1:

27 0 0
                                    

1:

"WHHHAAAAaaaTTttTTT?!?!?!"

 Kakatapos lang ng 1st official day ng classes (ung 1st Monday since nagsimula ang classes) at syempre, pagkatapos itambak ang mga libro sa locker, eh takbo na kaagad ako sa grounds para maghintay sa mga amiga ko at nang makakain na kami sa jollibee..... Laging masaya ang hapon ko...

Pero this year, last subject ko ang ang Geometery, at lokong teacher yan, kakasimula pa lang ng klase, nagbigay na kaagan ng test!!!! At syempre, madugo na naman ang papel ko....

Pauline:(biglang sumulpot sa likod ko) Huy, ano nanaman nagnyari sa'yo? At nag-what-what ka nanaman dyan?    

Raphael:(silip sa hawak kong test paper) Oooohhhh, mukhang may minurder ka nanamang papel ah.....

Ako: Hello?! First week ng classes? Test? Sinong matinong teacher ang magbibigay ng test sa GEOMETERY sa 1st day ng clase?!

Martha: Ugh, geom..... di pa natuwa si kung-sino-nakaimbento-ng-math sa algebra,dinagdagan pa ng kung anu-anong postulates chu-chu na yan....

Ako:Tama! Kampihan mo nga ako, Mars....

Crizelle: Asush, naghanap ng kakampi oh... Puro bilog nanaman kasi yang papel mo...

Ako: Hmpf! Sino bang may kailangan nito?

Crinumple ko ung papel, sabay hagis sa likod ko 

"Aray"

Oopsiz...

 Napaikot kaming lahat para makita kung sinong tanamaan ng shooting paper ko... At ahyun sa likod at nagkakamot ng ulo kung saan tinamaan sya nung papel, nakatayo ung " very rumored "na senior transferee -- Johann name nya.... Hanep! ang gwapo pala talaga nito!

Ako: Ooops, sorry ha --

Pinulot nya ung crumpled sheet of paper sa may paa nya, at binuklat pa!

Johann:(tingin sa test paper ko) Ano ba naman toh? Bilang sa daliri ang tama!

Avah! Antepatiko ang loko!

Johann: (tingin sa akin) Sa'yo toh? 

Ako:(inagaw sa kanya ung papel) Eh ano naman kung akin nga? Bakit ? Kakainin mo?

Johann:(inagaw uhlet sa'kin ung papel,sabay turo sa question #2) five sides..... polygon?

Lokong to ah.... 

Ako: Well, what can i say? Nasa bakasyon pa utak ko .. (agaw uhlet ung papel sabay tapon sa malapit  na basurahan) At care mo ba?

Johann:(napangiti) Sungit....

HaLa! Ako? Masungit?!

Pauline:(hinatak na ko habang nakatingin kay Johann) Uhm, lam mo, may papuntahan pa kami eh...  At sa sinabi mo, baka buong hapon at gabi kayo magtalo dito.... So, see you na lang around, at halika na, Marjorie...

Hinayaan kong hilahin ako ni Pauline paalis....

Ako:(bulong  sa kanila) Can you believe that guy??!?!?!

Raphael: I know! Ang gwapo!

Ako: haha.... Ang kapal ng mukha!

Di pa ka mi nagkakalayo nang biglang sumigaw ( di naman ganon ka lakas -- thank GOD!) si Johann....

Johann:(pahabol sa'kin) Marjorie! Kung gusto mo i-ttutor kita sa geom!

Ako: SHUT UP!!!!!!

At lalo akong kinaladkad ng mga kabarkada  ko paalis...

Hmpf! Sino ba sya sa tingin nya?! Descendant ng nakaimbento ng Math?!?!   HMPF!!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Grow Old With You...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon