Naaalala ko pa yung unang beses kitang nakita...
Yung unang beses na nasilayan ko yung mga ngiti mo....
Yung mga ngiting di ko aasahang bubuo sa nga araw ko.
Nung unang beses na yun, di ko mapigilan ang sarili ko na wag tumitig sa'yo.At hindi ko inaasahan na habang tinititigan kita, nagtama ang mga mata natin. And that time. Kinilig ako. Gusto ko nang malaman ang pangalan mo. At di rin naman nagtagal, nalaman ko rin.
JACE.
Ang gandang pangalan. Bagay sa'yo. Ang gwapo...
Lumipas ang mga araw. Sa hindi ko inaasahan at di malamang dahilan, naging close tayo. Naging magkaibigan tayo.
Ang saya pala ng ganitong pakiramdam. Yung tipong, ang saya mo lagi. Yung tipong ang sigla sigla mo laging gumising at gumawa ng kahit ano. Yung nangingiti ka na lang mag isa. May inspirasyon, yun.
Pero minsan, mahirap pala. Mahirap kasi meron kang tinatago sa isang kaibigan. Ang nararamdaman mo. Pakiramdam ko nga ang daya ko. Pero ok na rin , mas magandang itago ko na lang. Akin na lang yun. Patuloy ko na lang siyang mamahalin kahit patago...
At ayun nga, mas naging close pa tayo. Yung lagi mo kong tinutulungan sa mga gawain sa school. Sa mga assignments, projects. Lagi mo rin akong pinagtitripan. Naaalala ko yung lagi mong biro sa'kin. Tatanungin mo ko. "Para akong natatae, alam mo kung bakit?" Huh?? Nung una kahit di ko maintindihan yung sinasabi mo, sumagot ako. "Huh? Bakit naman ?" Tanong ko. "Eh kasi .. ANG PANGET MO. HAHAHAHAHA !!!" Sagot mo sabay tawa ng malakas. Nung unang mong sinabi yun, nabatukan pa kita.
Minsan nga, nung hirap na hirap ako sa pagdadrawing para sa assignment. "Nubayan. Ang panget ng drawing mo. Akin na nga !" Maya maya binalik mo na sa'kin yung drawing. "Wow" . yun lang ang nasabi ko. Ang ganda ng pagkakadrawing. At kahit di pa ko nagpapasalamat. "You're welcome". Sabi mo at nginitian mo ko sabay umalis ka. Yung ngiti mo. Kung pwede nga lang talaga maging assumera.