Chapter 1
Naglalakad ako ngayon papuntang library.
Yung teacher kasi namin eh nagbigay na naman ng assignment.
Sa library ko gagawin kasi ayaw na ayaw kong gumagawa ng assignment sa bahay.
Para kasi sa akin ang bahay ay pahingahan, hindi gawaan ng kung anu-ano
tama naman ako diba?!
*wink*
Grabe eto na naman yung feeling ko kapag nakakaamoy ng mga lumang libro.
Nakakahilo para akong hihimatayin anytime...
~
Tapos may bubuhat sa aking gwapo tapos dadalhin nya ko sa may clinic
habang buhat-buhat nya ko pagtitinginan kami ng mga fellow student ko then sasabihin nila na
'ang swerte naman nung gurl'.
Nang makarating na kami sa clinic hindi nya ko iniwan dun hanggang sa magising ako.
Binantayan nya ko!
Gusto nya pa nga akong ihatid pero sabi ko,
'No I can take care of myself, go ahead'
Sasabihin niya na lang na,
'Are you really sure? I can walk you home'
pero iniinsist nya talaga pero dahil sa kakakilala pa lang namin di ako pumapayag
*hard to get tayo noh!*
Pero syempre dahil sa sobrang mapilit nya,
di na rin ako nakatanggi,
sabi nga nila masamang tanggihan ang grasya so,
I already grabbed the opportunity para makasama sya.
Nang makarating na kami sa bahay KO.
*KO dapat, ako lang naman kasi nakatira dyan eh*
Sinabi ko kaagad sa kanya na,
'U-uy thank you sa paghatid ha *blushed*'
Sa sobrang kilig ko mauutal-utal na kong magsalita tapos sasabihin naman nya na,
'No problem, basta ikaw *killer smile*'
Dahil sa sinabi nya di ko na rin mapipigilang di ngumiti.
Nang mapansin ko na parang may hinihintay pa sya,
*TING!*
bigla ko na lang naisip na ...
*mwah*
BYE!
*giggles*'
I gave him a peck on his left cheek then tumakbo na ko papasok ng bahay ng may naapakan ako na balat ng saging-
*BLAAAG*
"Ouch!"
Bumagsak lang naman sa ulo ko yung napakakapal na encyclopedia.
Ang sakit... magkakabukol pa yata ako nito. (T_T)
Takte nanaginip na naman kasi ako ng gising eh tsk.
Pero mas panira pa rin tong encyclopedia na to eh!
Perfect scene na yun eh! tsss...
Pagkatapos kong gawin yung assignment ko, umalis na kaagad ako ng library.
BINABASA MO ANG
Day Of Love
Teen FictionA story that is based from the reality. And will Inspire us in a short way...