Pag si GIRL na-inlove...

772 6 5
                                    

Kapag ang babae nagmahal..

.

.

~ Bukambibig niya ang pangalan ng mahal niya sa kahit na kaninong taong kakilala niya. Kadalasan,ibinibida niya kung gaano niya kamahal ang lalaki at kung gaano siya kaswerte sa kanya. Kung minsan nga sumasakit na ang tenga ng mga kaibigan niya sa kakakwento niya.

.

~ Iniiyakan ng babae ang simpleng pinag-aawayan nila. Minsan, wala lang yun para sa lalaki at hindi niya napapansin na nasaktan na niya yung babae. Para sa lalaki kasi maliit na bagay lang yun na hindi pinag-aaksayahan ng oras samantalang sobrang big deal naman yun para sa babae.

.

~ Hindi niya ipinapakita na sobrang nasasaktan na siya kaya dinadaan na lang niya sa pag-iyak gabi-gabi.

.

~ Kapag kinausap siya ng lalaking mahal niya, para bang nawala lahat ng sakit na naramdaman niya at nakakayanan na niyang ngumiti ulit.Simpleng bagay lang nakukuha na niyang kalimutan ang lahat.

.

~ Minsan kahit puro negative na lang ang ugali ng lalaki, kinakayang tanggapin ng babae lalo na kung mahal na mahal niya yung lalaki.

.

~ Ginagawa niya ang lahat para ipakita sa ibang tao na maligaya siya sa kanyang mahal at iyon ang importante para sa kanya.

.

~ Gumagawa siya ng effort to make the relationship work. Gusto niyang maging maayos ang lahat.

.

~ Sinusubukan niyang ipadama sa lalaki na siya lang ang mahal niya at gagawin niya ang lahat para lang maiparamdam yun sa kanya.

.

~ Kahit hindi siya ang may mali, natututo siyang kainin ang pride niya. Siya na ang nagso-sorry kahit hindi niya alam kung ano ang kasalanan niya. Importante kasi sa kanya na maging maayos ang tampuhan.

.

.

Kadalasan, ganyan talaga ang

babae. Minsan nagmumukhang

tanga dahil sa pag-ibig. Kaya nga

masasabi kong swerte ang lalaki

kapag nahanap niya ang

babaeng tunay na magmamahal sa kanya...

.

.

Credit to: .JHENZKii PRODUCTiOn.'s Notes.

*~GIRL STUFFS~*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon