First day of school ngayon at marami nanamang mga nagchichikahan sa mga kaklase ko. Habang ako, dito sa chair ko nanonood lang sa kanila habang nag uusap. Nasa second row ako nakaupo ayaw ko kasi sa likod kasi gusto kong makapakinig ng maayos sa tinuturo ng teacher namin. Habang nakatingin sa mga kaklase Kong nag uusap, napa isip ako bigla. Ano kaya yung feeling na mayroong kaibigan? Siguro masaya. Nasanay na kasi akong walang kaibigan. Pero kahit wala, I can still manage. Magaling naman ako sa studies ko kaya kahit anong sabihin nila, wala pa rin akong pakialam.
"Hay naku. Nandito pa rin siya? Nakakainis naman. Kung pwede lang lumipat ng section. "-girl 1
"Eh bakit tayo? Dapat siya. Malas kasi siya. "-girl 2
Ano daw? Ako malas? May malas bang naka perfect ng exam para maging scholar? Pero bahala na. Mind your own business nalang ako. Maya-maya lang, lahat ng mga babae kong kaklase, ay mga kinikilig na. Di ko alam kung bakit kaya hindi ko nalang pinansin. At nagulat ako ng tumabi sa akin ang isang lalaki. Di ko alam kung sino kaya pinabayaan ko nalang. Pero nakakapagtaka, bakit sa akin siya tumabi? Samatalang ang daming ibang pwedeng upuan. Nung napansin kong may kakaiba, tumingin ako sa mga kaklase ko na ngayo'y naka tingin na pala lahat sa akin. Bigla akong napatingin sa katabi ko. At yun nagsalita siya habang nakatingin sa akin. "Hi! I'm kristian Hernandez." sabi niya at inabot ang kamay sa akin para makipag shake hands.
"Uhhhhm... Hi. I'm Sofia Geon Cruz. Tawagin mo nalang akong Sofia."sabi ko at tinanggap ang kamay niya. Teka sino ba yun? Bakit naman ganyan makatinggin sa 'kin yung mga babae kong classmates? Yun! Hay salamat at pumasok na rin yung teacher namin. Tumahimik rin yung paligid. Break na namin ngayon at maglalocker na ako. Nung binuksan ko ang locker ko, may mahulog na papel. Binasa ko naman ang nakasulat.
"Go to the garden tomorrow at dismissal. I will be waiting for you."
- kristian
Ngumiti nalako. ako dahil sa sulat. Wala pa kasi nagbibigay ng sulat sa akin noon.
Napaka bilis ng oras at iwian na rin namin. Nasa bahay ako ngayon. Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog dahil sa letter. Hindi ko alam kung bakit pumasok nalang siya bigla sa isipan ko. At dun ko napansin na parang gusto niya ako maging kaibigan. Pero imposible naman ata yun. Ehh basta! Matutulog na nga ako. Baka hindi pa ako makagising ng maaga bukas eh.
YOU ARE READING
FRIEND FOREVER
Teen FictionSOFIA GEON CRUZ. Isang 1st year high school student sa Wilson Academy. Wala siyang ni isang kaibigan dahil mahirap lang siya. Hanggang sa makilala niya si KRISTIAN HERNANDEZ. Isang napaka gwapong lalaki at sikat na sikat sa buong academy. Magiging m...