First Class

50 0 1
                                    

CHAPTER ONE:FIRST CLASS (FRIEND OR FOE? UNKNOWN)

JULIA'S POV

first day of school

sa bandang dulo ako ng classroom nakaupo at sa tabi ng bintana na matatanaw ang gymnasium,malaking eskwelahan kasi ito

nasa kaliwang side ko si Euceff,pano ko nalaman name niya?narinig ko kasi na siya ang last year na class president ,pero kakaiba? ,galing ang information sa  mga classmate ko ,misteryoso ito,tahimik ito at sa harap lang nakatingin,walang ekspresyon ang mukha,wala pa ang teacher namin kaya ang mga kaklase ko ay yung iba nagbabasa ng libro,nakikinig sa music,nakikipag kwentuhan,at yung babae na nasa unahan ang pinaka misteryoso,yung ngumiti sa akin pagpasok ko ng classroom,actually bigla sila nagbago ng ugali na kanina pagpasok ko ay tahimik 

"Hello Euceff" bati ko kay Euceff at lumingon siya sabay ngiti...nakakalokong ngiti

"hello,ikaw ba si Julia?" mahinhin niyang tanong

"o-oo" sagot ko sabay ngiti

bigla siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko,hinila niya ako palabas ng classroom

nakita ko yung isang babae na kanina ay nagsusulat o nagddrawing kanina na napatingin sa amin

hindi ko alam kung saan kami papunta, hindi ko pa gaano alam ang pasikot sikot sa High School building ng school,tumigil lang kami sa isang hallway,walang katao tao dito,ang nagiisang pinto lang ay ang emergency exit,isinandal niya ako sa pader

"a-ano bang...." di niya pinatapos ang sasabihin ko dahil tinakpan na ng kaliwang kamay niya ang bibig ko

"shhhh" sabi niya sa akin habang ang isang daliri ay nakasenyas na wag ako maingay, hindi narin ako nagpupumiglas pa

"wag kang makikielam kung gusto mo mabuhay,wag mong papansinin ang mga tao sa classroom,mag-aral ka nalang " sabi niya sa akin

bawat salita ay pumasok sa isip ko at napuno din ng mga tanong ang isip ko

a-anong hilig niyang sabihin? di ko siya maintindihan

KUNG GUSTO MO MABUHAY

ano ang hilig sabihin nun??

hinawakan ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko pero hinawakan niya ito at binaba,gamit ang kanan kong kamay ay hinawakan niya ulit ito at binaba,wala nang nakatakip sa bibig ko

"a-ano ang hilig mong s-sabihin?? di kita maintindihan,anong pinapahiwatig mo? " nauutal tanong ko sa kanya

"basta huwag mo silang papansinin,mag-aral ka nalang" yun lang ang sinabi niya at biglang tumakbo

hindi ko na siya nagawang habulin pa,maganda si Euceff,mahaba ang buhok na nakalugay,maputi,matangkad,mapupulang labi,magagandang mata pero misteryoso

napaluhod nalang ako at hinawakan ko ang mukha ko

napaupo ako nang may kamay na humawak sa balikat ko

pati siya ay nagulat,ang kaliwang kamay niya ay nasa tapat ng kanyang dibdib na halatang nagulat

nilahad niya ang kanang kamay niya sabay ngumiti

di ko alam kung kukunin ko o hindi pero mukhang mabait naman siya kaya humawak ako sa kamay niya at tinulungan niya ako makatayo

"ako si Alisa,ano ang sinabi sa iyo ni Euceff?" tanong niya sa akin nang makatayo na ako ng ayos

maganda siya,maikli lamang ang buhok pero mahinhin at mukhang palakaibigan naman

"hello,ako si Julia" pagpapakilala ko

Mysterious ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon