Parents

2 0 0
                                    

Ayesha POV
urrgggh. Nasa Math class kami ngayon ng mag ring cellphone ko nag tinginan silang lahat sakin -_- lumabas ako at sinagot tawag.

~Unknown calling~
"Sino to?" Pag ka sagot ko.
"Kayo po ba si Ayesha Gomez?"
"Oo. Ano po kaylangan nyo?"
"Yung Lola mo dinala sa Hospital" para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Ano po nangyare?"
"Maaring pumunta nalamang kayo dito?" Pag ka sabi nya ay agad kung kinuha ang bag ko at umalis.

*30 minutes later*
Dumating ako sa hospital na parang sasabog yung dibdib ko.

Pumunta ako sa front desk at tinanong ko asan ni lola.
"Nasa ICU po ma'am" sabi nung Nurse sa Front desk.
"O-okay" tumakbo agad ako sa ICU. Alam kong may sakit si Lola. Naluluha nako kasi baka ano nangyare. Nakita ko yung nag babantay kay Lola si aling Wilma. Niyakap nya ako pagka rating ko.
"Ano pong nangyare?" Tanong ko.
"Ilang araw ng nanghihina lola mo. Kanina lang nag collapse sya. Gusto na sana kita tawagan kaso pinagalitan ako na wag ka raw storbohin" saad nya. Nakaka inis si lola.
"Sana tinawagan nyo parin po ako" sabi ko.
"Hindi ko naharap pasensya kana nak" paumanhin nya. Lumabas na yung doctor.
"Family of the patient?" Yung doctor.
"Kamusta napo ang lola ko?" Agad kong natanong.
"Sorry ija. Ginawa na namin yung makakaya namin." Pakirdam ko tumigil ang mundo ko. Hindi hindi pwedeng mawala sakin ang lola ko. Sya nalang nga natira sakin e. waaag waaaag. Hindi ko na namalayan na napaupo nalang ako nag faflash back sakin lahat mg mabuting ginawa ni lola.

11 years ago~
Nilalagnat ako neto.
"Mama~ tawag ng maliit na ako.
"Shhh. Tahan na apo andito na si Lola mommy" binuhat nya ako at inakap nya. Kinantahan nya ako ng lullaby. Hanggang sa maka tulog ako.
"Aalagaan kita apo. Mahal na mahal ka ni lola mommy."
-end
Ngayon wala na, wala na si Lola. Iniwan na nya ako. Wala ng mag aalaga sakin. Wala man lang ako sa tabi nya nung nahihirapan sya. Ambilis lola mommy. Gabi na mamaya lang darating na yung bangkay ni Lola mommy.
"Aye. Shhh. Andito lang kami. Condolence" sila France to. Niyakapa nila ako at diko na napigilan na humagulgol sakanila.
"Bru. Kaya mo to ha? Andito lang kami ha?" Si sofia. Andito na pala sila.
"Nak. Andito na sya." Si aling wilma. Tumayo ako at sinalubong ko yung Bangkay ni Lola ko. Pagka lapag na pagka lapag sakanya.
"Lola naman e. bat dimo man lang sinabi sakin. Bat moko iniwan? Lola namn. Sino nalang kasama ko? Ang sakit sakit e. la. Pano nako?" Umiiyak ako at yakap ko parin yung kabaong ni lola. Nilapita ako nila france.

"Bru. Pahinga ka muna. Kanina ka pa umiiyak jan." si France.
"Kaya ko pa. Ayaw ko sya iwan."
"Sige na. Baka ikaw naman mag kasakit nyan." Sofia Tinignan ko si Lola. Ayaw ko. Natigil ako sa pag iyak ng may babaeng nag salita sa likod ko.

"Anak?" Nilingon ko sya at hindi hindi pwede. Wala na sya wala na.
"Hindi kita kilala"
"Anak patawarin muna kami" Wag ngayon. Hindi ko alam pero ayoko sila makita tumakbo ako at tumakbo hanggang sa napadpad ako sa school na malapit at sa play ground ako umupo. Iyak yan lang kaya kong gawin. Ang sakit sakit. Bakit? Bakit ganito?! Umuulan. Napangiti ako ng mapait bakit nag luluksa rin ba ang langit o dinadamayan ako?

"Ayesha?" Tinig ng lalaki.
===••••••••••••••••••

Guysssss! Kaiyak sorry na :( ganun talaga eh may darating at may mawawala.

So guys! Kamusta naman to?
Ang sakit ng puson ko 😭😭😭❌
Guys! Comment and Votes 😘

New Love New PainHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin