Super Man

10 3 0
                                    


Your name's POV

"AKIN NA nga yan! Ano ba? Ibigay mo na kasi!" I give up. Bakit ba palagi nalang akong nabubully dito? Dahil ba, transferee lang ako dito? Dahil ba maliit lang ang turing nila sa akin?

"Ayoko nga. Kiss mo muna ako sa lips." Bakit ba ang mamanyak ng mga estudyante dito?

"Ayoko nga! Ibigay mo na kasi!"

Mas tinaasan pa niya ang kamay niya para hindi ko maabot yung assignment ko. Pinaghirapan ko pa naman yun.

"Hoy!" Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang sigaw na iyon.

"Ibigay mo nga yan!" Sabi niya.

"Anong gagawin mo?"

"I'll beat you up." Nananaliksik na ang mata ng lalaki na nagligtas sa akin.

Hinagis ng lalaki ang assignment ko at nahulog pa sa tubig! Sinuwerte nga naman oh!

"Okey ka lang ba miss?" Tanong ng lalaki sa akin.

Napaiyak nalang ako dahil sa pinaghirapan kong assignment tapos mababasa lang. Kinuha ko yung papel1 at tumulo ang luha ko dahil sa nangyari.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Halata naman di'ba? Kung ikaw kaya masira lang yung pinaghirapan mong bagay, iiyak ka din naman di'ba?

"Sino ba namang di iiyak na yung pinaghirapan mong bagay masisira lang?"

Natahimik siya. Hindi niya alam ang kanyang gagawin.

"Sumama ka sa akin." Tumayo naman ako at sinundan siya.

"TEKA, teka! Saan mo ba ako dinala?

"Sa Library."

"Anong gagawin natin dito?"

"Edi tutulungan kita sa assignment mo."

"H-ha?" He's too kind to do that. Kahit na di ko siya kilala.

"Teka nga pala, ano bang pangalan mo?"

"Oh. Nakalimutan kong sabihin. Ako nga pala si Jackson."

"Nice to meet you, Jackson. Pero di mo naman kailangan na gawin pa ang assignment ko. Kaya ko naman."

"Wag ka ngang magtapang-tapangan diyan. I know na pinaghirapan mo yun."

"Kailan ba yan ipapasa?" Tanong niya na hawak hawak ang notebook ko. Wag kayong ano dyan ah!

"Bukas ng umaga."

"Sige, simulan na natin ngayon."

Ang bait niya. At ang gwapo pa. Tsaka matalino din siya.

Sa wakas na tapos na din namin ang assignment ko.

"Salamat nga pala Jackson ah. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Niyakap ko siya.

"Haha. Wala yun." May saglit na katahimikan.

"May boyfriend ka na ba?"
"May girlfriend ka na ba?" Sabay naming tanong.

"Wala pa."
"Wala pa." Siguro destiny nga ito.

You will forever be my super man.

THE END.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Super Man (GOT7 Jackson One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon