Ako si Grizella, 15 years old. Isa akong Grade 9 student sa New Hummington University. Mayroon akong mga matalik na kaibigan. Ang pangalan nila ay Mahri, Kyenah, at Deborah. Si Mahri ay isang mataba at palabiro kong kaibigan, kapag may problema ang isa sa amin ay napapatawa niya agad. Si Kyenah naman ay isang cute, at kayumanggi na may headband palagi sa kanyang ulo. Si Deborah ang tumutulong naman sa amin kapag may hindi kami naiintindihan sa mga pag-aaral namin except sa English.
Unang araw ng pasukan, sabay-sabay kaming nagdatingan sa New Hummington University ng aking mga kaibigan.
"Uy! Hello" sabi ni Deborah
"Hello!" sabi ko naman.
Lumapit sa aming dalawa sina Mahri at Kyenah.
"Kamusta na kayo?" sabi ko.
"Okay kang naman! Masaya ako kasi nagbakasyon kami sa ibang bansa." sabi ni Deborah.
"Ako naman ay naimbitahan sa isang opening ng bagong restaurant!" tugon ni Mahri.
"Malapit lang yun dito sa school natin! Nakita ko na nga 'yun eh" sabi naman ni Kyenah habang nag-aayos ng buhok.
"Wait, Wait! Anong ginawa mo ngayong bakasyon! Nag out of the country ba kayo?" sabi ng aking mga kaibigan.
"Ahmm! Hindi..Hin-!" naputol ang pagkukuwento ko.
"Bakit naman? Medyo may kaya naman kayo ah, may business nga yung tatay mo eh tapos yung mommy mo may-ari ng isang kumpanya !" singit ng aking mga kaibigan.
"So boring ka nung bakasyon?" sabi ni Kyenah.
"Buti na lang at maagang nag-umpisa ang klase!"
"Hindi naman ako na-bored. Kasi--" sumingit agad si Mahri at Deborah.
"Kasi? Ano!" naghihintay sila ng sagot.
"Kasi nakapasok ako sa isang Singing Club sa labas ng school!"
"Congrats ha! Susuportahan ka namin."
Nag-umpisa na ang bell at pumasok na ang lahat sa kani-kanilang silid.
Sa loob ng aming silid ay nagpakilala kami sa isa't isa. Madali rin naming nakilala ang bawat isa.
"KKKKKRRRRIINNNNNGGGG!"
"Goodbye Class!" sabi ng aming guro.
Umuwi na kami sa aming mga bahay.
"Hello, Anak!"sabi ng aking mabait na mommy.
"Hello, Ma!"
"Kamusta school mo? Kaklase mo pa rin ba ang mga kaibigan mo dati?"
"Opo, masaya nga po kami eh."
Pumunta si Lallie sa loob ng bahay, at umupo.
"Sila lang naman ang magiging kaibigan ni Ate eh. Dahil walang gustong makipagkaibigan sa kanya." sabay tawa nito.
"Ayy, KAKAINIS KA TALAGA!" sinabunutan ko si Lallie.
"Oh! Oh?! Oh! Tama na, dito ka lang Lallie sa loob, at ikaw naman Grizella! Pumunta ka na sa labas at makipag-usap sa mga kaibigan mo."
Lumabas na ako at sabay ngiti kay Lallie.