Chat

4 0 0
                                    


Tititigan ang bilog na luntian,
hangga't sa ito'y mawala at pagsisisihan kung bakit hindi ako nagsalita.

ngunit sino nga ba ako upang iyong kausapin?

isang taong minamasdan ka sa malayo,
pero umiiwas tuwing malapit sa'yo.
dalagang naghahangad na ikaw ay makilala,
hindi lamang ang iyong pangalan,
kundi pati ang iyong nakaraan.

darating kaya ang araw na magkakaroon ako ng lakas ng loob,
o hanggang sa listahan ng mga kaibigan lang ika'y nakapaloob?

kailan kaya kita mababati upang mawala ang hiya,
o hanggang dito nalang talaga sa palaruan ng teknolihiya?

bahala na, bahala na.

(written 10/26/16, finished 10/31/16)

the FB chroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon