Chapter II
Puyat ako. Alas dos kaming nakauwi kaya puyat ako guys. Ayokong pumasok at naiinis ako dahil alas singko palang gising na ako at inaantok parin ako pero hindi naman ako makatulog.
Alas sais ang normal na gising ko at kahit anong imaginations na ang gawin ko hindi talaga ako makatulog pero antok na antok ako. Inimagine ko ng hinuhubaran ako ni Sehun. Tapos narin akong mag-imagine na nag me-make out kami ni Song Joongki. Wala talaga.
Bumangon ako at hinampas hampas ang unan ko. "Patulugin mo naman ako!" kausap ko sa sarili kong unan. Napabuntong hininga na lang ako ng maramdaman kong nawala na ang antok ko. Bigat na bigat akong tumayo para linisan na ang saril ko sa banyo.
Labag sa kalooban kong isipin na nagsusuot na ako ng uniform habang ang mga kasama ko sa bahay na ito ay mahimbing pa ang tulog. Isinabit ko sa buhok ko ang suklay at padabog na sinara ang pinto para magising ang mga katabi kong kwarto.
"Naiiyak ako." Sambit ko. Gusto ko pang matulog eh.
Naghanda na ako ng cereals at kumain na. Mabilis kong naubos ang pagkain at labag parin talaga sa kalooban ko na 5:35 palang nagbe-breakfast na ako.
Narinig ko ang yabag ng paa na pababa sa hagdan at iniluwa ng kitchen door naming si ate. Naghugis O ang bunganga nya at parang gulat na gulat na tinititigan ako.
"Oh my god. Is this a dream? I'm dreaming? I need to wake up. Teka balik lang ako sa higaan ko. I can't believe nasa paniginip ko ang kapatid ko" sabi nya umirap ako habang tinitignan syang tumalikod.
"Ouch" namilipit sya sa sakit ng tumama ang daliri ng paa nya sa paa ng lamesa. Tinignan nya ulit ako.
"Hindi ako nanaginip? Seriously? Omg sister. Ang aga mong gumising. Ha ha ha. Magpaparty akoooooo!" tili nya. Umirap lang ako at tumayo na. Iniwan ko sa granite ang pinagkainan ko para si ate ang magligpit. Nilagpasan ko na sya na ngayon na tawa parin ng tawa.
"I really can't believe this. Hindi ka siguro nakatulog kasi nagdate kayo ni Tyler sa bench kagabi noooooo?" pang-aasar nya.
"Shattap" naiinis kong sabi at kahit labag parin sa loob ko, kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng bahay paramaghintay ng jeep. At kahit nandito na ako sa labas ng gate naririnig ko parin ang sigaw ni ate.
"Asuuuuuuuuuuuus. Nagdate sila hahahahaha" Urgh. Pumara na ako ng taxi at parang sobrang naging peaceful ang buhay ko.
"Kuya pwede pong pakibagalan lang? Okay lang po kahit hanggang magkano ang abutin ng metro." 6am palang at 30 minutes lang ang byahe papuntang school. Umidlip muna ako sa sasakyan.
Ilang saglit lang ay naramdaman 'kong kinalabit ako ng driver. "Nandito na tayo" sabi nya. Nilingon ko ang metro at umabot ito ng 500 pesos. Iniabot ko na sa kanya ang 500 at nagpaalam na. Marami rami na ang nasa school.
Nakita ko si Margaux na kumakaway sa cafeteria kaya doon ako dumeretso. As usual, her camera hungs around her neck at bigla akong kinuhanan ng picture habang naglalakad. "Pang IG oh" sabi nya habang tinitignan ang candid shot ko.
"Libre mo ko cappuccino please" sabi nya.
"May pera ka naman bakit di ka bumili ng sayo?" Inirapan ko sya at tumayo na para umorder.
"Naloloka ako sayo. Minsan ang bait bait mo na mas daig mo pa ang anghel sa kabaitan tapos ngayon napakasungit mo na parang sinalo mo yata lahat ng sama ng loob noong nagpaulan si papa jesus" sabi nya habang humihigop.
Tinaasan ko sya ng kilay "I can do both" I said. Naiinis ako, kung kailan nandito na ako sa school tsaka ako dinadalaw ng antok.
Margaux Robi Fuentes is my friend. Magkasama na kami simula freshman kami at simula freshman palang kami hindi nya na matanggal sa ugali nya ang magpalibre. Nakaugalian nya na. She had this long curly dark brown hair, makinis at maputi rin sya.