Chapter Three.

10 0 0
                                    

Natapos na ang screening at nakapasok ako pero ngayon ko lang naisip kung yun ba talaga ang lugar ko, alam ko naman kasing wala ako sa tono ginawa ko lang naman ang lahat ng to para kay JV para mapalapit ako sakanya para mag karoon ng sparks sa pagitan namin pero sa nakita ko kanina mukha namang may nag ma may ari na ng puso nya si Cassandra. Ang sweet nila pero hindi sila bagay tingnan nakakainis talaga. Sino ba kasi yung Cassandra na yon. Napunta ang tingin ko sa computer sa kwarto ko agad agad binuksan ko yon buti na lang at na reformat na. Hinanap ko sa friendster ni JV si Cassandra nakita ko din naman agad, Cassandra Sanchez pala ang pangalan nya naka public ang profile nya kaya nakita ko yung mga pictures nya ang ganda nga nya malamlam ang mga mata, matangos ang ilong, yun lang hindi matangkad at mataba ang legs yun lang ata ang lamang ko sakanya e. Muka ring close na close sila ni JV puro pictures kasi nila ang profile ng Hitad na to! Hitad? pero sino nga ba ang hitad samin? Diba ako naman. Hay ang lungkot talaga lalo akong binabalot ng insecurities. Buong gabi ang bigat bigat ng dibdib ko nawala na yung motto ko na this is the best year.

Kinabukasan pumasok ako sa school ng walang energy. Nakita naman agad ako ni Amie na nakabusangot.

"Malungkot ka? Tara mag hot choco!" yaya nya. Ngumit lang ako at umiling sumimangot tuloy sya.

"Hay nako Cecilla naman e lika na dali!" hinihila nya yung braso ko.

"Ayoko bes!"

"Ano bang problema Cecil?"

"Wala..."

"E bat di ka naimik?"

"Wala...."

"Meron.." nagulat ako anong meron??

"Meron?"

"Merong practice mamaya kaya wag ka ng malungkot dyan papanget ka nyan pano na si Toodels ma tuturn on sa pinaka maganda kong bestfriend?" masaya nyang sabi.

"Mag ququit na ko sa choir."

"Ha? Bakit ba kasi Cecil?!"

"Wala lang wala na kong dahilan para don e." walang gana kong sinabi.

"Loka ka talaga Ano ba kasi yon? sige na sabihin mo na!!!!!."

Bago pa ko makasagot nag beep uli ang phone ko. Tiningnan ko to si JV pala this time nawala lahat ng sakit sa dibdib ko automatic ang ngiti ko kahit na kanina e pakiramdam ko para kong lobo na unti unting nawawalan ng hangin.

From: Cuenca JV  

Hi Ces may practice punta na kayong chapel may excuse letter na. Seeeee you.

Hindi na ko umimik pa masaya kong hinatak si Amie papuntang chapel hindi na rin sya nag tanong pa. alam ko gets na rin nya na may magandang balita akong nasagap sa phone ko kaya nag ka energy ako. Tama maganda ngang balita atleast tnex nya ko concern sya at ibig sabihin alam din nyang choir na ko kahit hindi ko sinabi sakanya! Yess! Pag dating sa chapel e inihiwalay ang mga choir members according sa type ng boses humiwalay na muna sakin si Amie kagrupo nya si Cassandra at Angel yung babae kahapon tos ako naman nag punta na sa upuan ng mga alto, ewan ko pero wala akong kasama mag isa lang ako don kinabahan tuloy ako mapapasubo ako nito ah. Ito yung mahirap sa pangangahas ko e mukhang mapapahiya pa ko ng wala sa oras. nag umpisa na yung soprano, tenor at base sa pag vovocalization habang ako e nakatanga. Ramdam na ramdam ko na wala akong lugar sa choir buti na lang may lumapit sakin sya yung president ng choir so Kuya Moy.

"Hi Ako si Moy. Alto ka?" sabi nya sakin.

"Ahh opo Kuya." nahihiya kong sabi lalo akong kinabahan baka pakantahin nya kasi ako.

"Ahh sige punta ka na lang sa bandang una andon yung makakasama mo actually dalwa pa lang kayo sa alto kaya baka hindi din kayo mag practice pa." pag papaliwanag nya at nakahinga naman ako ng maluwag.

Pathetically Inloved.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon