Part 1

3.8K 83 24
                                    

Krista

"Ang ganda ganda mo talaga friend. Nakakainggit ka!" Napangiti sya sa sinabi ng kaybigan.

"Maganda ka rin naman ah!" Sagot naman nya.

"Walang wala sa beauty mo. Tingnan mo oh. Halos lahat ng guys dito sa Sta. Monica High School, may crush sayo! Ka-inggit!" Sabi pa nito.

Tiningnan nya ang sarili sa salamin. She's really beautiful and tall. She can be a model if she wants to. Ngunit wala pa sa isip nya ang mga iyon.

"Omygeee! Andyan na ang prince charming mo! Soooo gwapoooo! " Tili ng kaybigan nya.

She flashed a smile at lumingon sa likuran nya. Pero bago nya pa man makita ang mukha ng lalaki ay.........



"Ms. Rodriguez! Tulala ka na naman. Answer the question on the board!" Sigaw ng professor nila.

Para syang nabuhusan ng malamig na tubig. Mula sa kinatatayuan ay napatayo sya at napakamot ng ulo. Hindi nya rin alam ang sagot sa equation. Narinig nyang nag-tawanan ang mga kaklase.

"Hindi na nga kagandahan- ang hina pa ng ulo." Narinig nyang bulong ng isang kaklase nya.

Mabuti na lang at saktong tumunog ang bell. Lunch time na pala.

"Mag-aral kang mabuti Ms. Rodriguez. Hindi pwedeng palaging lumilipad ang isip mo kapag nasa klase." Sabi ng professor nya matapos ang klase. Mabait naman ito. Sadyang mahina nga lang talaga ang ulo nya.

Matapos humingi ng paumanhin ay lumabas na sya. Wala syang balak pumunta sa canteen para kumain. Aasarin lang sya ng mga kaklase roon.

Minsan ay gusto nya ng lumipat ng pampublikong paaralan. Kaso ay ayaw naman ni tatay. Kahit raw hindi sila mayaman ay igagapang sya nito upang maka-graduate lang sa magandang eskwelahan.

Kaya naman kahit palagi syang binubully ng mga kaklaseng mayayaman ay hinahayaan nya na lamang ang mga ito. Ayaw nya rin mag-alala ang mga magulang nya.

Tiningnan nya ang repleksyon nya sa bintanang gawa sa salamin. Hindi naman sya pangit. Pero hindi rin kagandahan. Basic, sabi nga ng mga kaklase nya.

Naglakad na sya deretso sa library. Ito ang paboritong lugar nya. Lugar kung saan hindi sya hinuhusgahan ng mga tao sa paligid nya. Lugar kung saan malaya syang mangarap at managinip ng gising. Sa mga binabasang libro ay masaya nyang nararanasan ang mga bagay na wala sya. Ang mga bagay na meron ang heroine-- beauty, brain, wealth and a prince charming. Mga bagay na sa pangarap nya lang maaring makamtan.

Hindi man matalino ay mahilig syang magbasa ng novels. Lalong lalo na ang mga romantic novels.

Habang naghahanap ng mababasa ay di sinasadyang natapilok pa sya. Napatingin sya sa paligid. Buti na lang at walang nakakita sa kanya.

Yumuko sya at inayos ang sintas ng sapatos. Hanggang sa mapansin nya ang isang lumang libro sa pinaka-baba.

Naka-agaw iyon ng pansin dahil sa cover. Kaya naman agad nya iyong binuksan para basahin.

Napakunot ang noo nya ng mapansin na hand written ang mga nakasulat sa libro. Bakit kaya nandito iyon? Baka naman naligaw lamang iyon at hindi talaga kasama sa mga library books?

Sinimulan nyang basahin at nalaman nyang tula pala ang mga nakasulat roon. Maganda ang mga nakasulat roon. Nakaka-enganyong basahin. Pero sa hindi malaman na dahilan ay para syang hinihila ng antok ng mabasa ang unang pahina. Hindi nya namalayan na naka-idlip na pala sya.

Ganoon na lamang ang takot nya ng magising. Pag-tingin nya ng orasan ay ala-singko na! Omygeeeee! Lagot na sya sa mga teachers nila. Tapos na ang klase. Kaya naman agad syang lumabas ng library.

Pero nagtataka sya dahil walang katao-tao sa paaralan. Parang mag-isa na lamang sya. Umuwi na kaya silang lahat?

Nagpasya na lamang syang bumalik sa kanilang silid aralan para kuhanin ang bag at umuwi na rin.

Habang naglalakad ay may nakasalubong syang isang lalaki. Napalunok sya kasi ang gwapo nito. Mukha itong bidang lalaki sa Koreanovela. Estudyante ba ito? Bakit ngayon nya lamang nakita?

Titig na titig ito sa kanya. Para bang nakakita ng multo. Teka? Ganoon na ba sya kapangit?

Napahawak sya sa mukha nya.

"B-bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong nya rito.

"Sino ka? Saan ka galing?" Tanong naman nito.

"Dyan lang. Sa room. Bakit?" Sabi nya naman.

"Anong room?"

"Teka-teka. Bakit ba ang dami mong tanong? Di naman kita kilala e. Sige na aalis na ko. Baka hanapin na ko sa bahay." Paalam nya rito.

"Wait, wait lang.." Sabi naman nito sabay hawak ng kamay nya. Parang bumilis ang tibok ng puso nya ng maglapat ang kanilang mga balat.

"Huh? B-bakit ba?" Tanong nya. Napatingin sya sa mga mata nito. There is sadness on his eyes. Bakit kaya?

"Wag ka munang umuwi. Mag-usap muna tayo." Nangungusap ang mga mata nito. Parang may kung anong nagtulak sa kanyang pumayag. Marahil dahil sa pakiramdam nya ay gusto rin nito ng kausap gaya nya.

"Tungkol saan?" Tanong nya.

"Tungkol sayo. Ano bang pangalan mo?" Sagot nito habang naka-ngiti.

"Im Krista. How about you? Anong pangalan mo?" Tanong nya naman.

"I don't have one." Sagot nito. May lungkot na naman sa mga nito.

"Paanong wala? Pinagloloko mo naman ako e!" Sagot nya rito sabay talikod at alis.

"Wait lang Krista. I reall dont have one. Maniwala ka."

"Paano naman nangyari yun?"

"Because I cant remember anything." Sabi nito.

"May amnesia ka? Omygeee!" Sagot naman nya.

"Maybe. I dont know."

"So anong dapat kong itawag sayo?"

"Hmmm... Why dont you give me one?"

"Bakit ako? Wala ka bang pamilya or ibang kaybigan?"

Umiling ito.

"You're the only person in my life right now."

Napanganga sya sa sinabi nito. Dapat ba syang kiligin?




******************

Comments? :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Literally, Mr. Dream Boy!Where stories live. Discover now