Stormy Colene Del Rosario
Saturday 10:00 am. Dapat natutulog pa ako eh. Kaso kainis tong baklang 'to eh.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Shit. Ang laki ng eyebags ko!
"Stormy naman. Bat ganyan ang itsura mo? Ang ganda mo na nga tapos ginaganyan mo lang ang mukha mo?"
Umiling iling pa siya at lalong sinampal sakin na ang panget ko.
"Ang laki ng eyebags mo! Dinaig mo pa akong nakipagparty!"
Binaba ko ang hawak kong salamin at tiningnan ko siya.
"Ano ba kailangan mo? Kung lalaitin mo lang ako, lumayas ka na't matutulog pa ako."
"Tsk. Mamaya punta ka samin. Pinapapunta ka ni mama. Alam mo naman diba? Na birthday ni mother-dear?"
"Syempre. Sino bang pupunta?"
"Ayon eh. Bakit? Gusto mong makita si ano?"
"Baliw! Nagtatanong lang eh."
Sumimangot ako sakanya at pumunta sa closet ko't naghahanap ng pwedeng suotin mamaya.
"Alam mo naman si mother ko, lahat ng classmates natin pinapunta niya. Pamilya namin. Tska syempre mga kasosyo niya."
"Hmm, okay. May naghatid ba sayo?"
"Yep, si manong."
"Formal ba o casual?"
"Casual, alam mo naman si mader, ayaw niyang formal."
"Parang ang tamlay mo ngayon beh? Problema mo?"
Matagal ko siyang tinitigan. Nang maramdaman kong seryoso siya, dahan dahan akong tumango sakanya.
"Meron? Ano yon? May mens ka at mabilis? Tinatamad ka ng magaral? Nasira phone mo? May butas yung kisame niyo? May daga kang na kita? May ipis sa banyo? Nakalimutan mo yung password mo sa tweeter? Na-hack facebook mo? Wala kang pera?"
Umiling ako sakanya
"Ha? Ano don? Storms naman! Magsalita ka kaya!"
Niyugyog niya pa ako at tiningnan ng masama.
Ilang sandali lang nanlaki ang mata niya at napahawak sa bibig niya. Shock na shock.
"Omg! Patay na si Elmo? Patay na si Elmo?!"
"Patay na si Elmooo! Kelan pa?! Kahit ganong pusa yon, mahal ko yon."
"Meow"
Nakaturo siya sa pusa ko.
"Stormy! Nagmumulto si Elmo!"
Napailing nalang ako sakanya at sinapok siya sa ulo.
"Buhay si Elmo Dustin. Tingnan mo nga. Ang taba taba niya. Di nga nalilipasan ng gutom yan eh."
"Sabi ko nga."
Napahawak pa siya buhok niya at kinamot. May kuto yata eh
"Umalis kana nga. Matutulog pako"
"Ano ba kasing ginawa mo kagabi? Sinabi ko naman kasing wag kang pakalunod sa mga libro. Mamaya ha."
Hinayaan ko muna siyang makalabas sa kwarto ko bago bumalik sa pagkakahiga.
Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaang ang sarili ko na makatulog.
Sa wakas
-
"Ma naman! Limang container? Seryoso ka ba?"
"Regalo ko yan kay kumare ko! Ano ka ba!"
Isa isa niyang nilagay sa isang malaking paper bag.
"Hindi ka ba pupunta sakanila? Maglalakad lang kaya ako!"
"Ano nang oras oh? Tingnan mo tumatawag na si Dustin. Bihis na."
Wala akong nagawa kundi umakyat at nagbihis. Pinusod ko ang buhok ko at naglagay ng lipbalm.
Kinuha ko ang wallet ko at phone ko.
Pagbaba ko naabutan ko si mama, nakaupo na may dalang lameta."Ang ganda talaga ng anak ko!"
Napabuntong hininga nalang ako sakanya
"Aalis ka?"
"Yep. Dadaan na din pala ako. Kaya tara na."
Tumayo na siya at kinuha ang maleta niya.
"Oh! Stormy, yung paper bag baka makalimutan mo. Dalhin mo."
Napaikot ang mga mata ko sa inasal ni mama. Parang alalay niya lang ako eh.
Papunta na kami kina Tita. Eto namang baklang to, ayaw tumigil. Tawag ng tawag. Pinatay ko nalang ang phone ko.
Tawag ng tawag parang hindi ako makakarating sakanila.
Pagkarating namin pinark agad ni mama sa gilid ang kotse at mabilis na bumaba. Sadya niya yan para ako ang magbuhat ng paperbag imbis na siya.
Kinuha ko sa backseat ang paper bag at bumaba na. Huh? Sobrang late ko na ba? Andami nang tao eh.
Binuksan ko ulit ang phone ko para matawagan si Dustin. Kaso gumaganti ata to, ayaw sumagot.
Tinawagan ko ulit, nagriring naman.
Bat hindi niya sinasagot?"Oh anak? Bat nandito ka pa? Pasok kana."
"Ma nasan si Dustin? Eh si Tita nasan siya? Kasama niya ba siya?"
"Aba malay ko. Bigay mo yan kay kumare ha? Isang linggo akong mawawala ah? Take care! Love you! Mwa!"
Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita. Sumakay na siya sa kotse at umalis na.
Pumasok siya sa loob tapos hindi niya alam kung nasan si Tita o si Dustin man lang?
No choice, pumasok na ako sa loob at sumalubong sakin ang mga di pamilyar na mga mukha. Charot. Ang lalim ng tagalog ko, hahaha!
Muntik na kong matawa dahil sa sarili ko pero minintain ko ang poker face.
Dumiretso nalang ako sa loob ng bahay nila.
"Nanay Gi! Psst!"
Ano ba yan, di man lang ako nakita.
Pumunta nalang ako sa kusina nila at salamat naman! Si Dustin nandito. Pinatong ko ang paper bag sa kitchen counter.
"Hoy! Bat dimo sinasagot ang tawag ko ha? Porke't hindi ko sinasagot ang tawag mo kanina gumaganyan kana ah! Huy!"
"Dustin! Bat wala kang kibo dyan?"
Linapitan ko siya at kinalbit. Anong problema ng baklang to?
"Dustin! May problema ka? Bahala ka nga dyan, pupuntahan ko nalang si Tita"
Tumalikod na ko at bago ko pa mahakbang ang paa ko, may naramdaman akong kamay sa braso ko.
"Stormy"
Hinarap niya ako sakanya at parang nagsemento ang mga paa ko sa sahin. I stood there frozen.
At sa mga oras na yon, wala ako sa tamang pagiisip. Nakatitig lang ako sakanya. Mababaliw na ata ako.
He's here, damn it.
--
Unedited. Sorry for the lame update