Chapter 14

18.7K 599 59
                                    




Zoe's POV

"Bwisit na Gerald 'yon! kahit kailan napakasakim nya!" sabi ni Ate Shiela at pinangigilan si Ate Juls na hindi naman nagreklamo.

Hindi natuloy ang training namin ngayon dahil sa nangyari kaninang pagtatagpo nila Ate Kill at Ate Avey lalo na yung nalaman naming na ikakasal si Ate Avey sa pinsan ni Ate Kill na si Gerald. Nagpaalam sakin si Ate Kill kanina na gusto nyang makapag-isa kaya hinayaan ko sya dahil alam kong nasaktan sya ng sobra kaya bumalik ako sa mga kasamahan namin at sinabi sa kanila ang nangyari.

"Ano bang meron sa Gerald na 'yon at galit na galit ka?" tanong ni Ate Sharm kay Ate Shiela. Tumigil naman si Ate Shiela sa panggigil kay Ate Juls.

"Sya lang naman ang nakakainis sa lahat ng pinsan ni Bear." inis na sabi ni Ate Shiela.

"Bakit naman?" tanong ni Ate Anya.

"Sya kasi ang pinakapaboritong apo ng lolo't lola nila." pagsasagot ni Ate Scarlette.

"Bakit hindi mo ba sila lolo't lola rin?" paputol ni Ate V.

"Manahimik ka dyan. Patapusin mo muna ako." natawa kami sa pagtataray ni Ate Scarlette. "Mayaman ang pamilya ni Mama pero hindi mangyayari 'yon kung hindi dahil kanila lolo't lola. Mas mayaman sila lolo't lola dahil madami silang iba't ibang business sa buong mundo at dahil matanda na sila ay pinaghati hati 'yon sa mga anak nila. Mas madaming naibigay sa mga magulang ni Gerald na mana dahil paborito din nila lolo't lola ang bunsong anak nila na magulang ni Gerald." kwento ni Ate Scarlette.

"Teka, pang-ilan ba sa magkakapatid si Tita Trisha?" tanong ni Ate Lexie.

"Pangalawa si Mama. Sa totoo lang si Mama ang pinakakaonting naibigay sa kanyang mana dahil loko-loko si Mama non sabi ni Papa." sagot ni Ate Scarlette.

"Weh? kaonti pa ba yung yaman nila Kill?" hindi makapaniwalang tanong ni Ate Krystal, miski ako hindi naniwala eh.

"Yung camp naman ay hindi galing sa parents nila Tita ang ginamit para ipatayo 'yon. Sariling sikap nila 'yon. Dalawang kompanya lang ang binigay sa kanila, yung maliit pa at walang masyadong kitang nakukuha dahil hindi binibigay ng pansin ng mga parents nila Tita." sagot ni Ate Noimi.

"Siguro sobrang loko-loko si Tita Trisha non kaya ang binigay sa kanya ay maliit." sabi ni Ate Ella.

"Siguro pero wala namang kaso sa kanila 'yon kung maliit lang ang ibinigay sa kanila at walang masyadong kita. Kita ninyo naman yung kompanyang binigay sa kanila ay dalawa na ngayon na kilala sa business industry dahil napatakbo nila 'yon ng maayos. So wala silang paki kung may favoritism sa pamilya nila." sabi Ate Scarlette. Grabe ang cool talaga ng pamilya nila Ate Kill.

 "Teka, nalalayo na tayo kay Gerald eh." sabat ni Ate Abby. Natawa kami na ma-realize 'yon.

"Okay ganito 'yon, dahil paborito nga sya at nag-iisang anak lang sya ng mga magulang nya, na-spoiled sya, in short lahat ng gusto nya ay nakukuha nya kahit anong mangyari." sabi ni Ate Scarlette.

"Which means ay hiningi ng lokong-lokong Gerald 'yon na makuha si Avey ganon ba?" tanong ni Ate Joey. Tumango si Ate Scarlette.

"Ayon lang ang nag-iisang posibilidad na mangyari. Hindi ko lang alam kung bakit si Avey pa ang napili nya, alam nya naman girlfriend ni Kill si Avey." sabi ni Ate Scarlette.

"Maganda si Avey, walang dudang nagustuhan sya ni Gerald. Pero bakit ba nagkaproblema ang kompanya nyo?" tanong ni Ate Ella kay Ate Abby.

"Hindi ko alam. Wala akong hilig sa business kaya nga ako ang pumalit sa kanya nung may problema ang kompanya nila Dad dahil si Avey lang ang maaasahan nila." sagot naman ni Ate Abby.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon