Dedicated to my Magandang Panget na kaibigan. MJ.
"Ano pang sinabi niya sayo panget?" Sabik na sabik na tanong sakin ni Nam. Well, siya lang naman yung madalas na nakikinig sa mga kwento ko. Hindi, yung totoo? ako lang talaga kwento ng kwento jan sa babaeng yan wala akong ibang mapagsabihan e.
"Wala siyang sinabi panget. Ngumiti lang siya at.. At.." Yung mga ngiti niya nakakatunaw my ghad! Inlove na ata talag-"Hoy Magandang panget! Ano na? Itutuloy mo pa ba o hindi na? Bilis bilisan mo baka patayan kita jan."
"Oo eto na nga. Teka lang" inhale, exhale. "So eto na nga, classmate ko siya sa isang subjec-" di pa ko tapos pinutol na naman
"Nginitian ka lang lumandi ka na agad!" Nag sermon na naman tong panget na to di pa ko tapos magkwento.
"Patapusin mo kaya muna ako. So eto nga pagpasok na pagpasok ko kasi sa room namin kasabay nun yung pagdungaw niya sa pinto tapos nakita niyang pagod na pagod ako at saka niya ko nginitian waaaaaaaaaaaahhhhh.Pagod na pagod ako kasi tumakbo ako. Akala ko kasi malelate na ko." Kinikilig talaga ako. My ghad teka talon lang ako ng kaunti."Hoy panget! Narinig mo ba kwento ko?" Akala ko may kausap pa ko sa phone deadbattery na pala ako. Sayang naman nakakaasar walang mapagsabihan ng kakiligang nararamdaman ko. Teka isang talon pa nga kinikilig talaga ako e.
"Hoy Menthia Jean! Balak mo bang sirain tong sahig!" Isang malakas na paghampas ni Kuya Melchor sa kabilang kwarto. Magkatabi kasi kwarto namin.
"Okay next time sisirain ko na kuya!" Sigaw ko pabalik. Kj kj. Minsan na nga lang magkaroon ng rason para kiligin e.
|~*~|
Kumakain ako mag isa dito sa canteen, naging routine ko na lang araw araw yung kumain dito ng mag isa tuwing lunch time at kapag vacant time. Sino ba naman ang magiging kaibigang kasa-kasama ko kung araw araw iba iba mga kaklase ko. Pero diba dapat meron kahit isa? Minsan tinanong na ako ni Nam kung bakit lagi daw akong mag isa, sa tuwing tatawag kasi ako sa kanya yun yung mga time na vacant ko at mag isa lang ako. Tapos ayun sinabi ko nga sa kanya na iba iba mga classmates ko. Bakit daw di ako sumasama sa kanila. Like duh! Bat ako sasama e hindi ko naman sila close. At isa pa kaya ko naman 4rth year college na ako ngayon pa ba ako maghahanap ng kasa kasamang kaibigan.
Krinngg...krinnggg..
Omayghad. Wait. Sinubo ko na agad tong burger tapos kinuha yung canned coke saka kumaripas ulit ng takbo.
YOU ARE READING
His Smile
RomanceHe captured my heart with his smile. I broke his heart and now I'm chasing him. Hindi ko alam kung kailan ako titigil. Siguro hanggat kaya ko pa? Magpapakatanga na ako sa pag-ibig sa huling pagkakataon. Ibabalik ko yung mga ngiti niya na nagpa-ibig...