One sunny (heat stroke) afternoon, after school naghihintay ako ng taxi papuntang SLEX to meet Jam and the rest of the gang.
May GEB kasi sa Calamba.
SUUUUPER HIRAP MAKAKUHA NG TAXI.
AS IN.
Lahat may sakay.
Or ung iba, ayaw daw. (snob sila haha)
Then may lumapit sakin na batang lalaki. Kasama niya little sister niya.
Nanglilimos.
Di ko muna nabigyan, sabi ko wala pa kong barya. Kukuha muna ako ng taxi.
Sinamahan nila ako dun sa may baba ng school habang tumutulong si little boy makakuha ng taxi.
Nakita kong mabait naman siya so naisipan ko bigyan siya ng 50 pesos instead of coins.
Sabay sabi niya sakin, "ate pahingi ako kahit 50 lang ah. Pangkain namin."
Sakto sa iniisip kong amount na ibibigay sakanya.
Nag smile lang muna ako sakanya.
Minutes passed.
Wala pa rin taxi.
So naglakad pa kami ng konti kasi baka mas may taxi dun.
Wala pa rin.
Habang naglalakad kami, that little boy's always making sure na ung sister niya nakasunod sakanya.
Ang sweet diba?
So yun..
Tumawid kami ng Taft, baka may taxi dun.
Wala pa rin.
Naglakad ulit kami palayo pa ng konti, baka may taxi dun.
Wala pa rin.
Nagpahinga kami ng konti sa lilim kasi sobrang init talaga.
Nakatirik ung araw.
(habang nag aabang pa rin ng taxi)
Tinanong tanong ko siya tungkol sa buhay niya.
Paolinne Michelle: "Ano name mo?"
Sagot ni little boy, "JJ"
PM: "eh ung kapatid mo ano name?"
JJ: "Jelin"
PM: "ilan kayo magkakapatid?"
JJ: "apat"
PM: "ilang taon ka na?"
JJ: "9"
PM: "ikaw pinaka matanda sakanila?"
JJ: "oo"
PM: "asan magulang mo?"
JJ: "sa bahay lang. Wala silang trabaho eh."
PM: "eh bakit ikaw ung naghahanap ng pera?"
(ngumiti lang si JJ)
After ng konting kwentuhan pa, naglakad na kami ulit para makahanap ng taxi.
Ang hirap talaga makahanap kasi lahat may sakay.
For some reason ang konti pa ng dumadaan na taxi.
Time passed.
Napansin kong very determined talaga si JJ matulungan ako. Sinasabihan ko lang siya na dahan dahan sa pagtawid.
Naisip ko bigyan ko na siya ng doble ng amount na hinihingi niya, 100 pesos na lang naisipan kong ibigay.
Pag balik niya sakin, sakto nanaman.
Sabi niya kung pwede daw 100 na lang kasi madami daw sila maghahati hati sa food.
Nagsmile lang ako ulit sakanya.
WALA PA RIN TAXI.
Di ko alam bakit ganun. Eh usually naman meron dun. Late na kami sa GEB so naisip ko sasakay na lang ako ng pedicab papuntang Buendia.
Mas madaming taxi dun kasi main road talaga dun.
So I got my 100 pesos tapos tinawag ko na si JJ para ibigay na sakanya yun.
Pagbigay ko sakanya sabi ko pang bili niya ng pagkain lang dapat yun. Pakabait siya. Sundin niya magulang niya. At wag gagawa ng masama.
Nag thank you si JJ.
Nakita kong marunong siya maka appreciate.
Nag bbye na ko sakanila.
Nung patawid na ko ng Taft ulit, I heard JJ calling me. Nakakatuwa kasi sinusundan pa rin ako ng magkapatid. Haha Ang cute nila tignan.
Sabi ni JJ: "ate dagdagan mo pa kami konti bibili kami ng laruan. Ung drums."
Napasmile na lang ako sakanila haha
I was in a hurry na rin kasi that time kasi suuuuper late na kami sa GEB namin nun.
So I told JJ na ipangbili na lang niya ng food ung binigay ko. Sabi ko wag sila pagutom.
Then nag bbye na talaga ako.
After that moment I prayed to God na sana JJ would grow up as a good brother and son to their family. Na sana kahit di sila ganun kablessed sa buhay nila, sana he would still do good. Na maging good example siya sa mga kapatid niya and matulungan pa niya parents niya.
Now, sa mga nakakabasa nito, let's all pray for people like JJ. Na sana lahat sila gumawa pa rin ng kabutihan kahit mahirap ang buhay sa bansa natin ngayon. Na sana matutunan nilang makilala at matuklasan ang POWERS NI GOD :)
Kasi walang imposible sa Kanya.
Just do good, pray and trust God no matter what.
EVERYTHING WILL BE OKAY ♥
Do not walk in fear BUT walk in FAITH ;)
And always remember to watch your W.A.T.C.H. because time is gold.
Watch your Words.
Watch your Actions.
Watch your Thoughts.
Watch your Character.
Watch your Heart.
LIVE.
LAUGH.
LOVE.
You are a wonderful creation of God ♥
Smile, spread the love and celebrate life ;)