Thea's Pov
"Mommy! Mommy! Mommy! andito ako! tulungan mo ako mommy! please help me, help me. Daddy asan kana po ba?! your little baby is here! please help me mommy and daddy. "
maluha luha kong sambit bago ako mawalan ng mala---
Buggghhssssssss!
"Aray ha!"
Huhuhuhu! ansakit non' ah. paano ba naman di sasakit? e ikaw banaman mahulog sa sahig. Sinong tao ang di masasaktan doon diba? -_-
But anyways,
"Napanaginipan ko nanaman yon?"
takang tanong ko sa aking sarili,
"ano ba talaga yon?"
pag tinatanong ko naman si mommy ang sabi niya lang sakin' ay wag ko na daw pansinin ang mga bagay na yon' dahil panaginip lang yon.
haynako naman ang gulo ha!, panaginip? pero bakit ganon' parang di lang naman siya isang panaginip lang e' para talaga siyang totoo, at isa pa ha, sa tuwing napapanaginipan ko yon' bakit ako umiiyak? bakit parang apektadong apektado ako? at ang nakakapagtaka pa bakit ako nasasaktan?
"Arghhhh!" tama na nga ang pag iisip ng mga bagay na yan Thea, pinapasakit mo lang ang ulo mo e. ang mas mabuti pa ay magpapakilala muna ako sainyo mga bes,
Ako nga pala si Thea Mae Ballescas, kung iisipin napakaganda talaga ng pangalan ko no? at kung hindi niyo naitatanong e' alam ko nanaman yon' kaya di niyo na kailangan pang ulit ulitin yun,
nga pala mga bes, may isheshare nga pala muna ako sainyong sekreto ha? at please lang mga bes shhhhhh lang kayo ha? di na to' magiging secret kung sasabihin niyo sa iba diba?eto na nga mga bes alam niyo ba may tatlo akong kapatid, at pare pareha kami ng apelyedo kaso nga lang may tatlo pa kaming kapatid na kaapelyedo ng mommy namin, landi daw kasi niya dati e' shhh lang ha, siya ang may sabi non hindi ako. so ayon nga mga bes ang sabi ni mommy kaya ganoon ang apelyedo namin, kung bakit magkakaiba iba kami ay dahil ang gamit namin at dinadala ay ang apelyedo ni daddy, na pumanaw na daw, kalungkot diba. Miss na miss ko na si daddy kasi naman e hindi ko matandaan kung ano ba ang itsura ng daddy namin dahil nga sa nasunugan daw kami noong mga bata pa lamang kami ay kasabay noon ang pagkasunog din ng mga kagamitan namin halos lahat ay nasunog at ang natitira nalang saakin ay ang kwintas na may nakaukit na Ballescas na may shape sa likod na pamoon, hahaha basta yun na yon. sabi ng aking mga kuya ay para daw talaga saakin yun, ayon daw dapat ang ireregalo saakin ng aking daddy kaso nga lang sa di inaasahang pangyayari ay nasunugan kami so ayon nadedo siya. haynako miss na miss ko na talaga, atsaka mga bes ha,Ewan ko ba ha? pansin ko lang mga bes, parang ang malas naman ni mommy kasi kahit yung papa ng mga stepbrother at sister ko patay nadin e, you know tigok na din.
HAHAHA! mga bes natatawa ako, baliw na ba ako? siguro naman ay hindi no? nakakapagkwento pa nga ako e diba diba? kaya di ako baliw, hahaha ay, naman tama na nga itong kadaldalan ko, at baka ako ay malate pa. hmm ano na nga bang oras na?
habang ako ay nagmumuni muni ay napadako naman ang aking tingin sa aming orasan at sabay bulalas ng,
" WHATTTT!? shemaayy 5:22 am na pala, pata ako sa mga kuya ko neto, naku for sure dedo nanaman ako, lago---"
" THEAAAAA!"
"Naku, thea anong oras na ba?!"
"Tanghali na Thea!"
"Ikaw ay bumangon na nga dyan!"
"Ate! gising na! malelate nanaman tayo neto ng dahil sayo e'" ani ni isaac
ay kagulat! speaking of mga kuya ayan na nga oh, di na natapos ang mga sinasabi ko kanina dahil nga sumingit na sa eksena yang mga kumag kong kapatid, heller di kayo bida dito ha, bakit ba kayo nakikiekesena pa? tskk.
YOU ARE READING
She's Inlove with a Mafia Boss
Romance"Malalaman ko din ba lang araw ang lahat, Lahat lahat ng hindi ko alam. " Thea Mae Ballescas, A sixteenth - year - old student grew up believing this, isang babae na hindi alam ang kanyang tunay na katauhan. It was an accident to meet a Mafia Boss...