Chapter 2.1

12 3 1
                                    

Cassandra POV

Nagpahatid kami kay Butler Lukas papuntang Star High Academy kung saan ako kasalukuyang nag-aaral pero graduated na ako ng Highschool at magcocollege na rin.

"Wow anlaki pala ng School niyo halos parehas lang dun sa School namin sa Korea" namamanghang tanaw ni Miracle sa bintana.

"OA lang Mira? Baka pag kamalan kang ignorante jan sa ginagawa mo haha." hila ko sa kanya.

Eh paano ba naman kasi nilabas pa talaga yung ulo para makita yung school namin haha parang bata.
Oo malaki yung School namin. It is the one of the most prestigious school in the Philippines at may mga sangay din ito sa ibang lugar pero ito ang pinaka malaki sa lahat.

Mga mayayaman at magagaling lang ang nakakapasok dito at isa na kami dun ng kambal ko ay dalawa pala kami sarrey..
Syempre malakas ang koneksyon ng pamilya namin dito kasi malaki yung shares ni Daddy .Yep mayaman kami pero hindi ko lang pinapahalata ng sobra , Im not boastful as the others students does here .

Bumaba na kami kasi magpapark na si butler Lukas .Dumiretso kami sa Admin building kung saan may pipirmahan si Mira na ilang papers para maprocess na ang paglipat niya dito.

"Gosh ang init naman dito." Sabi ni Mira na pinapaypay gamit ang kanyang kamay.

Ang arte talaga ng kambal ko grabe naka -aircon na nga lahat ng building dito psssh.

"Manhid ka ba Mira? Eh giniginaw na nga ako sa sobrang lamig " tugon ko.palibhasa sanay sa nag iisnow.

"Eihh malayo pa ba tayo.? Can we use the elavator nalang instead of walking like this ,you know naman nakaheels ako" reklamo na naman ni Mira.

"Wag kang mag-alala malapit na tayo" sabi ko kanya. Totoo naman malapit na kami sa 3rd floor .Ayoko ko sa elavator nahihilo ako sa mga matatapang nilang perfume ,mabango nga pero nakakahilo talaga.

"Cassy maawa ka naman sa paa ko ohh plss"sabay pakita ang paltos sa likod ng paa niya.

Bigla naman akong naawa sa kalagayan niya, namumutla na siya tapos nagkapaltos pa.

Bigla akong naalarma at naisipang pumunta sa school clinic.

"Wait .just wait me here kukuha lang ako ng band aids at flip- flop sa clinic." inutusan ko siyang umupo sa couch malapit dun.

Takbo ako ng takbo kahit hinihingal na ako kasi sa kabilang building pa yon.Nang bigla akong nauntog sa isang poste este peste ay mali, nilingon ko pataas kung sino yung nabangga ko parang isang anghel na nilalang na bumaba sa kalangitan...

Ibinaling-baling ko yung ulo ko mula sa pag de-daydream ko nang bigla niya akong sinigawan "Ano ba yan Miss anluwang luwang ng daanan .!?! Siguro sinadya mo akong banggain noh!?" Sigaw sa akin ng lalaking gwapo este mayabang. Ano daw sinadya ko? KO???

"F.Y.I lang huh Mr. Yabang nagmamadali kasi ako at wala akong balak Banggain ka.,ano ako tanga?? para saktan o ibangga ang sarili ko sayo ???" Sigaw ko sa mukha niya

Feel ko parang may kung anong umuusok sa ilong at mata ko ..Gwapo nga suplado naman at ubod ng kayabangan.! Noong nagpasabog siguro ng kayabangan nasalo na niya lahat at nagdonate nalang siya sa iba...tskk

Muli siyang nagsalita pero inilapit niya ang mukha niya sa akin halos nararamdaman ko ang mainit niyang hininga, konting galaw lang ayssshhole...magkakadikit na ang mga labi namin .. Kaya ayon hindi ako gumalaw sa halip umatras ako ng umatras pero "AYYYYYYYYY!" Napasigaw ako ng hindi oras .Hagdan pala yon mahuhulog na ako sa baba ...

Nakapikit pa rin ako, teka bakit parang wala akong naramdamang sakit sa pagkahulog ko? Nasa langit na
ba ako? Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata🤐 niyakap pala ako ng nabangga kong mayabang na nilalang teka niyakap niya ako.? Nagising ako sa katotohanan at saka tinulak ko siya "Pervert!!!" Sabay sigaw ko.
Ngumiti siya ng nakakaloko "hindi ka man lang ba magpapasalamat na niligtas ko ang buhay mo?"

Aba! ako magpapasalamat ? Eh kasalanan niya nga eh kung bakit muntikan akong mahulog sa hagdan.

"Bakit naman ako magpapasalamat? ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit ako muntikang mahulog dito eh" tugon ko.

"Hahahaha bakit tinulak ba kita diyan.? Ikaw naman ang kusang umatras diba?" Pang asar niyang sabi.

"Niligtas na nga kita sasabihan mo pa akong pervert hindi naman kita sinilipan ??"dagdag niya pa pero may inis na yung pagkasabi niya..

"Tsinansingan mo ako!" Reklamo ko sakanya

"Saan banda?" tapos pa inosenteng binaling ang tingin sa dibdib ko.

Bastos talaga tong mayabang na to! Binabawi ko na yung sinabi kong parang anghel na bumaba sa kalangitan .binagsak pwede pa siguro,binagsak na black angel na naging monster bwahaha...

Agad kong tinakpan ang dibdib ko gamit ang sling bag ko..

"Tsssk ..Yan ba ang pinagmamalaki mo sa aking tsinansingan ko? Flat naman..." pang aasar niya na may nakakalokong ngiti

Arggggghhhh!!! Ano flat daw tong dibdib ko ? Hindi ah wala ngang foam yung gamit kong brassier .pervt talaga toh!

"Hoy Mr. Yabang! Natural lang na medyo flat ang dibdib ko kasi Im too young para maging isang gaya ng motherhood na nagpapadede!!!" sigaw ko And I feel that imaginary smoke coming out from my eyes and nose again.

"Ahh hindi naman yang dibdib mo yung sinasabi kong flat eh maliban lang kung totoo?? Hahahahaha" Nakakalokong ngiti niya sabay humagalpak sa tawa.

"So ano yung sinasabi mong flat?" sarcastic kong tanong.

"Yung TV ni manong guard sa guard house .makikinood sana ako ng laban ng basketball eh" sabay pacool at pasipol sipol na umalis...

Arggggghhhhhhhhhh!!!!!!mapapasipa yata ako dito !!!!

May oras ka din lalaking mayabang at bastos! Magtutuos tayo pag nakita ulit kita. Arggggggh!!! Ang sarap sumipa ng taong mayabang ...!!!

Author's note: Sorry po sa maiksing update.😑😊.Sana nagustuhan niyo po.
Abangan niyo po ang mga susunod pang mas exciting na chapters... 😙😚😘😍

Sino kaya ang gwapong nilalang pero ubod naman ng yabang?? Na bumuhay sa pagka-amazonang ugali ni Cassandra...  😚😉😆

Don't forget to vote din po hihi.

My Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon