Hi! Ako nga pala si Angela May, 22 years old, nakatapos na ng College, sa totoo lang katatapos palang.Nandito ako ngayon sa Korea, 3 araw ako dito, graduation gift sakin nila Mama, alam nyo yun, sobrang simple lang talaga ng buhay ng pamilya ko, si Papa OFW, si Mama sa bahay lang nag aalaga lang kay Kuya Angelo at sakin. Kaya nagulat ako ng sinabihin sakin nila Mama na pwede daw akong mag bakasyon nga dito sa Korea, tumanggi nga ako nung una kasi nga alam kong gagastos talaga ng malaki, pamasahe at buti nga may trabaho na ako kaya medyo sakin na yung pocket money. Pero sabi sakin nila Mama graduation gift daw nila sakin to. Kaya yun sa huli nandito na nga ako.
Natatawa nga ako kasi March pa ako gumraduate, pero ngayong December ako pinapunta. Hahahha!
At buti nga pinayagan ako ng company na pinapasukan ko din.At ngayon namamasyal ako dito, nagpa booked na rin sila Mama ng apartment dito at nabayaran na rin, kaya nilapag ko lang yung gamit ko at nag pahinga unti at unalis na.
Pumunta muna ako sa mga palace nila dito, sabi sakin pag naka hanbok ( traditional korean dress) ka daw libre ka pumasok dito, alangan naman bumili pa ako ng hanbok diba? Edi binayaran ko na lang yung ticket.
Medyo hapon na rin ng pumunta ako sa mga maraming street foods, tinikman ko talaga lahat, yung iba di ko nagustuhan, yung iba naadik naman ako, kaya bumili ako para na rin mamaya ito na lang kainin ko.
Pagkatapos nag lakad lakad ako sa mga street na may mga store ng make-ups, clothes and anything na gusto mong makita., nagselfie, eh ako lang naman mag isa eh, di din ako pwedeng magtiwala dito sa iba, syempre.
Bumalik na ako sa apartment at kumain, nanood muna at nakipag usap kila Mama gamit ang messenger buti nga may wifi dito sa apartment, wala pa namang nabibiking sim dito hahahah!
Unang araw ko palang dito pagod na agad ako!
Nag plano na ako ng mga pupuntahan ko bukas, syempre kasama na yung Namsan Tower, tapos gusto ko din sana pumunta sa mga agency ng mga kpop star! Gusto kong mafeel yung naghihintay ka sa labas para makita yung kpop idol mo. Excited na ako!
***************
2nd day
Yun na nga nag gala na naman ako kung saan saan, di ako nag babus dito, train lang or naglalakad lang para masulit ko yung pag bisita ko dito. Buti nga medyo nakakaintindi ako ng korean, sa kakanood ko ng kdrama, at buti din di ako naligaw kahapon sana ngayon din hahaha!
Yun, pumunta ako sa YG Ent., SM Ent., FNC Ent., Cube Ent., JYP Ent., at kung ano ano pang Entertainment dito. Pumunta din ako sa labas ng SBS at KBS. After dun, hapon na din kasi kaya papunta na din ako sa Namsan Tower! Hindi ko to pwedeng hindi mabisita, dito nag date sila Jandi & Junpyo, malay nyo mameet ko na dito yung forever ko diba?
Nang makarating ako dito, konti lang naman yung tao, kaya nakasakay ako agad sa cable car, ako muna unang sumakay, sunod mga PDA na couple na, at pasara na yung pinto nung cable car ng may humabol na lalaki, at umaandar na din agad. Tumabi yung lalaki sa kinatatayuan ko, kaya di ko mapigilan na tignan yung mukha nya, sa all black na suot nya, kitang kita yung pag kaputi ng balat nya, mas maputi pa yata sakin to, parang gatas yung balat. Nagulat ako ng parang umalog yung cable car, kaya natapilok ako bago pa man ako humawak sa hawakan, yung braso nya nasa likod ko, tapos yung mukha ko nasa dibdib na nya, nang marealize ko medyo naitulak ko sya sa gulat.
"Ohhh. Mianhe.." nahihiyang sabi ko sa kanya.
"No, It's okay." Sagot nya.
Marunong naman pala mag- english to. Korean pa ako ng korean!
"Oh. Sir. Thank you for catching me." Hahaha! Ang tanga ko na naman sa english eh, ito ang dahilan kung bakit muntik hindi na ako makapasok sa pinapasukan ko ngayon, pano ba naman kasi di naman call center agent yun, pero kailangan english yung sagot sa interview. Hayyy.

YOU ARE READING
Falling in Love to Mr. Stranger
Short StoryPosible kayang mainlove ang isang tao sa isang stranger? Sa taong kakakilala nya palang?