Naniniwala ako sa happy ending. Naniniwala ako nama'y Prince charming liligtas sa akin."Dadating din yun, na- traffic lang" sabi ko sa sarili ko habang nagwawalis ako sa sahig. Malaki kasi ang bahay ni tiyo.17 years old ako nang naninirahan sa Cadiz.
Probinsya ito ng tiyo ko na tinutuluyan ko ngayon. Namatay ang nanay ko dahil sa aksidente samantala ang tatay ko naman ay may bago ng pamilya. Kaya nandito ako sa poder ni tiyo. Siya na lang kasi ang pamilya ko. At walang pamilya. Hindi niya daw kasi nakakalimutan ang first love niya.Isang araw habang ako'y naglilinis sa Hardin.
May nakita akong lalaki na nakasandig sa puno at Naka tingin ito sa langit. Parang may malalim na isip. Matangos ang ilong nito, mapu-pula ang labi, sobrang puti ng balat at bagsak ang buhok.'Ang gwapo' bigla akong namula ng naisip ko ang bagay na yun. Tiningnan ko ang bahay ni tiyo. Hindi pa namang siguro uuwi yun. Kaya tumingin ulit ako sa kinaroronan ng lalaki. Nakahiga na ito ngayon sa lilim ng puno.
Binilisan ko ang pagdidilig at paglilinis para makatapos agad. At nang natapos lumapit agad ako sa lalaki. Tahimik akong lumakad papalapit sa kanya. Lumuhod ako sa harapan nya at hahawakan na sana ang mukha niya nang bigla na lang nagmulat ang mga mata niya. Napaatras agad ako dahil sa gulat.
Kaya Napa upo ako nang wala sa oras. Buti na lang nakamaong ako ngayon. Tumayo ang lalaki, pinagpag niya muna ang pantalon nya.
"H-hi" yun lang ang tanging nasabi ko dahil nahihiya ako. Ang bobo ko kasi, sana hindi na lang ako lumapit. Yumuko ako ng tingnan niya ako sa mata. YOOTS ang ganda ng mata niya.
"TSS" yun lang ang sabi niya. Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko.
"A-ako nga p-pala s-si E-eden. Ikaw sino ka??" Nauutal kong tanong sa kanya.
"Tss. " ngumiti siya sa akin. Kaya ngumiti rin ako sa kanya. Akala ko suplado siya. Ang ganda ganda ng ngipin niya
"Parang kang tanga"Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.
"I mean, para kang sira na naka-ngiti" pagpaliwanag niya sa akin. Habang nasa ulo ang kaliwa niyang kamay.
"I'm Nicolas" pagpakilala niya. Biglang bumilis ang takbo ng puso ko. Parang nagkita na kami dati, pero di ko alam kung san.Tinaas niya ang kaliwa niyang kamay para magkamayan kami.Nabigla ako dahil sobrang lamig ng mga palad niya. Kaya napabitiw ako ng wala sa oras.
"He he.. B-ba't ang lamig ng k---" hindi ko natapos ang tanong ko nang bigla na lang tinawag ni tiyo ang pangalan ko.
"Nico a-alis muna a-ako. S-sana magkita ulit tayo"
BINABASA MO ANG
He Loves Her
Short StoryI love him. Pero may mahal siyang iba. Ginawa ko naman lahat para mahalin niya rin ako pero kahit kailan hindi ko pa rin mapalitan ang mahal niya.