LOVING MS. IMPERFECT
"Have you ever tried falling inlove with a guy that you can't have?"
Ako yung tipo ng babae na hindi halos napapansin sa hallway sa school.
Isang babaeng napaka boring, plain at napaka mahina pag dating sa pag-ibig.Ako nga pala si Noemie Claire, at mas kilala ako sa pangalang Noem.
Kung pag-ibig ang pag-uusapan, wala ako niyan. Bawal kasi magagalit si papa.Bata pa kasi raw ako para magka boyfriend.
I'm a grade 11 student at natural na sa akin ang ma dedma ng mga lalaki. Di naman ako maganda, hindi rin ako pangit, kumbaga tama lang yong beauty ko.At kung crush naman ang pag-uusapan.. meron ako niyan.
Ang pangalan niya ay si Luhan.Una ko siyang na meet sa school ground ng campus namin. Isa siyang athlete sa school namin at soccer ang laro niya.
Gwapo si Luhan, maputi at may sense of style at mahilig siyang mag suot ng mga damit na magagara.
Kilala siya sa school namin bilang isang napaka sikat na student and also as King of the Campus.
Palagi akong updated sa kanya at sa totoo lang, marami akong pictures niya na idinikit ko sa diary ko at pati na sa room ko.
Paano ba kasi? Patay na patay ako sa kanya. Ang mas mapait lang ay di niya ako kilala, kumbaga isa lang akong shadow sa paningin niya.
Kilalang kilala ko siya pero di niya ako kilala. Natatakot kasi akong lumapit sa kanya, natatakot akong malaman niya na may lihim na pagtingin ako sa kanya. Kasi ang alam ko, hinahabol habol si Luhan ng mga sikat at magagandang babae sa campus namin.
Kaya behave lang ako, kasi wala naman akong panglaban eh.."I'm just like a little ant in a big crowd of people trying to exist."
Pero isang araw bigla na lang nag iba ang ikot ng mundo ko.
At iyon ang araw na di ko kailanman malilimutan..(So here's our story)
Intrams yun sa school namin at napaka busy ng mga kaklase kong mga players.
Ako naman etong walang talent ay walang ginawa kundi ang magpapirma nalang sa attendance slip ko.
Schoolmate lang kami ni Luhan at ang mas nakakakilig pa ay magkatabi lang kami ng classroom.
Walang ibang nakaka-alam na may gusto ako sa kanya except sa kaibigan kong si Clarice.
Since birth, eh mukhang itinadhana na talaga kami ni Clarice na maging mag bestfriend. Pareho kaming mga krung krung at minsan topakin.
"Oy Clar? Lalabas lang ako ha." Sabi ko sa kanya habang siya naman ay sobrang busy sa phone niya.
Naglakad ako papalabas ng class room namin at sumilip ako sa room nina Luhan. Nakita ko siyang naka suot na ng jersy at ready ng maglaro.
"Hindi na ako makapaghintay, and Im so excited na makita siyang maglaro ulit."
Palagi kasi siyang MVP sa mga laro na sinasalihan niya kayat di ma sukat-sukat ang pagmamahal ko sa kanya.
Naglakad ako pabalik sa room namin at nilapitan ko ulit si Clarice."Oh? Ano na? Naka ready na ba siya?" Sabi niya
Di ko naman napigilang mag blush sa sobrang kilig at saya ng nadarama ko para sa kanya. Napaka illusyonada ko talaga, eh kung tutuusin nga di niya ako kilala.
"Oo naka ready na siya." Sabi ko
Ilang saglit lang ay nagsipaglabasan na yung mga players sa classrooms nila at naglakad na patungo sa school ground.
BINABASA MO ANG
EXO One Shot Stories 💞 [COMPLETED]
FanfictionHere's a one shot story for every members of EXO. Chapter 1-Luhan (Loving Ms. Imperfect) Chapter 2-D.O (Unofficially Yours) Chapter 3-Chanyeol (Forgotten Memory) Chapter 4-Baekhyun(Love Me Right) Chapter 5-Kai(A Trip Back to Neverland) Chapter 6-La...