Ina Ko

3K 25 14
                                    

Ikaw ang nagbigay ng buhay

Ikaw ang laging karamay

Bawat paghihirap na aking nararanasan 

Ikaw ay laging nandyan

Ginagabayan, binabantayan at inaalagaan

Anak na suwail ngunit di ka pa rin lumisan

Gawang masama, tinutuwid mo ng lubusan

Upang anak mo ay may matutunan

Oh Ina ko, ikaw ang aking buhay

Nagbibigay tanglaw sa akin ng tunay

Pagmamahal na inalay mo ay iingatan

Hanggang pagtanday hindi ka iiwan

Lahat ng hirap ay tiniis

Para lang sa anak mong kawangis

Lahat ay ibinibigay mo ng lubos

Kahit walang matira sa iyo ay ayos

Hindi ka nagsasawang kami'y pagalitan 

Sapagkat alam mong kami'y may matututunan

Hindi ka nagsasawang kami'y alagaan

Sapagkat alam mong ikaw ay aming kailangan

Salamat ina, salamat po

Sa pagmamahal na inalay mo

Hanggang sa kamatayan ko

Tiyak nandito ka lang sa puso ko

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

para sa lahat ng ina...

lalo na sa mama ko

mahal ko po kayo <3

Ina KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon