UNEDITED: so marami sya type error.
The Undiscovered Goddess
Kasunod ng pagbagsak ng babasaging baso sa sahig ang siyang pag hiyaw ng matinis na boses ni Saab. Ang kasintahan ni Sir Yuan.
“You, ugly stupid.. Binasa mo ang mamahalin kong sapatos!! Do you have an idea how much is that? Is it cost your life.”
“SAAB!” Pareho kameng napalingon kay Yuan na siyang salubong ang kilay na nakatingin sa girlfriend.
“Ito kaseng maid nyo, tatanga tanga! Muntik pa kong masugatan ng basong binasag niya.” Sumbong ni Saab.
“Saab, how many times do I have to tell you, hindi siya katulong dito. Andyan naman si Manang Elly, dapat sakanya kanalang nag uutos. At kung ganun man, you don't have to act like this.”
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Saab na parang hindi nagustuhan ang sinabi ni Sir Yuan.
“So, nagagalit ka saken dahil sa katangahan ng babaeng yan?”
“Sir, tama naman po si Ma'am Saab. Kasalanan ko--”
“Kahit na. Mali pa rin.” Sagot ni Yuan at bumaling kay Saab. “Mali pa rin ang naging attitude mo Saab.”
“WHAT? So you're telling me that you are on her side? Ganun ba Yuan?”
“You knew me Saab. I don't tolerate this attitude of yours.”
“FUCK YOU!”
Napayuko nalang ako ng sumigaw si Saab at umalis ng bahay. Pareho kameng walang nagawa ni Yuan kundi ang tingnan nalang ang pag alis nito.
“Sorry Yvonne.” Napapitlag ako ng magsalita si Yuan sa tabi ko.
Inayos ko ang salamin ko saka paulit ulit na umiling. “Hindi po Sir, ako po ang may kasalanan. Sorry po at dahil saken nag away kayo ni Ms. Saab.”
“I know her. Mahal ko lang talaga siya kaya kahit na ganyan ang ugali niyan hindi ko magawang iwan.” Naiiling na sabi ni Yuan.
Tumititig ako sakanya. Nakadama ako ng kirot dito sa puso ko. At aaminin kong naiinggit ako kay Saab. Dahil tanggap ni Yuan kung ano siya. Tanggap siya ng lalakeng mahal ko. Ang lalakeng tanging minhal ko mula ng bata ako.
“S-sige po Sir. Linisin ko nalang po ito.” Paalam ko at nagmadali akong magpunta ng kusina. At pagkarating ko doon nanghihina na napaupo nalang ako.
Alam kong dapat tanggalin ko na ang kung anong na sa puso ko para kay Yuan, masasaktan lang ako. Pero paano kong magagawa yun kung sa araw araw siya ang nakikita ko? At ni minsan hindi siya saken nagpakita ng panget na ugali. Na kahit anak lamang ako ng katulong nila ay nagagawa niyang maging mabuti saken?
I was 13 years old ng mamatay si Tatay at wala na kameng kamag anak na magkukupkop saken kaya nagpaalam si Nanay na dalin ako sa bahay ng mga Gomez kung saan siya namamasukang kasambahay. Mabait ang mga ito kaya pumayag silang dito ako tumira sa mansyon nila at katunayan nga ay binigyan pa nila ako ng scholarship para makapasok sa University kung saan nagaaral din si Yuan.
Mula noon naging mabenta na ko sa mga bully. Dahil na rin sa ayos ko. Gustuhin ko man mag damit ng maganda hindi ko na pinili dahil mas madaming bagay kameng kaylangan pagtuunan ng pansin.
Kahit na lage akong ginagawang katanga katanga ng ibang tao andyan si Yuan para ipagtanggol ako. Para itanong kung okay lang ako. Kaya hindi ko din magawang sisihin ang sarili ko kung baket ako nahulog sa binata. He is the man of dreams ng halos kababaihan. Gwapo, mayaman, mabait at responsableng lalake. But unfortunately may nagmamayari na sakanya.