Vacation

10 0 0
                                    

Ynna's Pov

Tapos na ang school year, goodbye 3rd year and welcome 4th year. Panibagong sabak na naman to. Hmm

Nakaupo lang ako sa bangko habang nag'iisip ng pwedeng gawin. Ang boring naman,  tapos na ako maglinis at gawin mga gawaing bahay. At Tulala na naman!!!

Flashback

October 6, 2011 eto yung araw na makikipaghiwalay na ako kay Aldrin. Nagtaka nga ako same date at time ng naging kame hahaha..

Habang gumagawa kame at inaayos ang love booth namin kasi foundation day ng school kinausap ako ni Rose ann.

RA: Ano naman?  Tignan mo yang bf mo nakikiapag'kulitan kay Charm,  diba ikaw ang gf bakit di ikaw ang kinukulit nyan??
AKO: Roro alam mo naman na ayaw ko makipagtalo sa kanya,  tsaka baka mag'away lang kame. 
RA: diba alam mo na crush nya si Charm.  Nah anak ayoko ginaganyan ka!!  Masasaktan ka lang sa huli.  Ang mabuti pa makipag'break ka na
AKo: ahmm ewan ko
RA: Pag'isipan mo,  ikaw mismo masasaktan.

Umalis si Rose ann ng may naiwang tanong sa akin,  ano nga ba gagawin ko??  Si Aldrin Partosa ay ang first boyfriend ko bago lang kame nung August 6 lang,  alam ko naman bago naging kame ay nasabi niya na sa akin na crush niya si Charmaine at oo alam ko na yun pero hindi ko alam kung bakit pa sya sakin nangligaw although wala naman talagang ligaw na naganap napa'oo na lang ako kasi crush ko sya.  So eto na nga,  nakatayo lang ako sa may pinto ng room namin habang nakikita syang nakikipagkulitan sa crush nya.  Parang normal na lang yun sa akin kasi kaibigan ko naman si Charmaine simula 2nd year pero napapaisip ako sa sinabi ni Rose ann sa akin,  kung ano nga ba gagawin ko??

Nagstart na ang program sa room namin at may date date booth makulay ang room at my separated kwarto kwarto ng tinatakpan lang ng mga curtains, magreregister kung sino gusto mong makadate at huhulihin nila yun para magging kadate mo sya sa isang mesa habang magkahawak ang kamay at magsusubuan kayo free food na din kasi 25 php lg. Nakakatawa silang tignan. Yung iba hinahabol ang nakalista kasi ayaw nila at di naman nila kilala,  yung iba sinulat name ng crush nila na taga ibang building  at kunwari di sila ang may pakana.  Ang daming activities ang makikita mo sa school ground  may jail booth, videokehan, marriage booth , horror house at anu ano pa,pinagmamasdan ko lang sila at nakikitawa na rin ng biglang...

AKO: huuyy ano to??  Wag daw wag ako heeee ayoko jan...ano baaaaa..
BETH: Dali na!!  Binayaran na namin to magdate kayo!!
AKO: ha?  Sino??
BETH: suss!!  Kunwari ka pa,  eh di si Aldrin. Kunwari ka pa eh, Di pa namin kayo nakitang magkasama ,sige na ayeeeee,

So wala na akong magawa ,heto ako ngayon naka face to favce sa kanya. Nahihiya ako habang kaharap ko sya,  tinitignan nya ako,  namumula siguro ako??  Nakakahiya naman. Eh di ako sanay at first time ko to ehh, ano ba alam ko dito eh puro libro lang naman kadate ko sa bahay..

A: Nanginginig at ang lamig ng kamay mo, okay ka lang?
Ako: aah oo (smile na lang sa totoo oo,  first time kasi may humawak ng kamay ko)
A: loko loko talaga to sila ohh pinagtripan ba naman tayo..
Ako: haha kulit nga eh sabi ko ayoko, haaayy
A: ohh bakit naman ahaha atleast libre nila okay lg yun..haha

Beth: oh ayan na ang food,  subuan kayo ha, dali.. Pipicture ko kayo..
Ako: ha??  Wag na may kamay naman kame eh.. Tsaka wala ng ganyanan please..
Beth:  ayy di pwede!!  Sige magtatagal talaga kayo dyan. Oyy hawakan mo ang kamay niya oh gusto mo itali ko kayo..
A: ohh sige na (sabay subo ng bread sa akin)
Ako: thanks.  Ahm eto ohh ( subu ko rin sa kanya ng slice hotdog haha)
Beth: ayeeeh!!!  Haha jan na kayo,  usap lang ha!! Alis na muna ako ang daming costumer eh..
Ako: Heh!!
A: ahaha ang cute mo bat ka nagagalit?  Ang sweet nga eh,  ngayon lang to..
Ako: heh!!  Isa ka pa!!  Ahmm
A: oh bakit? Totoo naman haha
Ako: alam mo nakakainis ka na ahh
A: haha eh di sorry..ohh bakit??
Ako: eh kasi may sinabi sa akin si rose ann
A: ano?  ( kunot noo nya)
Ako: na masasaktan lang daw ako sayo
A: Tapos ano sabi mo?
Ako: ahmm
A: Sige na uuwi na ako, thanks dito!  (  at nag'walk out)
Ako: teka!!  (Nasa labas na kame ng corridor at uuwi na nga talaga sya) 
A: So ano naman desisyon mo? 
( hindi nya ako tinitignan,  nakaside view lang sya sa iba ang tingin nya. Nasasaktan ako sa ginagawa ko.)
A: ano man makikipagbreak ka na?
Ako: Ahm Oo 😢
A: Tsk,  sige alis na ako.
Ako: Ganun lang yun?

Summer Job ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon