There are a lot of things inside my head.I want to express myself, I want to speak out, I badly want to scream and shout that I am in pain, but no one is there to listen.
Sinasabi nila nababaliw na daw ako. Hell no! Mas papatayin ako ng konsensya ko!
Pinaniniwalaan lang nila ang mga bagay na kanilang nakikita, subalit sarado ang kanilang mga tenga upang makinig.
Sana kasama pa rin namin hanggng ngayon si Mikee. Siya ang kapatid ko, at ayaw maniwala sa akin ng mga tao na hindi ako ang pumatay sa kanya.
Hindi ako ang pumatay sa kapatid ko! Mahal na mahal ko siya at hinding-hindi ko magagawa yun kahit na mas nakatuon sa kanya ng atensyon ng mga magulang namin. Hindi ako ang may gawa non! Hindi ako ang pumatay kay Mikee kundi si Melanie!
---
Melanie POV
Ang tagal kong hiniling na mamatay ka Mikee. Ilang beses kong tinry na lasunin ka kaso hindi tumatalab sa iyo, kaya ayun nainip na ako at sinasak nalang kita, ilan na nga ba yun? Walo? HAHAHAHAHA. Oo nga walo sa iba't-ibang parte ng katawan.
Ikaw naman kasi, napakapasikat mo. Porket ikaw ang bunso, napakapabebe mo na. Ako nalang lagi ang pinapagalitan, ako nalang lagi ang masama sa mata ni daddy. Eh anak ka lang naman niya doon sa kabet niya. HAHAHAHAHA. Yung nanay mong kabet, ako nga pala ang lumason sa kanya at tumalab naman sa kanya agad-agad. Nagreunion na ba kayo dyan sa impyerno? HAHAHAHAHAHA
(may dumating na nurse)
"Ms.Michelle, oras na po para inumin yung gamot niyo." sabi nong nurse.
Agad ko namang hinila ang buhok niya. Anong akala niya? Nababaliw na ako? Eh kung ipa-meet ko na sa kanya si kamatayan?!!
"I am Melanie! Hindi ako si Michelle! Akin na itong katawan na ito! At wag na wag kang babalik sa kwarto ko! Hindi ako nababaliw! Lumayas ka!" marahas na sabi ko. Nakakastress!
Well, alam kong naguguluhan kayo. Ako si Melanie, si Michelle naman yung anghel na nasa katawang ito. Oo magkaiba kami ng persona pero nasa iisang katawan kami.
Michelle POV
Sa libu-libong tao dito sa mundo, bakit ako pa ang may dalawang persona? Bakit hindi ko makontrol ang sarili kong katawan? Pati si Mikee nadamay, wala na akong pagsasabihan ng problema ko dahil wala na akong kapatid na makikinig.
Hindi ka ba masaya? Patay na si Mikee. Sa atin na ang lahat ng kayamanan ni Dad! Papatayin nalang natin siya! HAHAHAHA!
Walang hiya ka! Demonyo ka Melanie! Umalis ka sa isip ko! Lumayas ka! Kung ayaw mong magsumbong ako sa---
Kanino? Sa daddy mong hindi ka pinapaniwalaan? Iisipin lang nila na baliw ka Michelle. Walang naniniwala sa iyo. Hmm, kanino mo pa ba gustong magsumbong? Kay Eric, yung taong mahal na mahal mo at mahal na mahal rin si Mikee, diba nga kaya ka siya nakipag-friends sa iyo ay para gamitin ka sa kapatid mo nakakataw---
TAMA NA MELANIE!!! TAMA NA!!! AYOKO NG MARINING ANG MGA SASABIHIN MO!!!! LUMAYAS KA NA!! HAYAA MO NA AKONG MAGING MASAYA!! AYOKO NG MANAKIT KA NG IBANG TAO AT SA AKIN NANAMAN ISISI ANG LAHAT!!! NAMATAY NA SI MIKEE!! ANO PA BANG GUSTO MO?!
Iisa lang naman ang gusto ko Michelle, ang katawan na ito. At kung ayaw mo sa mga plano ko na patayin sila lahat, sorry ka nalang dahil ako na lamang ang maumuhay sa katawang ito. Hahahahahahahaha!
Nababaliw ka na! Nababaliw ka na!!!
[Biglang dumating ang nurse kasama ang kanilang Daddy, sinalubong ito siya ni Michelle at isang malutong na sampal ang nakuha nito]
Melanie POV
"Oh mahal kong ama, kumusta na ang anak mong nakaratay na sa kabaong?" natatawang sabi ko at binigyan niya ako ng malutong na sampal.
"Hayop ka Michelle! Hindi kita pinalaki ng ganyan! Anong nangyari sa iyo?! Hayop ka!" sigaw niya sa akin.
"Wala naman Dad. Epekto lang siguro ito ng pagod at....uhm! Oo tama, yung pang-iiwan mo sa amin ni Mommy at pagsama dyan sa kabet mo!" binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
"Hindi ko kayo iniwan Michelle, matagal ng wala ang mommy mo kasi nagkasakit siy--"
"At bakit nga ba siya naatake sa puso Dad? Diba kas nakita niya kayo ng magaling niyang bestfriend na kabet mo pala, at sa opisina pa talaga Dad! Oh ano, gusto mo na rin bang sumunod sa hukay kasi atat na ako sa kayamanan na ipapamana mo sa akin." proud na proud kong sabi sa kanya.
Sinampal niya ulit ako sa kabilang pisngi, thank you hah best dad ever ka talaga.
Michelle POV
Hayop ka Melanie! Walang hiya ka! Bakit mo sinabi kay Dad yun?
Uhm, bobo ka pa rin. Malamang sinabi ko yun kasi yun naman ang totoo.
Matagal ko na siyang napatawad sa issue na yan!
Eh sa gusto ko na in siyang mawala sa landas ko! Ayokong siya ang pumigil sa mga plano ko. Mamaya, lalasunin ko na ang manahimik na ang matandang yun.
Wag na wag mong idadama si Daddy! Siya nalang ng meron ako!
Sorry, hindi ako anghel tulad mo.
Third POV
Kinagabihan at nilason ni Melanie ang kanilang ama, ng makabalik naman si Michelle, iyak siya ng iyak. Dahil wala siyang nagawa.
Pagod na pagod na si Michelle, lagi nalang siya ang masama. At dahil hindi niya makontrol ang isa pang persona sa kanyag pagkatao. Pagod na pagod na siyang makit ang mg mahal niya sa buhay na nawawalan ng buhay na sa kanya isinisi. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Kay bago pa mamatay ang ibang tao si Michelle...
"Kapaasok lang na balita, isang babae ang tumalon sa Ilog ng Pasig at natagpuang patay, natukoy naman ang babae na si Michelle Pascua suspek kay Mayor Michael Pascua at Mikee Pascua na kanyang ama at kapatid. Ito ng pala si Jhenica Sison, reporting!"
End.