Kabanata 1

154 5 3
                                    

Dedicated sa'yo ito kasi nag-antay ka talaga ng matagal sana mabasa mo :) Godbless!

+ + +

Ayah

Ang hirap magkaroon ng sikat na boyfriend. Maraming naiingit. Maraming nagagalit. At maraming mga gustong sumira ng relasyon na meron kami. Pero ganun pa man, hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nilang mga nega. Kasi, alam kong hindi magagawa ni Kyle ang lokohin ako kasi alam kong mahal niya ako. At mahal ko rin siya.

Sa mga oras na magkasama kami, masaya ako at alam kong masaya rin siya. Kaya hindi ko lubos maisip ang mga balitang kumakalat. Ayokong maniwala sa kanila kasi may tiwala ako kay Kyle at pagiging unfair yun sa kanya kung mas maniniwala pa ako sa mga sabi-sabi.

Mahirap din ang magkaroon ng boyfriend na sikat. Boyfriend na captain ng basketball team. Boyfriend na crush ng bayan. At boyfriend na ni hindi ka man lang maipakilala sa mga katropa niya. masakit mang isipin pero kapag may nakakakitang magkasama kami, parang hindi niya ako nag-eexist. Pero ganun pa man, ok lang yun. Basta kasama ko siya. Kasama ko ang MAHAL KO.

Katulad nalang ngayon. Kasama ko si Kyle. Nandito kami sa park. Nagpaalam lang siya na magbabanyo. Nakaupo lang ako dito sa may mga upuan dito at kumakain ng ice cream. actually kanina pa siya nagpaalam. Pero almost 30 minutes na wala parin siya.

Nagpalingalinga nalang ako sa park panpatay nalang ng inip. Naubos ko na kasi yung ice cream, wala parin siya. Nasaan na kaya yun?

Napagpasyahan ko nalang na sundan siya sa banyo. Ano kaya ang nangyari doon?

Pagpasok ko sa restroom section ng park, nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako kasi panglalake nga diba yung cr na yun e, alangan namang pumasok agad ako? diba?

At dahil desperada na ako, pumasok na nga ako. Pero bigo akong makita si Kyle. Saan ba nagsusuot yun? Palabas na sana ako nang...

"Hey you! Are you lesbian? Feeling lalaki ka ba?" Napalinmgon ako sa nagsalitang yun. Isang lalaking kasing edad ko lang siguro. Pero masungit ako aura.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Lesbian? How dare him!

"Lesbian mo mukha mo!" sigaw ko sa kanya. At direderetso na ako palabas. Nakakainis naman!

Bigla nalang tumunog ang phone ko.

Babe:

Ayah, umuwi ka na lang. Sorry may pinuntahan lang ako importante lang.

Gaano kaimportante na hindi ka man lang bumalik sakin para makapagpaalam sa akin ng personal?

Gusto ko sanang ireply kay Kyle yun pero sa halip ito ang inereply ko sa kanya.

To Babe:

Ok. I understand babe. I love you. :)

Pero walang I LOVE YOU TOO man lang.

Habang naglalakad ako pauwi, hindi ko maiwasang maiyak. Ang gaga ko. Ang babaw ko. Bakit ba ako umiiyak? Baka naman mayroon talaga siyang importanteng gagawin or pupuntahan na hindi na talaga niyang magawang magpaalam sa akin nung nadun pa ako. Pero wala. Wala siya.

Napaupo ako sa tabi ng kalsada. Malapit sa may puno kaya may lilim. Pilit kong sinasabi sa isip ko na may importante lang na gagawin si Kyle. Since hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na iniwan niya akong mag-isa habang nagda-date kami.

At sobrang nakakainis itong luha ko. Agos siya ng agos sa mga mata ko. Parang ayaw niyang tumigil. Nasasaktan ako. Pero saan? Saan ako nasasaktan? Sa walang kwentang bagay? I hate this feeling!

"Tahan na." May nag-abot ng panyo sa akin. Tinanggap ko yun at pinunas sa mga luha ko.

"Sinabihan lang kita ng lesbian, umiiyak ka na ng ganyan?" umupo narin siya sa may tabi ko. Doon ko lang narealize na siya yung lalaki doon sa may CR.

"Salamat. Eto oh." Inabot ko sa kanya yung panyo.

"Oy. Lesbian! Labhan mo muna yan." Tamayo na siya umalis.

Hindi ko man lang nalaman yung pangalan niya. Pero salamat sa kanya. Tumingin ako sa panyo. May naka-embroid.

Kevin

::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Vote & Comments :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Play The Cassanova's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon