1

1 0 0
                                    

"Cassy! Gising na. It's already 6 in the morning."

Si Mommy naman, ang agang nang-gigising. Wala tuloy akong magawa kundi tumayo at maghilamos na.

Pagkatapos kong gawin ang Daily routine ko, lumabas na'ko sa kwarto ko at sumalubong naman ang napakalapad na ngiti ng bwisita ko.

Guess who?

"What are you doing here?" Sabay irap ko sakanya. Tinawanan nya lang ako, umupo ako sa tabi nya at tinignan ang outfit nya.

"Nag-jogging ka?" Tanong ko.

"Kami. Nag-jogging kami." I frown. Sino naman ang kasama nyang nag-jogging? Sa pagkakaalam ko, hindi 'to nagj-jogging kung hindi ako ang kasama nya.

"Lets eat na, mga anak!" My mom shout.

Tumayo na kami at pumunta na sa kusina at tignan nyo nga naman ang Mommy ko, nakaoutfit pang-jogging din! Panigurado sya ang kasama ni Audrey.

Well, tbh, i felt relieved. Akala ko kasi may kasama syang iba na nag-jogging. Magtatampo na sana ako, eh.

We ate our breakfast without talking to each other. Pagkatapos namin, nagvolunteer si Audrey na sya daw ang maghugas ng pinagkainan pero syempre, hindi hahayaan yon ni Mommy.

"Audrey, no. Hayaan mona si Letty dyan." Mom said. Si Letty ang kasama namin sa bahay.

Pumunta kami sa garden ni Mommy at dun tumambay. Nagbihis nadin si Mommy at nagpalit na ng T-shirt si Aud. Syempre pinahiram ko.

"Its so nice here, Tita. And your flowers are blooming so fast." Hinihimas naman ni Aud ang mga bulaklak. Ewan ko ba't ang hilig ni mommy sa mga bulaklak.

"Syempre alagang-alaga ko yan." Sabay kindat ni Mom kay Aud.

Yuck! Kung dimo lang talaga alam ang closeness nila, mapagkakamalan mong magjowa 'tong dalawa, eh.

"But, Tita..what happened?" Sabay nguso ni Aud sa mga bulaklak na nasa trashcan.

Patay! Patay nanaman ako ne'to. Pinaalala pa ng hayop.


"Kasalanan yan ni Cassy. Remember nung pumunta kami ng Tito Ed mo sa Singapore? I told Cassy na diligan sila paggising nya at bago sya kumain ng lunch at bago sya matulog. But you know she's so stubborn. She let her die this poor flowers." Ang oa talaga ni Mommy. Hinimas nya pa ang mga patay na bulaklak, kala nya naman mabubuhay pa 'yon.

Pagtingin ko kay Aud, ang sama ng tingin nya sakin. As in. Ang sama.

Okay alam ko naman na ako ang masama pero mas masama ang pagkakatitig nya sakin. Nakakatakot tuloy.

"You did that?" Aud asked in a mad tone.

"What?" Painosenti ko naman.

"So stubborn." Bulong naman nya, kaya inirapan ko nalang.

"Bahala nga kayo dyan. Aakyat muna ako at matutulog. Para naman mafeel ko ang first day of bakasyon ko." Sabay tayo ko at pumasok na sa loob.

"YUNG ISA KASI DYAN, HINDI MARUNONG TUMUPAD SA PINAGUSAPAN. ANG SABI NYA DADALHIN NYA DAW AKO SA NEW YORK PERO HINDI NAMAN PALA. HAYNAKO!" Talagang nilakasan ko ang boses ko para marinig nila sa labas.

Eh pano naman kasi, nagpromise si Mommy na dadalhin nya'ko sa New york, tapos hindi ko naman kasalanan na namatay yung mga bulaklak nya, ako ang sinisi. Ayan tuloy, napurnado ang New york.

Malay ko'ba kase na ang aarte nang mga halaman nya.

"WELL, KUNG SUMUNOD KA LANG SANA SA UTOS, EDI SANA KASAMA MONA NGAYON SINA CAROL AT FREIN."

Syempre hindi magpapatalo ang Mommy ko. Ang galing kaya nya sa parinigan. Sakanya ako nagmana eh.

Miss kona tuloy sina Carol at Frein. Gusto kona talagang pumuntang New york para makabonding ko sila. I miss my cousin's so bad. Well, sila lang kasi ang cousin na meron ako. Sa side ni Daddy, ako lang ang apo kaya wala akong mga pinsan. Nakakabored din pala pag mag-isang apo ka lang. Pero nakukuha ko lahat ng gusto ko sa Momah ko, yun ang advantage.

Diko naman kasi malapitan si Momah at patulong na ipadala ako sa New york. Gusto kasi nya dito lang ako sa Pilipinas. Syempre, ayaw nya na malayo ako sakanya. Ang drama ng Momah ko, di'ba?

Tatawagin kona sana si Momah, nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Open the door, Cas."



I roll my eyes. Paniguradong sermon ang mapapala ko sa first love ko.

I M A G I N A T I O NWhere stories live. Discover now