Chapter 1- First Day, It's still HIM

8 0 0
                                    

Sam's POV

OYYOYOY! Sam Garcia pala. 15 years old. 4th year high school sa Philippine Science High School (PSHS). Pangalan pa lang ng school ko, alam niyo na kung anong tipong babae ako. No offense pero, ang Philippine Science High School lang naman Ang UP ng High Schools. Lahat ng mga students diyan, parating nakakapasa sa UP. Ganun sila katalino! So, Yeah. Matalino ako. Nagto-top ako sa room namin. Ayaw na ayaw ko Ang mga taong gwapo o maganda, yung feel na feel talaga nila, pero hindi naman masyado or nagpe-perform sa room. Though, may angking talino sila, Sila siguro yung mga tipo ng taong Pinakabobo sa mga Matatalino. Bestfriend ko pala si Mia Guzman. Certified Chicks ng PSHS. (Ako? Haha. Certified Nerd naman. Kasi naman, messy, eyeglasses, ponytail, pawisan, purple braces. Saan ka pa?) Matalino, Maganda, Maputi, Mabait, Astig at Very Approachable. Ano pa hanap niyo? Kaso, may boyfriend kasi siya. Taken na. Pero, loyal yung boyfriend niya.

Kung may hate ako, edi natural, may hatest ako. Siguro, ito yung barkada group ko. Hindi naman yung whole pero, yung ilan lang dun. Meron kasing makapal Ang mukha. At meron rin yung feeling. Magkasangga sila sa pang-aasar sa akin. O kung hindi nang-aasar ng araw ko. Yung nang-aasar, kunwari lang na ayaw ko. Pero, mabait yun. Close kami. Kung maka-asar lang kasi, wagas. Parang walang bukas. Yung nang-aasar naman ng araw ko, Ang ayaw sa ayaw ko talaga. Makapal ang mukha, feeling at akala mo kung sinong gwapo (Kahit Gwapo).

Nu'ng nalaman ko na kasali ako sa group na ito, you don't know how horrible I look on that moment. Eh kasi naman, bigla-bigla kang sinali tapos, ayaw mo pa yung isang member nito, tapos nakakasira pa ng moments. WHAT A HAPPY LIFE I HAVE!

*Flashback:

Beep.. Beep

1 new message from My Princess <3

(My Princess pala tawag ko kay Best. Ako naman, My Queen Ang tawag niya.)

"You know what, kasali ka sa group nina Christian. Sinali kita. :) Ok lang?"

(Christian Ramirez pala boyfriend niya. Sabi ko kanina, Taken na siya.)

"Yes. Fine."-Ako

Sent!

*End

Kahit si Bestprend pa ang nagsali sa akin dito, di pa rin ako, you know, as a good girl, sanay sa mga ganitong bagay. Hang-outs. Parties. Right from the start, I know na maaapektuhan grades ko dito. Kaya, kapag free lang ako pumupunta sa mga meetings namin. Hindi naman mahalaga eh. :)

First Day pagkatapos ng bakasyon. Pasukan nanaman. Makikita ko nanaman yung mga makukulit kong classmates, mga nakakahilo at nakakainis na teachers at si Sungit.

Iisa lang ang sundo naming magbabarkada. Para get-together naman daw. 1 year na namin 'tong ginagawa (para sa akin).

"Anak, ito na yung baon mo oh. Take care. Do Good honey."-Mommy

"Yes Mom. Don't worry. I've got a tape recorder in my brain that keeps on repeating your heavenly words."-Me

"Fine Darling. Break a leg!"-Mommy

"Yep Mom." With matching pose of breaking my leg.

Sa mga nagbabasa, Ang Break a Leg ay isang idiom na Ang ibig sabihin ay Goodluck.. or something like that.

So, as usual, inaantay ako ni Manong Drayber sa harapan ng gate. Pero, wait. Asan si Manong Drayber? Himala. Napa-aga ata ako. First time dre!

Beep.. Beep

1 New Message from Keith Sungit

Si Sungit. At may gana pa talagang magtext sa akin.

You're My ONE ∞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon