Sapatos

19 0 0
                                    

Gaano ba kahalaga sa isang bata ang magkaroon nang isang sapatos.?

Malalim na ang gabi,medyo umuulan din sa labas."jose hindi ko na ata kakayanin pang pumunta nang hospital" saad ni amellia sa asawang si Jose.
"Dito ka lamang at tatawagin ko si aling Delia" sagot nito at lumabas na nang kanilang kubo. Si Delia na ang kailangan nila sa mga oras na iyon,kilala kasi ito bilang kumadrona sa kanilang barangay,hindi narin kasi kaya pa ni amellia pumunta ng hospital para doon maianak ang kanyang nasa sinapupunan.

"Tao po! Tao po!" Paulit ulit niyang tugon nang marating na ni José ang kubo ni Delia.ilang sandali pa'y nagbukas na ito." Oh Jose,?" Papungas pungas pa nitong sagot na halatang kakagising pa lamang."a-aling Delia,s-si amellia manganganak na!" Nauutal pang paliwanag ni jose sa matanda..

Nasa kubo na muli si José kasama si aling Delia.agad itong nagpakuha ng isang mainit na tubing at agad na sinimulan din ang operasyon."Sige amellia i-ire mo lang at malapit nang lumabas ang bata" Utos nito Kay amellia na bakas na sa kanyang mukha ang pag hihirap. Samantala ay panay naman ang dasal ni jose sa diyos na sana ay maging maayos ang panganganak ni amellia..natigilan siya nang isang iyak nang bata ang marinig niya mula sa loob ng kubo. Tuwang tuwa siyang pumasok at doon nakita niyang bitbit ni aling Delia ang isang sanggol."lalaki ang anak niyo jose" masayang balita sa kanya ni aling Delia. Ngumiti ito ngunit napatingin din agad sa asawa. "K-kamusta po si amellia?" Pilit nitong tanong kahit na kinabahan siya bigla nang makita ang asawa niyang walang malay.
"Huwag kang mag-alala,na walan lamang siya ng malay" paliwanag nito.. Napabuntong hininga siya, akala niya ay iiwanan na siya ng kanyang asawa.

"Ohsiya,José aalis na ako at maaga pa akong mag-sisimba bukas."saad nito at lumabas na. "T-teka aling Delia.maraming salamat ho.at pagpasensiyahan mo na po itong kaunting tulong ko rin sainyo" Aniya at sabay abot dito nang isang daang piso. "Ano kaba jose,hindi na kayo iba sa akin." Sabay balik nito sa pera. "P-pero---" hindi na niya na ituloy pa ang sasabihin ng unahan siya ng matanda."ganito jose alagaan mong mabuti ang inyong anak ni amellia at kung sa paglaki niya at naabot na niya ang pangarap niya,siguroy doon muna na lang ako bayaran" pabiro ng matanda kaya sabay silang napatawa.. Tuluyan ng nag paalam si aling delia.
Binalik niya na ang tingin sa kanyang mag-ina at nakita niyang gising na ang kanyang asawa. "Napakaganda ng mukha niya" saad ni jose nang pagmasdan niya ang mukha ng sanggol. "Ano kaya ang ipapangalan natin sa kanya?" Tanong ni amellia sa asawa. Nag isip ito sandali bago magsalita muli. "Renren,iyon ang pangalan niya." Sagot nito.

Kay bilis lumipas ang mga araw,kasabay nang mabilis na paglaki din ni renren na kasalukuyang nasa apat na taong gulang na kaya na nitong maglakad at magsalita."renren!anak nandito na ako!" Sigaw ng kanyang tatay jose mula sa labas ng kanilang kubo habang dala ang isang supot ng tinapay.kagagaling lamang nito sa pinapasukang pabrika. Mabilis na tumakbo si renren palabas upang salubungin niya ang kanyang itay. Ginawaran siya agad ng halik nang buhatin na siya ng kanyang tatay.
Pagpasok nila naabutan naman niyang abala pa lamang sa pagluluto ng kanilang hapunan ang kanyang asawang si amellia, "nariyan kana pala." Ngumiti ito sa asawa. Sumapit ang gabi,kasalukuyang kumakain na sila nang hapunan.. Masaya lamang sila kung magsasalo kahit na simple lang ang pamumuhay nila "Anak,kaarawan mo na pala sa susunod na linggo." Masayang balita ni jose sa kanyang anak. "Oo nga po itay!nasasabik na ako!" Masaya naman din nitong sagot.. "Ano naman ang gusto mong regalo?" Tanong ng kanyang tatay..
Ilang sabdali bago ito sumagot," gusto ko po niyong sapatos na nakita natin sa bayan noon!" Sagot nito.. "Sige,bibilhin ko iyon sa kaarawan mo anak."
Pagbitiw nito ng pangako sa anak.

Ilang araw ang lumipas at sumapit na ang kaarawan ni renren. Naghanda lamang ng pancit si amellia sa araw na iyon. Kaunti lamang naman ang nagpunta noon. Subalit sumapit ang gabi ay wala pa ang kanyang asawa, "inay? Nakalimutan ba ni itay ang kaarawan ko?" Bakas sa mukha ng bata ang lungkot, sa boung maghapon kasi ay wala itong ginawa kundi ang hintayin ang kanyang itay.nasasabik ito sa pinangako ng kanyang itay ngunit sumapit na ang gabi ay wala parin ito.
"Siguroy wala siyang nasakyan na jeep pauwi anak," paliwanag na lang ni amellia sa anak. "Sige na anak matulog kana muna at ako na lamang ang maghihintay sa iyong itay." Utos nito nang mapansing antok na antok na si renren.. Maghahating gabi na nang may kumatok sa pinto nang kanilang kubo. Bumangon si amellia at agad na pinagbuksan ito. "Jose!?" Gulat nitong saad nang makita ang asawa, hindi siya nito pinansin kaya nagtuloy tuloy lang ito sa pagpasok.. "Lasing kaba!" Naamoy niya ang kakaibang Amoy nito.." Pwede ba amellia huwag ngayon! Wala akong panahon para makipagtalo sayo!" Giit nito .. "Lasing ka na naman!at tsaka hindi mo ba alam na kaarawan ngayon ng anak mo!?" Galit nitong sigaw,hindi niya alam pero bigla na lamang kasing namuo ang galit sa kanyang puso. Hindi na kasi niya naiintindihan ang asawa kung umuwi kasi ito ay gabi na at lasing pa. Tila nag iba na ito,hindi tulad ng dati..

SapatosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon