Minahal kita ng walang preno
walang liko,dirediretso,
mabangga man ako sa ibang tao
ikaw parin ang iibigin ko
Makuha man ng iba ang atensyon ko
puso ko naman ay iyong iyo,
iisa lang ang ambisyon ko
ang ako ay ibigin mo.
Nagseselos ako dahil mahal kita
dahil ayaw kong makuha ka ng iba,
sana ay ganun ka ka ambisyosa
na pangarap mo ay ako lang sinta.
Sa tingin mo'y ako ay may iba
puwes nagkakamali ka aking sinta,
minahal kita dahil akin ka
walang kokontra kahit sino pa.
Ikaw ang bump car driver ko
wala akong choice kaya ikaw ang napili ko,
di ko akalaing maging iyo ako
kaya ngayo'y ako ay nasa piling mo.