Sabi nila love is kind daw.
Weh? Eh bakit tayo nasasaktan?
Eh kasi parte yun ng pagmamahal ganun?
Ang hirap maniwala.
Ang hirap mamili kung ano ang paniniwalaan.
Ang hirap magsakripisyo, lalo na't takot kang masaktan.
Takot kang MAIWAN.
Paano kung may taong handang panindigan ang katagang "Hindi kita iiwan"?
Will you take a risk? Or Hahayaan mo nalang na kainin ka ng takot mo?
Let the story begin.
------------------------------------------------------
July 26, 20**@Mang Inasal
"Pasensya ka na Mark, nalate ako" -sabi ko kaagad pagkadating at pagkadating ko sa table niya.
"Okay lang" -sabi nya.
Ba't parang matamlay tu ngayon?
Lumapit ako sa boyfriend ko at inilapit ko ang kamay ko sa noo nya.
"A-Anong ginagawa mo?" takang tanong nya.
"Eh ang tamlay mo eh. May sakit ka ba?" tanong ko.
"Wala"-sabi nya.
Matamlay talaga eh. Pero ba't parang ... parang kinakabahan ako na ewan?
"Ay sya nga pala, ano yung importante mong sasabihin?" -tanong ko habang nagpupunas ng tissue sa bibig.
"Let's break up" -diretso nyang sabi.
Bigla naman akong napatigil at bahagyang sumikip ang dibdib ko.
Eto na ba? Eto na ba yung pinagpuputok ng butchi nitong puso ko kanina pa?"A-Ano?" ewan ko kung san pako nakakuha ng lakas para magtanong.
By the way sesegway muna ako.
Zalie Mendoza is the name.17. Senior high student sa Magandang Buhay Academy.Okay back to the story.
"Let's end this up" sabi nya.
Peste! End?! Pinaka-ayaw kong marinig na salita sa buong buhay ko.
Peste! Gusto kong umiyak."Tell me, is there someone else?" tanong ko sa kanya hoping na sana wala.
Pero yung hope na yun ay biglang bumagsak when He slowly nodded.
Ayun yung masakit eh. Yung pagsasawaan ka lang at ipagpapalit sa iba. MASAKIT.
Pero kaya mo yan Zalie! Huwag kang umiyak.
"Then you're free" sabay walkout.
Oh diba? Taray ng lola nyo. May walkout2 pang nalalaman.
Pero peste ang sakit. Ang sakit sakit.Grrr!
"Ate, Ate. Pwede ho bang akin nalang ho yang dala nyo? Sayang ho kasi, dinudurog nyo lang"
Napatigil naman ako sa pagpatay ng ex ko sa aking isipan. At tinignan ang hawak ko.
Dala-dala ko pa pala yung sandwhich na binili ko kanina.Teka? Ako lang ba? O humuhugot tung batang tu?
"Oh sayo na, Ingat ka" sabi ko ng nakangiti. Bwisit ang hirap.
"Salamat ho. Tsaka , huwag kayong mag-alala ate, balang araw masasabi nyo ring worth it lahat ng sakit"
O____O!
BINABASA MO ANG
When HE Came
Short Story"Sometimes, You have to take a risk to find your own happiness"