The dark past

11 0 0
                                    

11 months before the present ..

Sobrang sakit. Ang sakit pala makita na nagtataksil sayo yung bestfriend mo at yung taong mahal mo.

Its been weeks past since nung nakita ko si Zach at Yenna magkasama at nag hahalikan. Kitang kita ng dalawang mata ko ang mga pangyayareng iyon. Pero nung mga oras na yun ay hindi nila alam na nakita ko sila.

Flashbacks..

Si Zach ang first boyfriend ko , 3 months na kami. ang sarap pala sa feeling at ang saya saya lang kasi all my life ganito yung hinahanap kong pagmamahal na hindi ko naramdaman sa buong buhay ko.
...
Maagang namaalam si papa noong ako ay 3 taon pa lamang. Nung mga panahon na yon sobrang hirap na hirap si mama at duon nag simula na magkaroun ng mga bisyo. Yung mga yaman namin ay unti unting nawala , ang mga kumpanya namin ay nagsi bagsakan at nag saraduhan. Ako lang ang iisang anak nila kaya tinangap na din ako ni tita ng ampunin niya ko dahil nilayo na nila ako kay mama. Ang sakit sakit dahil sa edad kong 3 taon ay wala na akong mama at papa. Sila tita at lola ang nag palaki sakin , okay naman sila nabibigay naman nila ang mga pangangailangan ko dahil na din sa may yaman naman si tita. Pero sa di maiwasan ay may mga pag kakataong nag kakatalo kami at minsan nararamdaman ko ay hindi nila ko nakikita.
...
Ako nga pala si Ellaine Suzanes. 17 taong gulang. Ella in short ^_^

Ilang araw makalipas ang 3rd monthsary namin ay kung ano ano ang naririnig kong balita sa aming room. At may ilan din na pina paaalahanan ako. "Nako ella! Hiwalayan mo na yan si Zach! Ako na nagsasabi sayo he don't deserve you" aniya ni Ags , hays ewan ko ba dito. Panigurado hindi naman totoo ang balita dahil simula nung kumalat ito ay mukang mas lalo pa nga yata naging malambing si Zach sakin e.

"Yah ags is right! Tignan mo nga o! Hindi mo ba napapansin mas lalo silang nagiging madikit ni Yenna. tsk" sabat naman ni Joyce. Hay nako ewan ko ba dito sa mga to! Kung ano anong iniisip.

"Hahaha ewan ko sainyo bahala nga kayo jan!" natatawang sabi ko. "Ay hindi pala! Samahan niyo naman ako pleaseee! Hanapin si Zach hehe." Dagdag ko. Asan kaya yun? Sabi niya may gagawin lang daw siya kaya hindi siya makakapasok sa first class niya e , tutal naman daw ay absent ang prof nila na si Ma'am Samantino. Pero nandito lang naman daw siya sa school.

"K/fine" sabay na sabi nila. Yey! ^_^

Habang nag lalakad kami ay parang ang bilis ng tibok ng puso ko na parang kinakabahan. Hay ewan bahala na nga. Basta kailangan ko si Zach , may sasabihin din ako sakanya e.

Inikot na namin ang buong school pero wala "asan kaya yun?" Mahinang sabi ko pero tama lang para marinig nila.

"Baka nasa field." Sabi ni joyce. Ay tama di pa pala namin nachecheck! Aha baka nandun yun at nag papahinga haha! Naalala ko tuloy nung una ko siyang makilala , nagpapahinga sa ilalim ng tagong puno duon hehe.

Ng makarating kami sa field ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng di ko malaman kung bakit. huhu.

Habang naglalakad ay nag kekwentuhan kami nito nila ags at joyce. "Ay wait yung sintas ko!" muntik ng matapilok sabi ni ags.

"Sige sumunod nalang kayo puntahan ko lang siya sa tambayan niya hehe" aniya ko

"Okii i'll wait for ags sunod us" sabi ni Joyce.

Naglakad na ko papalapit duon. Biglang nanlaki ang mata ko at natigilan ako sa nakikita ko. Shit! Fuck them! Tangina ang sakit sakit! Yung bilis kanina ng tibok ng puso ko ay parang biglang tumigil. My bestfriend and my love. Naghahalikan. Tama nga sila . Dapat nakinig ako. hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumakbo na ako habang pinipigilan ang nararamdaman na init sa gilid ng aking mga mata na tila ay babagsak na ang mga luhang namumuo dito.

