I
“WILL YOU PLEASE STOP SHOUTING JAMS? Alam mo bang kanina ang naaburido ang eardrums ko sayo, ha? Ikaw kaya ang lumagay sa katatayuan nila? Yung tipong minuminuto kang sisigawan dahil sa mga pangit na mukha sa paligid mo? Kimmy Jaze Ronquillo naiinitindihan mo ba ako?"
“Naiintindihan kita. Loud and clear. Pero walang buuan ng pangalan. Sorry na nga e diba. Pasensya na. Tao lang. Marunong magalit. At pag nagagalit sumisigaw. Sorry na.”
“Wag ka saken mag sorry. Sa eardrums ko.”
“Ui, eardrums ni Cors, sorry na. Peace na tayo ha.”
Hayun ang dalawang bestfriends ko. Si Jam at si Cors.
Hindi po sila nag-aaway. Normal na eksena yan.
May nakita nanaman kasi si Jam na “parang siga” sa campus kanina. Gusto niya sanang hamunin ng suntukan. Buti na lang napigilan namin. So sa tenga ni Cors niya binuhos ang lahat ng galit niya dun sa “parang siga”.
Tama ang nabasa niyo. Hahamunin ni Jam, na isang magandang babae, ng suntukan ang isang inosenteng lalaki.
Yan si Kimmy Jaze Ronquillo. Ang siga sa barkada.
----------------------------------------------------------------------
“Soph, tulong naman oh. Sige na. Alam ko namang kaya mo to. Please..” -Cors
“Naman Cors, nag-aaral ako, oo. Pero hindi ako ganyan katalino. Alam mo bang pang genius yang napatapat na report sayo?” -Ako
“Naman Soph eh! Wag ka namang ganyan.. Kaya mo tong isolve diba.. Diba?” - Cors
Hayyy. Ganito nanaman tayo.
Ewan ko ba dito sa mga kaibigan ko? Hindi naman ako ganon katalino. Pero sakin nila papasagutan yung mga mahihirap na tanong. Nag-aaral lang talaga ako. Kaya kumpara sa kanila, mas matalino ako. (MAY KAYABANGAN AKO DON. WAG NIYO NA LANG PANSININ.)
“Ang hirap naman kasi sayo Chronie May Ilagan, nag prine-presenta ka diyan sa report na yan. Aba Cors, Math yan! Math! Alam mo bang isinubo mo ang sarili mo sa maagang kamatayan, ha? Ngayon, magtiis ka. Aba, ikaw e. Ginusto mo yan,” singit ni Jam, sabay tawa ng malakas.
“Jams, wag ka ng kumontra. Nakita mo ba yung mga nagbabagang tingin sakin ni Sir Falla sakin kahapon nung nalaman niyang nahulog ako sa test? Nakooow. Naramdaman ko. Kung makakapatay lang ang tingin. May pa kape at biscuits na kayo ngayon sa amin.” - Cors
“Cors, hindi mo masisisi si Sir. Last year pa nating lesson yun e. Tapos ikaw lang yung bagsak. Sige, sabihin mo saken. Kung ikaw yung teacher, mapapatawad mo ba ang kahindik-hindik na kamangmangang iyon, ha?”- Jami
“Jam, wag mo ng dagdagan ang sugat na nararamdaman ng pobreng puso ko! Sige na Soph.. Hindi ka ba naawa sa akin? Soph, paglalamayan ako bukas pag di ko to nasolve ngayon!” -Cors
“Magandang umaga sayo Jami beybeh, at sa inyong dalawang binibini. Kamusta naman ang araw mo Jami beybeh? Maganda? Masigla? Ma—“
“Masasakal na kita pag hindi ka pa tumigil diyan Leandro. O, since kaya mo naman to, isolve mo tong report ni Cors. Para naman magkasilbi ka diyan.”
“Yun lang ba Jami beybeh? Para sa Jami beybeh ko, gagawin ko ang lahat.. Ang lahat lahat.. Kahit ika—“
“Ikakamatay mo na Leandro pag hindi ka pa tumigil. Isolve mo na to , dali.”
“Sabi ko nga Jami beybeh. Ah.. eh.. Cors, akin na. Ano bang topic?”
Yun namang bagong singit ay si Lian. Kung merong pakipot, yan ang kabaligtaran. Madly, deeply, and truly inloved yan kay Jam. At hindi niya ikinahihiya ang bagay na yon. Sabi niya nga, dapat ipinagmamalaki mo sa lahat na nagmamahal ka. Kasi kung hindi ka marunong magmahal, nakakahiya ka.
“Hay naku, ilang araw na lang July na.. Ilang buwan na lang, March na! Gagraduate na tayo!” - COrs
“Cors, wag masyadong OA. Kasisimula pa lang ng pasukan noong isang linggo. Ibig sabihin, matagal pa. Teka, gusto mo na bang grumaduate?” - Ako
“Praning. Syempre oo. Na hindi. Oo, kasi naeexcite na ko for college. Hindi kasi mamimiss ko kayo. Hayyy. For sure, iiyak tayong lahat sa graduation.” - COrs
“Aba wag naman. Baka bumaha sa gymnasium sa dami ng iyak mo. Ay naku Soph, dapat ngayon pa lang, naghahanda ka na ng Valedictory Speech para bongga.” - Jami
“Oo nga naman Soph. Para prepared ka. Hahahahaha” - Cors
Well, ewan ko ba. Hindi ko alam kung nagkataon easy-go-lucky lang talaga ang mga kaklase ko o talagang napasipag lang akong mag-aral. Hahahaha.
“Oh Jamibeybeh, tapos na po ang assignment ng napakagandang si Chronie Mae Ilagan. Ano pa po?” -Lian
“Kaya naman botong-boto ako sayo Lian eh! Gwapo ka na, matalino pa! Isama mo pa ang pagiging super honest mo!” -Cors
“Sus, bakit ba masyado mong sinasabi ang mga katotohanang iyan? Alam ko na naman yan e. Pero sige nga Cors, try mong sabihin lagi sa harap ni Jamibeybeh ko, baka sakaling maisip niyang karapat-dapat ako.” –Lian
“Ah eh pareng Lian, excuse lang, ipinapatawag ka ni Ms. Fernandez.”
Yung sumingit na yun ay si Slate. Siya ay miyembro nung official barkada ni Lian. Actually, kaya lang namin kasi naging ka-close si Lian kasi nga nanliligaw siya kay Jami. Pero siyempre pag nanliligaw siya, mag-isa lang siyang nangungulit kaya siya lang ang nakakausap namin. Pero yung barkada niya, siyempre kakilala namin, pero hindi kaclose.
“Sige Pare, sunod na ko. Teka, asan nga pala sina Jo?” -Lian
“Nasa may gym. Naglalaro ng basketball.” - Slate
“Aaah. Ay si Kevin at Paul?” - Lian
“Nasa Library yung dalawa. May research work si Sir Olivares e.” – Slate
“Eh Leandro, bakit parang may roll call ka pa sa mga kaibigan mo? Lumayas ka na. Chupiiii!” – Jams
“Eto namang mahal ko, pinalalayas agad ako. Makaalis na nga, hindi mo na ako mahal!” –Lian
“Juice ko, ngayon mo lang nagets yang katotohanang yan? Aba, akala ko ang tali-talino mo na, slow ka din pala.” – Jams
“Naniniwala kang matalino ko? Woooow. Ansarap sa pakiramdam. Aalis akong may ngiti sa labi. Tnx Jami. -___- “
“I Hate You Leandro. Ang ingay mo.”
“I love you too Jamibeybeh. Ang ganda mo.” -_______-
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N
Chapter II, next time na magka-time. Haha