagang iwanan ang isang bagay lalo na kung malaki ang parte nito sa buhay mo, pero kung alam mo din namang yung pinagpalit mo ay karapat dapat. Worth it lang ang ginawa mo
BINABASA MO ANG
Fangirl's Life
FanfictionPAALALA: Kailangan ng patnubay at gabay ng bangtan patungo sa magandang lahi, i mean magandang kinabukasan.