Chapter 7

174K 2K 116
                                    



CHAPTER 7

NATALIA's POV

Mahigpit pa rin akong hapit ni Vaughn sa baywang at sa totoo lang ay ang hirap umarteng ayaw ko sa hawak niya. Masyadong masarap sa ilong ang kanyang amoy pati na rin ang kanyang hininga.

"How much?" Ngumisi siya at pabalik-balik na ang kanyang mga mata sa aking labi.

"Ten thousand," matigas ko pang sagot at bahagya lang siyang napailing.

"All right." Noon na niya ako binitiwan at muling dumukot sa kanyang likurang bulsa.

Nagbuklat siya ng kanyang makapal na wallet sa aking harapan at hindi ko maiwasang mamangha sa daming lamang cash at atm cards niyon.

"Here." Iniabot niya ang lilibuhing pera at agad akong nanlamig. Seryoso talaga siyang bayaran ako para sa halik?

Nag-aalangan akong abutin 'yun at hindi ko sigurado kung kaya ko ba talaga.

"Don't tell me you're changing your mind?" Nagtaas siya ng kilay at nangangapa pa rin ako sa dapat na sabihin.

Hindi man ako sigurado sa pinapasok ko ay kinuha ko na rin 'yun at isinuksok sa maliit kong shoulder bag.

"So?" Tila nag-aapoy ang kanyang mga mata sa pagtitig sa akin at hindi pa man ay parang gusto na niyang atakihin ang labi ko.

"H-hindi ako marunong h-humalik." Agad na nag-init ang pisngi ko at napayuko na lang.

"Excuse me?" tila hindi pa makapaniwalang sabi niya at mariin ko lang kinagat ang labi ko sa kahihiyan.

"W-wala akong alam."

Napailing lang siya na tila ba hindi kumbinsido at mabilis na hinapit na ulit ako sa baywang.

"I don't have time to play, Cinderella. I'll just do."

Naging mabilis ang kanyang kilos at agad na akong nakulong sa kanyang matitipunong mga bisig. Walang sabi-sabing sinakop niya ang labi ko at literal akong hindi nakakilos. Gumalaw ang labi niya at ramdam ko ang panlalamig ng buo kong katawan.

Ibinuka niya ang labi ko at halos kapusin ako ng hininga nang maramdaman ang kanyang dila sa loob ng bibig ko. Wala ako sa sariling napakapit sa kanyang balikat at ginaya na lang ang ginagawa niya sa akin. Sinalubong ko ang kanyang dila at naramdaman ko ang mas lalong pagdiin ng kanyang katawan sa akin. Saglit akong napapahinto upang kumuha nang hangin bago ulit sabayan siya sa paghalik. Eksperto niyang ginalugad ang bibig ko at tanging halikan naming dalawa ang naririnig ko. Paminsang napapaungol din siya kapag nagagawa kong sabayan ang kanyang dila at kulang na lang ay magsanib na ang katawan namin sa diin ng kanyang hawak.

Isinandal niya ako pader at walang kapagurang hinahalikan pa rin ako. Ngayon lang naman ako nakaranas nang ganitong halik at hindi ko maintindihan kung bakit gustung-gusto ko rin ang ginagawa niya. Bahagya niyang naibuka ang mga hita ko at idiniin ang kanyang harapan sa akin. Napasinghap ako lalo pa nga't ito rin ang unang pagkakataon na may nakadikit nang ganoong kalapit sa akin. Damit lang ang pagitan naming dalawa pero sobrang init sa pakiramdam.

Saglit siyang tumigil sa paghalik at dinungaw ang aking mukha habang idinidiin ang kanyang sarili sa akin. Mariin niyang kagat ang kanyang labi habang ginagawa 'yun at ramdam ko ang matigas niyang harapan.

"You have the sweetest mouth I've ever tasted, Cinderella. And, you kiss so damn good," namumungay pa ang mga matang sabi niya at muli ngang sinakop ang labi ko. Awtomatikong napakapit na naman ako sa kanyang leeg at balikat na para bang sanay na ako kaagad.

Walang sawa na naman niyang ginalugad ang aking bibig at ibinalik ko ang kaparehong diin sa kanya. Dahan-dahang naglakbay ang kanyang kamay sa aking dibdib. At kahit pa wala iyon sa usapan namin ay ni hindi ko siya nagawang pigilan. Hanggang sa bumaba pa ang kanyang haplos at ganoon na lang ang pagkagulat ko nang maglakbay ang kanyang kamay sa pagitan ng aking mga hita pataas. Noon na ako bumalik sa ulirat at bahagya ko siyang itinulak.

HMC Private ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon