Chapter 1

15 0 0
                                    

Puro tayo expectations but in the reality, sabaw yung mga expectations natin 😂

Katulad nung high school ako.
Tanda ko pa non' pala absent talaga ako (Wag nyo akong gagayahin). Tapos yung time na papasok na dapat ako sabi ko sa isip ko ay! Alam ko na irarason ko, "maam di po ako nakapasok kasi namamaga po ngipin ko" ay parang ang lame naman ng reason ko, ganito nalang "maam namatay po lola ko" ay? Ang pangit naman, pati lola ko idadamay ko, "maam, sorry po kung absent po ako ng matagal, nahihiya po kasi akong pumasok" tama! Yun nalang. Ay! Parang tanga man ako non? Yung sumakit nalang ngipin ko tas pati ulo ko.
Tapos nasa isip ko non sasabihin ni maam "oh sige, pumasok kana"
Pero in the reality
"*******! (my last name) absent ka na naman? Papuntahin mo nga ang nanay mo dito"
On my mind "bahala ka dyan maam, edi pinagalitan pa ako ng nanay ko"

Pero, p*ta bes! Nakalimutan kong don nga din pala nagtuturo yung kapitbahay naming guro, edi siya ang nagsabi.
Sinabon ako ng nanay ko ng bongang bonga, walang banlaw banlaw, kung dragon siguro ang nanay ko baka nagbuga na yun ng apoy sa galit dahil sa kalokohan ko 😂

Tapos naalala ko pa, naisipan kong lumipat ng school, since ayoko naman talagang mag aral don sa dati kong school.

Expectation:
Ako: Ma! Magtransfer nalang ako ng school.
Mama: at bakit ka magtatransfer? (Mejo pataray yan bes, alalahanin mo dragon ang nanay ko 😂)
Ako: Ma, kasi nga diba ayoko naman mag aral don, tsaka lahat ng friends ko don nag aaral (malumanay ng boses ko bes) tsaka ma, ayoko talaga sa school ko ma, pls ma ( with matching paawa 😭 )
Mama: oh sige

Grabi yung expectation ko diba? Pero when the reality came....

Reality:
Ako: ma, magtransfer ako ng school (wag ka bes! Lunok laway ako niyan habang sinasabi ko yan sakanya, tae bes feeling ko anytime tutunawin niya ako gamit palang yung mata niya, wala pa yung buga bes, wag kang excited di pa siya magbubuga ng apoy.. Bago palang)
Mama: at bakit ka lilipat? May ginawa ka na namang kalokohan sa school mo? Ano sabihin mo? Hindi ka na naman pumapasok? Tatawagan ko naba si maam letlet? (Siya yung kapitbahay naming teacher na laging nagsusumbong kay mama)
Ako: edi tawagan mo ( nainis na ako. Daming sinasabi)
Mama: sumasagot kana ngayon? Ha? Ano ba talaga ang gusto mo ha? (With my full name) gusto mo ba talagang maghirap ako? Ha?
Ako: ayoko nga mag aral kasi don!
Mama: pwes! Kung ayaw mo, wag kana mag aral madali lang naman akong kausap! Wag kanang mag aral yun naman ang gusto mo eh

Nganga bes! Nganga! 😭😭😭😭
Grabe si mudra eh, kaiyak talo ako. 😭🔫

Hindi lahat ng expectations natin, yun talaga yung lumalabas. Walang ganern bes!
Parang kayo ng crush mo, walang kayo 💔

Hindi yan katulad ng, movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na Barcelona: A love untold, na nag expect niyo na may kissing scene pero besh! Pwede kanang maihi sa sobrang kilig. Yan yung satisfying expectation.

At hindi rin yan katulad ng movie na 50 shades of grey na akala mo makakapasok ka sa loob ng sinehan kasi nasa tamang edad kana pero in the end hindi ka pinayagan ng security guard ng mall kasi hindi ka mukhang 18, kailangan mo pang magdala ng birth certificate para makapasok sa sinehan (sarap isampal sa guard birth certificate mo bes hindi ba? HAHA)

At higit sa lahat, hindi lang ito about sa buhay ko, hindi lang ito tungkol sa mga karanasan ko. Tungkol din ito sa mga taong parte ng buhay ko, mga nakakasalamuha ko, at yung mga naririnig ko lang.
(Hindi ako chismosa bes! Slight lang 😂✌🏻️ mahilig lang ako mag observe wag kang ganern)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Expectation VS RealityWhere stories live. Discover now