♥That Thing Called Inlove Ka Na♥

58 5 7
                                    

SHAINA DEI'S POV

"Jusko po! Parang awa mo na Miley. Ayoko pang mamatay!" pagmamakaawa ko sa kaibigan ko.

"Ano ba yan Shaina? Papasok ka lang ng ghost town?! Di ka mamatay jusko!" inis na sabi sa akin ni Arriane sabay bigay ng ticket sa aming magkakaibigan.

Takot na takot kong tinignan yung ticket at yung labas ng ghost town. Juicecolored! Ayaw ko pang mamatay. Marami pa po akong pangarap sa buhay. Bakit kasi naimbento pa yang ghost town? Sembreak pa naman namin kaya nakakagala dapat ako hindi sa ganitong lugar .

"Wahhhh! Arriane. Miley. Ayoko na!!!" sigaw ko kaya napatingin din sa amin yung ibang nakapila. Tumawa lang naman sila atsaka excited ulit na tumingin sa ghost town.

Napabuntong hininga nalang ako. Shaina. Tao lang din yan. Di yan totoong mga multo. Tao lang yang katulad mo kumakain ng tatlong beses sa isang araw, mahilig mag wattpad, may crush na fictional character at nagce- celebrate lang din sila ng Halloween. Wohh!

"Maam. Kayo na po yung susunod." natauhan ako sa sinabi sa amin nung nakangiting guard. Wahhhh! Kami na susunod. Di pa ata kaya ng puso ko!

Alam nyo ba kung bakit ayaw kong pumasok sa ghost town or horror house thingy na yan? Malamang hindi, di ko panaman nakwe- kwento eh.

Nung huli ko kasing pasok sa ghost town na troma na talaga ako. Kasi mahal na nga yung binayad namin, papatayin pa ata kami. Nahimatay kasi ako nun eh. Saya no? Haha. As in. Sinugod pa ako sa hospital nun at nanatili pa don ng dalawang araw. Kaya ngayong sasabak ulit ako eh sila Miley at Aeriane na ang nagpa-alam kina Mom and Dad. Ayaw na kasi nila maulit yung nangyari sa akin noon.

"Hoy Shaina! Tayo na?! Baka gusto mo nang pumasok aber?!" sigaw sa akin ni Miley kaya natigilan ako.

Kami na. Kami na talaga. As in kami na. Di pwedeng umatras dahil kami na.

"Pwede bang umatras? I mean, naiihi ako eh. Cr lang ako guys!" paalam ko sa kanila at paalis na sana ako ng tinulak ako ni Miley papasok sa loob.

Nandito na kami sa loob. Creepy yung paligid. Madilim na ewan. Buset talaga tong sila Miley at Arriane eh. Papatayin ata ako ng wala sa oras.

Nasa dulo kaming tatlo. Pinauna namin yung ibang grupong kasama namin. Ako yung nasa pinakadulo at kahit dulo ako masasabi kong nakakatakot talaga.

"P*tang*na mo! Mamatay ka na!!!" sigaw ko ng biglang sumulpot si Annabelle sa harap namin. Nakakatakot yung itsura nya. Para syang 5 araw nag puyat.

Sige lang. Lakad kami ng lakad kasi wala pa namang multo. T*ng*na kasi si Annabelle eh. Akala mo kaganda lang.

"The f*ck! F*ckin sh*t!!!" pagmumura ko matapos kaming harangin nung batang maliit na lalaki. Sa una haharang lang sya kaya natuwa ako nun eh. Sabi ko sa sarili ko sana lahat ng multo ganun. Cute sya nung una tapos may hawak palang kutsilyo. Ang astig pa totoo yung kutsilyo. Nakakatacute!

Marami pa kaming nadaanan. May nasa kabaong. Merong nakaupo sa tumba tumba. May white lady. At na meet and greet ko pa si slendrina. May tikbalang pa at may kapre. Lahat ng madaanan ko pinagmumura ko. "Gago ka!" "Mamatay ka na sana!" "Papatayin ko talaga kayo!" "T*ng*nang sagad!" "P*tang*na nyo!" "Damn you!" "Curse you! Sh*t!"

At sa wakas nadaan kami dun sa isang malawak na field. Para syang soccer field. Akala mo natural lang pero pag tumagal ka na, paksh*t! May ghost party ata. Dun na maglalabasan yung mga multo.

"T*ng*na nyo!" sigaw ko atsaka sinipa yung isang multong nagtangkang lumapit sa akin. Ayun sinapul ko sa hita nya without knowing kung lalaki o babae sya. Nike pa naman yung sapatos ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

♥That Thing Called Inlove Ka Na♥ (One Shot) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon