Chapter Three:The Real War

5 0 0
                                    

<Ruinna's POV>

"Nag-iisip ba si mam?Bakit  ba sa lahat ng tao sa room , tayo pa ang ipinares na makatabi nung mga kolokoy na yun , kainis talaga!"

nandito kami ngayon sa cafeteria ng school , pinagtitinginan na nga kami eh dahil nga sa pag freak out ko pero I just ignored them .

Gusto niyo ba malaman kung ano kinagagalit ko?

Katabi ko lang naman ang binansagang bad boy ng Ground Zero , si Ryan Christian Requillo ... 

"Oh , Ruinna , hindi naman napaghahalataang galit ka , kita mo oh , halos masira na yang burger               mo "  nambwi - bwiset ba tong si Nurhannie?Dahil kung oo atleast effective , mas nabadtrip ako .. 

" Baka gusto mong batukan kita jan para naman maalog yang walang laman mong utak "basta galit ako  , ewan ko ba , kahit ano na lang ang pinagsasabi ko 

Si Nurhannie naman , parang torong gustong manugod

"Eh kung ikaw kaya batukan ko ?Makapagreact ka kala mo ikaw lang yung may katabing member ng Ground Zero , hello ? pare - parehas lang tayo ng kapalaran kaya wag kang mang - insulto  dyan , just act cool and dont let them down you"

Ayan  , sumabog tuloy , kung tutuusin mas malala pa kay Nurhannie eh , si Kien lang naman ang katabi niya , pero I just dont want it ..

"Whatever  , wag na lang natin sundin yung seat plan , bahala na si Hello Kitty"ayan na mga mukha nila , parang mangangain ng buhay .. 

"San mo ba nilalagay utak mo ? Kung gusto mo maglinis ng CR , go ! Wag mo kaming damayin , mas gugustuhin ko pang makipagbuno sa Jasper na yun noh , kaysa maglinis ng CR,"sabi ni Leslie , siguro nasa talampakan ko yung utak ko .. pakihanap  nga..

"Saka kaya mo na yun si Ryan , ikaw pa , reyna ka ng pambabara eh , ako nga di ko alam kung kakayanin ko ba yungwalang modong Jemarc na yun  , kaka-upo ko pa lang kanina , naku ,   kulang na lang sipain ko yun eh,"

Teka , pinagtutulungan ba ako nila Sheila? tiningnan nila si Analyn as if naghihintay na may sasabihin , ano toh? 4 against 1? Di patas yun ah .

"Tamasila Ruinna , kung di ka susunod sa seat plan , iisipin nila na takot ka sa kanila  , atsaka , si Ryan lang yun , mas malala pa yung akin  sayo , akala mo kung sinong matalino  , hmp , bwiset na Antonio yun" tama nga naman  , may point si Analyn dun  , hay naku ,

"Sige na , pinagtutulungan niyo na ako eh , tara na nga , sisisrain niyo pa yung nasira ko nang araw"

<Ryan's POV>

"Are we all set ? It's nearly time , thay might come back " kahit kailan talaga ang apurado netong si Jemarc     , 

"Wag ka ngang excited at baka pumalpak tayo dito "sabi sa kanya ni Antonio ,

Katatapos lang namin i-set up ang welcome greetings namin kay Nurhannie dahil nga first day ngayon..

"Pag napatid nya  yung lubid , wag kayong tatawa sa susunod na mangyayari , we need to act cool ,"bilin ni Kien habang palabas kami ng room ,

Pinalabas din namin mga kaklase namin para sa plano at linagay namin yung set up dun mismo saupuan niya para sure na sakanya talaga lalanding.

Papunta kami sa hide out namin kung saan makikita yung loob ng room  , we need to make sure . sinabihan din namin kaklase namin na pwede na silang pumasok pag pumasok na  ang High Street G  .

"Sigurado ako  na mahihirapan na tayo mag plano   neto sa mga susunod nating gagagwin ,  katabi kasi natin yung mga kutong lupa eh "  out of the blue kong sabi sa kanila at alam ngyo , sa lahat ng pwedeking makatabi , yung isa pang member  ng High Street G , si Ruinna,

"We're going to use that  , kung katabi natin sila , mas malalaman natin kung ano sila , kung ano ginagawa nila , mas magiging madali para sa atin ang pagtaob sakanila "

Itong si Antonio , minsan lang kung magsalita pero atleast may kahulugan at talagang nakita niya yung silver lining dun ?

Tama nga naman , kung mas kilala namin mas , magiging madali to, 

"Yeah right , dapat rin tayong mag ingat  , di rin natin alam kung ano ang inihanda nila"dagdag ni Jasper sa sinabi ni Antonio  ,

"Shhh..  They're coming "pagkasabi ko nun ,  tumahimik na kami and watch this live show ..

<Analyn's POV>

 Hi po! Sa hindi po nakakakilala sa akin , ako po si Analyn Senarillos , ang sabi nila , pinaka tahimik daw sa High Street G .

Sabihin nyo nang weird kasi kasama ako sa mga madadaldal at basagulerang babae pero I can manage naman  , masaya sila kasama at kung minsan magulo ,,

Well , speaking of magulo , mukha ngang magkakakgulo dahil may baldeng sinet up sa kisame na may lamang pintura ang bumuhos kay Nurhannie , para tuloy siyang living tree dahil green lang naman ang pintura .

Lahat shock pero alam kong may utak na magsi-sink in kung ano ang nangyari at sisigaw in 3 , 2 , 1 , .....

"Argh!!!!What do they think of me? A wall? This sucks !! I don't even have spare clothes!"manghuhula na ba ako ? Pwede na siguro akong magtayo ng pwesto sa Quiapo ..

Pero hindi na kailangan pang hulaan kung sinong gumawa neto .. 

"Oh my God!! Who did that to you Nurhannie ?"tanong ng isa kong kaklase , sinabi ko bang hindi na dapat hulaan? Well ,binabawi ko na lang ..

"Are you nuts? We dont have to guess who did this  , Im a hundred  and one percent sure that Ground Zero is all behind of this !"

Tahimik ang lahat nang pumasok ang Ground Zero at patay malisyang umupo at nung nakitta nila si Nurhannie? Ayun . shock , kunyari ang mga loko ..

"Nurhannie , pwedeka nang dumikit sa pader at mag camouflage"tumaww naman ang sila , mga demonyo talaga !

"Eh kung mga mukha niyo kaya yung idikit ko ? Mas bagay yun sa inyo !"nagkapintura na't lahat ang tapang pa rin netong babaeng to 

"Eh di gawin mo , kung kaya mo " nanghahamon na sabi Antonio , 

"Hanggang kailan ba kayo ganito?Bakit ba ayaw niyo kaming tantanan?"

"Titigil lang kami kung tumaob na kayo "kung mangyayari yun , asa naman sila..

"Paano pag hindi niyo kami napataob?"

"Hindi nga kami titigil diba?"

"Panindigan niyo yan , paano na lang pag ginawa ko to?"ano kayang gagawin ni Nurhannie? parang alam ko na , 

Kinuha niya yung juice ni Juvy  at tinapon sa mga mukha nila , hindi pa talaga nakuntento at kinuha yung mga burger ng classmates namin at bulls eye .. pwede na siyang mag dart..

Kami naman nila Ruinna , Sheila at Leslie ay pinalipad yung mga plastic chair sa kanila kaya natumba  sila.Bago pa sila makatayo , umalis na si Nurhannie dahil nga walang damit na dala at kami naman , pumunta ng CR para mag muni -muni..

"Gusto ko talaga silang buhusan ng mainit na kape , bwiset!"nanggagalaiting sabi ni Sheila  , maski kami man nuh ...

"Sinimulan nila toh , panindigan nila dahil hinding hindi tayo papatalo sa mga ungas na yun ?"right Leslie . we'll never give up on them . we'll beat them ,

"Humanda na kayo , baka mamaya may inihanda na naman yung kalokohan " sabi ni Sheila giving caution to us ,

"Dapat tayong maging maingat , the real war has just started"pag sang ayon ko sa sinabi ni Sheila , we really need to be careful ,

Ground Zero is not an easy rival...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School Rivals Slash Campus SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon