F1- Bloody Welcome

10 1 2
                                        

"Aikho! Gising na malelate kana sa first day mo!!" Sigaw ni mama mula sa ibaba.



"Pababa na po ma!" Balik sigaw ko at lumabas na ng kwarto.

Pagbaba ko ay agad akong nagtungo sa kusina upang kuhanin ang babaunin kong pera kay mama. Pagka punta ko ng kusina ay kinuha ko agad ang baso ng gatas mula sa mesa at tinungga.


"Mag ingat ka dun anak, tawagan mo ko pag me kelangan ka ha!" Sabi ni mama sabah halik sa pisngi ko.
"Di ka na ba kakain?" Dagdag nya.


"Di na po ma, busog napo ako sa gatas. Alis napo ako. Bye ma. Love you". Sabi ko sabay lapag sa baso ng gatas sa counter table.


"Love you too nak."


Lumabas nko ng bahay at nagtungo sa bus stop. Tama tama lang ang dating ko ng huminto sa harap ko ang school bus ng papasukan kong paaralan. Rich kasi ang academyang yun kasi may kung anong arte pa na school bus school bus, eh pwede namang sumakay ng jeep at traysikel papunta sa lugar na yun.


Agad akong sumakay at nagtungo sa dulo, pinili ko yung upuan na katabi ng bintana. Nilabas ko agad ang headset ko at phone at nagpatugtog. Habang nakikinig ako ng music ay nag brobrowse muna ako sa facebook at insta, ng mahagip ng paningin ko ang isang babae na nakatayo sa gilid ng upuan katabi ng sa akin.



"Upo kana dito miss" sabi ko sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin at walang imik na umupo. Expression less ang mukha nya at para namang sabog ang buhok nya, I mean parang hindi sya nag suklay. Di naman gusot gusot ang uniform nya, ang totoo maganda sya in a dirty way dahil sa buhok nya.


Tahimik lang syang naka upo habang nakatanaw sa unahan. I just shrugged and continue on what was I doing. Di naman nag tagal ay umandar na ang school bus.



Phillo Academy. Pang apat na skwelahan na pinag transferan ko mula first year high school. Ano na naman kaya ang patakaran ng school nato?



Palipat lipat ako ng school kasi may iniiwasan kami, hindi utang kundi iniiwasan namin ni mama ang papa ko. Mahabang storya kung isasalaysay ko pa. Isa narin sa paglilipat lipat ko ng paaralan kada taon ay mag ginagawa kong kalokohan. Tawagin na nating Aikho Mark.



Ginagawa ko lang naman yun once a year at every end lang sa school year, yun bang hindi nila lubos akalain na nagawa ko o ginagawa ko. Ewan ko ba bakit. Di ko masagot sagot ang tanong na bakit ko yun ginagawa. Sabihin nalang natin na Remembrance mula sa isang Aikho Elarrah.



Like last year sa academing pinasukan ko. Bago matapos ang araw ng closing ay giniba ko muna ang Student Body's office. Naiinis kasi ako sa vice president nila, nakaka kulo ng dugo every time na sinisermunan nya yung mga studyanteng nakabangga lang sa kanya. Kesyo daw bobo sila, o tatanga tanga.



No one deserves that kind of treatment kasi aksidente lang naman yun. At ang nakapapainis pa talaga ay mula sa Students Body Organization,  bakit pa nila binoto ang babaeng yun kung di naman makain ng aso ang ugaling yun. She just using her powers and authority to step down on a student.  Di ako minarkahan ng bad record dahil na rin sa impluwensya ng pera.


Pumasok na ang bus sa gate ng academy at umikot ito sa isang fountain sa gitna mismo ng ground ng school. Huminto ito sa harap mismo ng isang napaka laking building with "Phillo Academy" engraved on its top. Nag simula namang maglabasan ang mga studyante sa bus pinasok ko naman ang cellphone at headset ko sa bag at tuluyan na ding bumaba.



Napaka laking building lang sya na may katabing mas mababang building sa magkabilang gilid. Naglakad ako papasok, sa left ay makikita ang Admission Area along with the Cashier signboards, and  Registrar's and sa right naman ang Medical Area and some close rooms with different club names posted on its door.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Special ExamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon