Daydreamin' (One-shot)

13 0 0
                                    

Daydreamin'

Di pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. It's just my ex kissing another girl.

"Tch wala nang ibang ginawa kundi maglandian" pinagpatuloy lang nila ang paghahalikan nila.

"Tsk at sa harap ko pa talaga nila napiling maglandian! Aba sumusobra na ha! Argh"

"Oh! Oh! Aba naman ang lalandi eh!"

"Potek yan, pag ako di nakapagtimpi, masusugod ko yang dalawang yan eh!"

"Aba naman! Di talaga titigil eh" halata naman na nagpapacute yung babae sa harapan ng ex ko tsk.

"We're officially dating" taena! Hindi na ako makapagtimpi at akmang susugurin ko na ang dalawang malandi.

"Pigilan niyo ko, PIGILAN NIYO KO! Kundi malalagutan ng hininga yang malanding babaeng yan ng wala sa oras!"

*whooosh*

"Hahaha Hanna Elize Ybarrientos! Baliw ka talaga, maglinis ka na nga lang ng mesa" sabi ni Shane pakatapos niyang patayin ang TV. Inayos ko na yung hawak kong basahan at nginitian yung nakangiwing customer na kumakain sa karinderyang pinagtatrabahuhan ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa tv na nakapatay na

"Tss" pinapanood ko kasi yung ex ko este yung idol slash ultimate crush ko na may jowa na ngayon, di ko na idol eh, may kabit na, ni-two time ako hays.

Nag-ayos na lang ako ng mga upuan at pinunasan ang mesa na pinagkainan ng mga customer.

Hi! Ako nga pala si Hanna Elize Ybarrientos, ang magiging heartbreak girl mo ( ^ _ - ) ≡★ Charot hahaha take two, ako nga pala si Hanna Elize Ybarrientos, isang city girl na fangirl ng mga gwapong lalake na hinulog ng langit para sakin este para sa lahat ng pangurls, kpopper ako,  kaso nga masyado akong sinasaktan ng mga asawa ko kasi minsan taksil sila, taksil! Minsan lang naman kaya magkakabalikan lang naman kami maya maya ni ex. Siya lang naman ang pinaka-crush ko sa lahat ng crush ko.

So ayun na nga, sinarado ni Shane yung TV sa kalagitnaan ng kissing scene ng idol ko at ng bidang babae. Huhuhu yung asawa ko, pinagtaksilan niya ako. Wala nang mas ikasasaklap pa sa sinapit kong pagtataksil ng MGA ASAWA ko. MGA okay? MGA!

"Ay shet Hanna nasa Pilipinas na daw si Park Bo Gum!" mahinang sigaw sakin ni Shane habang nakatingin sa phone niya at hawak-hawak ito "May fanmeeting daw mamaya!"

"OMG yung asawa ko?!?!"

"Tae asawa ko rin yun!"

"Ay basta magdedate kami mamaya pag uwi niya"

°°°°°°

"Haba naman ng pila!"

"Haha ano ka ba Hanna? Malamang andami rin na may gustong makameet ang asawa natin"

"Heh! Ako lang ang may karapatan na maging asawa niya!"

"Tss bahala ka hahaha" napasubsob ako sa harapan ko ng maramdaman ko na parang nagkakagulo sa likod at parang nagtutulakan.

"Hoy putcha ka! Dun ka nga kasi magpila sa likod tae nito" rinig kong sigaw ng isang babae mula sa likod namin ni Shane. Galing roon ay may isang lalake na naka-cap ang nakatingin pa rin mula doon kaya ay nabanggaan ako.

Hindi ko sinasadyang magkatinginan kami sa mata dahilan para magulat ako ng sobra-sobra.

"Oh hmmp~" agad niyang tinakpan ang bunganga ko at hinila ako palayo sa pila.

Daydreamin' [ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon