Chance [DARAGON]

2K 30 6
                                    

"Do you believe in happily ever after?"

Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam ko alam kung bakit ko naitanong sa kanya ang mga iyon. Siguro dahil sa wala lang akong magawa o dahil hindi ko lang matiis ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. Ewan, naguguluhan ako.

Kasalanan ito nung librong nabasa ko nung isang araw. Kailangan ba lahat ng love story happily ever after and ending? Hindi ba pwedeng tragic o kaya naman horror para maiba. Di ba kapag happily ever after may mg fairies na kasama? Ano kayang feeling ang magkaroon ng sariling fairy godmother? Yung isang kumpas lang ng magic wand niya darating na agad yung Prince Charming ko. At sa tuwing gagamit siya ng magic dust lahat ng nasa paligid ko ay magiging perfect at ang love story ko ay magiging happiyly ever after. Ang saya siguro nun.

"No.." bulong niya.. Agad nabura ang ngiti sa labi ko ng marinig ko ang sagot niyang iyon. Expected ko na iyon ang magiging sagot niya pero hindi ko pa din maiwasanag malungkot. Bakit? Ano bang masama kung paminsan-minsan ay maniwala ka na may fairy godmother, na merong happily ever after kasama yung taong mahal mo.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ayokong makita niya na umiiyak ako, naiinis ako sa sarili ko. Napa-childish ko, konting bagay lang umiiyak na ako. Pero kahit na ganoon lagi pa rin siyang nandiyan sa tabi ko, pero bakit hindi niya ako mapagbigyan ngayon? Sana.. sana nagsinungaling na lang siya. Sana sinabi niya na naniniwala din siya sa mga fairies. Pero alam ko malabon mangyari iyon, lagi naman siyang ganyan ehh. Sinisira niya daydreaming ko, lagi niya pinapaalala na mas mahalaga ang reality kesa sa daydreaming.

Pero kahit na ganoon ay hindi ko kayang magalit sa kanya. Siguro dahil sanay na ako. Nakakainis man pero gustong-gusto ko ang ugali niyang iyon, yung pagiging realistic niya. Kasi kung hindi dahil sa kanya marahil ay umiiyak pa rin ako sa isang sulok tuwing nabu-bully ako.

Kwon Jiyong. Sana lagi ka nalang nandiyan sa tabi ko, alam ko napaka-selfish na hilingin ito pero hindi ko kaya na wala ka. Masyado na ako na-attached sa iyo, kasalanan mo din naman ehh. Masyado mo akong sinanay sa pagiging protective mo.

Ilang taon na ba simula ng magkakilala tayo? Five? Six? Ewan, basta ang natatandaan ko Christmast noon, umiiyak ako sa park dahil binully na naman nila ako. Iyak ako ng iyak hindi dahil sa kinuha nila yung lollipop ko kundi dahil wala akong magawa kundi ang umiyak. Hindi ko kasi sila kaya, babae ako tapos sila lalaki at malalaki pa. Masakit na ang mata ko sa kakaiyak pero hindi ko pa din mapigilan ang umiyak, kaya lalo lang nila akong inasar. Pero bigla kang dumating, nakasuot ka ng spongebob na t-shirt tapos may dala kang kahoy na espada.

Hindi ko alam kung paano mo sila natakot kaya bigla silang nagtakbuhan, bilib na bilib ako sa'yo noon. Ang tapang-tapang mo kasi, nilapitan mo ako at itinayo sabay bulong "Huwag ka ng umiyak baby girl. Nandito na ako.." Simula ng araw na iyong lagi na kitang kasama. Kahit saan ako pumunta lagi kang nanduyan para bantayan ako, iligtas ako sa mga bully.

Bakit ganyan ka? Akala ko ba hindi mo ako iiwan? Galit ka ba sa akin? Sawa ka na ba sa pagiging childish ko? Promise magbabago na ako bumalik ka lang ulit sa akin... Hindi ko man lang nasabi sa'yo kung gaano kita kamahal. Hindi ko pa naasabi kung gaano ako kasaya nung araw na niligtas mo ako sa mga bully sa park. Kung gaano ako kasaya sa tuwing sasakay ako sa likod ng bike mo at maglilibot tayo sa park. Jiyong, mahal na mahal kita..

Nung araw na mangyari iyon. Parang gusto ko na ding mamatay...

Nakatanggap ako ng tawag ng araw na iyon, gusto mo daw akong makita. Hindi ako pumunta dahil galit ako sa'yo. Gusto mo palang makipagkita sa akin bakit pinasabi mo pa sa iba? Pero kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana.. sana hindi ko pinairal ang pagigin childish ko. Sana nakita pa kita sa huling pagkakataon. Sana nasabi ko sa'yo yung mga katagang matagal ko ng gustong sabihin sa iyo. Ngayon huli na ang lahat...

Wait for me Jiyong.. I love you so much..

- Dara

Huminga ako ng malalim at isinara ang librong hawak ko. Natapos ko na, nagawa ko na ang pinangako ko sa'yo Jiyong. Naisulat ko na ang storya natin. Magkikita na din tayo mahal ko...

Chance [DARAGON]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon