Preface

4 0 0
                                    


"Gusto nila ng gulo." Ani ni Hades sa kapatid na si Poseidon. Marahang hinawi ni Poseidon sa problemadong paraan ang kanyang buhok na humaharang sa mukha upang maibsan ang mga iniisip na problema.

Napailing naman si Hades nang sa wakas ay lumabas sa portal ang imahe ng kanilang kapatid na si Zeus.

"Ano ba talaga ang gusto ni Zeus? Bakit niya pa pilit na itinatago ang kanyang anak? Nasa kanya na ang kapangyarihan at lahat!" Nagngingitngit sa inis at galit si Hades.

Ang diyos naman ng tubig ay lumikha ng isang bilog na ang bumubuo ay tubig at pwersahan niyang inihagis ito sa portal kung saan nandoon kanina ang imahe ni Zeus. Agarang nawala ang kulay bughaw na portal at bumalik sa dating tahimik na gabi ang tower ng Queera. 

"Hades, ano sa tingin mo ang maaari nating gawin upang mapigilan natin si Zeus? Maging ako ay naguguluhan na din dahil sa inaasta ng ating kapatid. Hindi naman siya ganyan." 

"Walangyang Zeus! Matapos niyang makuha ang lahat ay aabandunahin niya ang isang demigod na iyon? Nahihibang na ba siya?!" Isang malakas na pagsabog ang nadinig at agad na nawala ang nangngigitngit sa galit na si Hades. Patungo na siya malamang ngayon sa Underworld.

Habang nawala si Hades ay napatulala na lamang si Poseidon. Nag-iisip kung ano ang maaaring maging dahilan ni Zeus upang abandunahin ang anak nito sa isang tao. Marahil kaya ganoon ay may mas mabigat siyang dahilan...

Walang nagawa si Poseidon kung hindi ang pumasok sa nagsisira-sirang metal na may nakakasinag na liwanag na akala mo'y araw pagka-pasok mo rito.

Nang makapasok na siya ay agad siyang nakatapak sa isang kaharian kung saan nandoon lahat ng mga diyos.

Sa may mataas na gate ay ginamit ni Poseidon ang kanyang tubig na kapangyarihan upang mabuksan ito. Doon, pagkapasok niya ay agad na bumungad sa kanya si...

"Hades?" Napatanong na lamang siya nang makita sa kakaibang anyo ang kanyang kapatid. Nag-apoy na naman ito. Ang normal na matikas at matapang na si Hades ay lalong dumoble sa pamamagitan ng anyong kinatatakutan ng lahat, ito ay ang isang animo'y halimaw na binabalutan ng apoy ang buong katawan, nagbubuga na parang dragon at ang mga nakakapasong mata nito.

Ang ibang mga diyos ay mukhang normal na sa kanila ito ngunit napansin ni Athena- na may kakaiba sa ikinikilos ni Hades.

"Hades." Ani Athena na siyang nagpatahimik sa lahat. 

Nilingon siya ni Hades at walang ano-ano ay inilabas ni Athena ang kanyang espada at mabilis na tumakbo na may kasamang lipad at agad na itinarak sa bandang puso ni Hades ang kanyang espada.

"Athena!" Sigaw ng mga diyos.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Demigod's Prophecy: Hunter's throneWhere stories live. Discover now