Story ni Bestfriend: 1

22 5 1
                                    

"Tapos sinabi ko na--"

Napatigil ako sa pagkukwento ng mapansin na hindi nakikinig yung kinukwentuhan ko.

"Yovein!"

Tawag ko sakanya.

"Hoy Yovein!"

Tawag ko ulit sakanya. Lutang eh, ano kayang iniisip ng babaeng 'to? Kanina pa nakatulala tapos maya maya magbubuntong hininga.

"Yovein!"

Sinubukan ko ulit agawin yung atensyon niya kaso wa epek.

"Yooooveeeiiin!~"

"Ha? Ah ano?"

Gulat na tanong niya. Halata mong hindi nakikinig.

"Alam mo ikaw? Ano bang iniisip mo at nakatulala ka sa kawalan?"

"Ha? wala may iniisip lang."

Feeling ko may lumabas na ugat sa noo ko nang marinig yung sagot niya. Ang tanga talaga nitong babaeng 'to. Kinurot ko siya sa tagiliran niya.

"A-aray!"

"Tinatanong ko nga kung anong iniisip mo! Naku! Naku! Kung hindi lang kita kaibigan, kanina pa kita sinabunutan!"

Nakakatakot na kung nakakatakot. Nakakainis eh.

"Sorry na. A...Ano kasi eh... Li, kunwari may nagtapat kay girl na lalaki na gusto niya ito. Ano dapat yung isasagot niya?" Tanong niya.

Tinitigan ko siya sa tanong niya. Hmm... Di pangkaraniwan yung tanong sa akin ni Yovein. Ano naman kaya at tinatanong niya ito sa akin ngayon.

"Depende sa babae. Kung gusto niya si boy edi yung sasabihin niya 'Gusto din kita.' . Pero pag hindi... Ahmm... Di ko rin alam eh. Ah basta! Bahala na 'yon sa girl!... Teka don't tell me na--" tumingin ako sakanya at tinuro siya gamit ang ballpen na hawak hawak ko. "May nag confess sayo!" sigaw ko dahilan para mapatingin sa gawi namin yung mga tao sa library.

"Hehe sorry."

Napansin ko na namumula si Yovein. So totoo nga.

"Y-yovein. I'm so proud of you--"
"H-hindi naman sa ganoon Li--" Umiling ako at hinawakan yung kamay niya.
"Say no more. Sa labing pitong taon na pamumuhay mo sa mundo, salamat at may nangyari narin sayong maganda."

Tuwang tuwa ako dahil magkakaroon narin ng lovelife ang aking bestfriend. Ito kasing Bestfriend ko, bukod sa pagkakaroon ng malaking salamin, mahiyain, parang manang manamit eh nerd din siya. Yes, tama kayo. Nerd siya, yung kwarto niya na puno ng mga libro tungkol sa history, bukambibig niya history. In short isa siyang History nerd. Naalala ko nanaman nung tinanong ko siya kung bakit gustong gusto niya yung history na yan.

"Alam mo Yovein, bakit gustong gusto mo yung history?"

Biglang kuminang yung mata niya  nang marinig ang salitang history at nagsimula na siyang magsalita ng lengwahe na hindi ko maintindihan.

"Gusto ko kasing malaman kung paano..."

2 hours later.

"Kaya gustong gusto ko ang history!"

Napailing ako nang matandaan yung alaala na 'yon. Simula noon di ko na ulit siya tinanong tungkol sa history except pag may homework ako sa history na hindi ko maintindihan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Side character: Story ni BestfriendWhere stories live. Discover now