Nakasalubong ko sila Joyce at Ags na papalapit na sana sakin ng nakita nila ko. "Hey!" Tawag ni Ags. Shit! They can't see me like this. Dahan dahan inakyat ni Ags ang aking ulo na nakayuko dahil sa di ko na mapigilang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. "OMY~ WHAT HAPPEND?!" gulat na tanong niya.

Umiling lang ako "napuwing lang. tara na"

End of flashback ...

Walang ibang nakakaalam ng nakita ko kundi ako lamang. Tinitiis ko ang sakit at bawat kirot niyo sa tuwing kasama ko si Zach o si Yenna. How can they do that to me. Tipong si Zach at Yenna ay walang kaalam alam. Ang sakit sakit. Sa tuwing mag kasama kami ni Zach ay bukang bibig niya si Yenna pero ang kapalit non ay ang pagiging sobrang sweet niya na kung wala akong nakita ay hinding hindi mo malalaman na niloloko ka na niya.

Today is our 4th monthsary. Pagising ko ay bumangon agad ako at naghanda. Pag pasok ko ay nagulat ako ng may iabot sakin ang ahas na bestfriend ko!

"Hi bestieee! Happy 4th monthsary sainyo! Pinapabigay nga pala ni Zach hehe!" Magkaiba kasi kami ng room ni Zach kaya ayun.

Its dismissal time kaya umakyat ako sa rooftop ng school dahil naguguluhan na ako. Bababa na sana ako ng biglang may pumasok. Ang hahayop nila. Halatang manlaki ang mata nila at napa bitaw sila sa pagkakahawak ng kamay. Pero ang mga mata ko ay walang emosyong makikita. Di na ko nagulat. Ang sakit sakit.

"B-ba-be. A- anong ginagawa mo dito?" Utal na sabi ni Zach sakin hm.

Huminga ako ng malalim at nanatili akong kalmado. "Nag papahangin. E kayo?" Kitang kita ko an pag laki ng mga maliliit na mata ni Zach at pag yuko ni Yenna. Gaga ngayon ka pa nahiyang hayop ka!

"W-wala." Napangiting sarkastiko ako ng marinig ko ang sagot nito. Hayop ka Zach. Hayop kayo. "Hahanapin ka sana n-"

Hindi ko na siya pinatapos. "Oh. Sorry. Hinahanap niyo pala ko." Kalmadong sabi ko pero sarkastiko. Nararamdaman ko ang pag init ng gilid ng akin mga mata. "Kaya pala magkahawak kamay kayo hahaha" puta kayo! Akmang lalapit na sana si Zach sakin ngunit bago pa siya nakalapit ay binigyan ko na ng mabigat na sampal ang kanyang kaliwang pisngi. Halatang nagulat sila. Napatingin si Yenna at napatakip ng bibig sa gulat. Ito namang hayop na lalakeng ito ay nakahawak sa pisngi niyang namumula.

"Babe whats that for?" Tanong niya. Hayof!

"Ella mali-" di ko na pinatapos tong malanding babaeng ito at sinampal ko din siya. Kita kong napaluha siya sa sakit nito.

"MGA HAYOP KAYO! Akala niyo ito yung unang beses na nakita ko kayo?" Di ko na napagilan ang aking mga luha na nag sisidaluyan na sa pisngi ko at tila sunod sunod at nag uunahang ayaw tumigil. "ANG SASAMA NINYO" napahagulgul na ko.

Kita ko ang akmang lalapit na sakin si Zach na nakikita ko ang takot at nasasaktan din siya kahit papaano sa nangyayare. pero hindi ko na iyon hinayaan. Naglakad na ako papuntang labasan ng rooftop. Pinunasan ko muna ang mga luha ko tska nagsalita "tapos na tayo Zach. Sobrang sakit na ng pagkikimkim ko ng lahat. Nakakapagod ng mag panggap" malamig na sabi ko at hindi tumitingin sa kanyang mga mata. At tuluyang umalis.

Bat ganon? Saan ako nag kamali? Ang sakit sakit..

Broken Pieces Where stories live. Discover now