PAST IS PAST (ONE-SHOT)

3.4K 98 21
                                    

Naglalakad ako sa isang mall ng may biglang tumawag sa akin. Hinanap ko kung nasaan nanggagaling ang boses nayun.

“Cedrick.” Nakita ko siya sa may likuran ko na nakangiting papalapit sa akin.

“Xyra Nocus.” Mahinang sambit ko.

“Hey, we meet again.  You want some coffee? Usap naman muna tayo. Tara sa Starbar cafe don’t worry my treat.” Nakangiting sabi niya sa akin.

Ayan nanaman yang mga ngiting yan, di ko magawang tumanggi sakanya. Nakita kong mukhang hinihintay niya ang sagot ko. Saglit na tiningnan ko ang relo ko. May oras pa naman.

“Sure, let’s go.” Sagot ko sakanya.

Pumasok na kami sa Starbar cafe. Naghanap muna kami ng mauupuan. Napili naming umupo sa may left side dun sa may sofa.

“Wait diyan ka lang ako na oorder.” Nakangiting sabi niya sa akin.

“Huh? A-ano ka ba, umupo ka na lang dito ako ng oorder.” Sabi ko naman sakanya.

“Cedrick.” Malumanay na sabi niya sa akin.

“Pe-pero..”

“I insists.” Sabi niya habang tinititigan ako sa mga mata at ngumiti ulit ng pagkatamis tamis.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapunta na siya sa counter. I can’t believe this is happening to me. Nakita ko siya ulit, akala ko sa panaginip ko na lang to mangyayari ang makasama ang babaeng minsang minahal ko ng sobra. Buhay nga naman parang life. Alam ko mukha na akong tangang nakatitig sakanya ngayon.

“Hey.” Nagising naman ako sa pag katulala ko ng makita siya sa harapan ko. Tae ganon na ba talaga ako katagal nananaginip ng gising? Tsk.

“A-ano sorry. Ako na.” Sabi ko sabay kuha sakanya ng inorder niyang dalawang frappe.

“Old Cedrick, so gentleman since then. Di ka parin nagbabago noh?” Natatawang sabi niya sa akin habang umaayos ng upo niya.

“So kamusta ka naman?” Sabi niya pagkatapos niya humigop ng kape niya.

“Ayos lang naman. Ikaw?” Awkward na tanong ko sakanya. Habang nakahawak sa kape ko.

“Mas ayos na ngayon kumpara nung huli tayong nagkita.” Sabi niya sakin na may proud na ngiti.

“Mabuti naman at maayos ka na.” Sabi ko habang may matipid na ngiti.

“Well ganyan naman talaga ang buhay, mabuti nga at nagkita pa tayong muli.” Sabi niya.

Habang nag uusap kami ay palihim na tinititigan ko siya. Marami na ang nagbago sakanya. Simple lang siya dati manamit pero ngayon halatang mamahalin na ang mga suot niya. Pati ang kanyang kilos parang puno ng confidence.

PAST IS PAST (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon