Diary #11

120 3 0
                                    

Hindi pa siya nag-reply Diary. Bukas lalapitan ko 'yun. Hahaha! Nakabili na pala ako ng bagong libro! Wohooo! Bukas ko na lang 'yun babasahin. Hindi ko pa pala nasabi kay Sam ang nararamdaman ko pero sana naman sa 'I love you too' ko, malalaman niyang may nararamdaman ako para sa kanya. Bakit ba kasi hindi ka nagsasalita Diary? Kung may mahika lang talaga ako. Hahah! Tsaka, aalis na si mommy bukas papuntang Dubai para a trabaho niya. Hindi ako makakasama pero okay lang. Pauulanan ko 'yun ng halik at yakap. Siguradong iiyak na naman ako nito. Hahah! Kung sinasabi ng iba na malaki na 'ko para umiyak, anong paki nila? Hahah! Ano kayang mangyayari bukas, Diary? Sana naman walang masamang mangyari bukas. May sasapakin pa 'ko. Hahah! Si Leigh lang naman. Hindi kasi tumupad sa usapan. 'De joke lang. Si Sam lang ang kailangan ko bukas. Haha! Ang feeling close ko talaga. Teka, close naman kami ah? Hahha! Ganito pala ang feeling ma-inlove at masabihan ng ILOVEYOU sa crush mo. Weird pero cute. Hahaha! Tulog na 'ko diary!! Good night!!!!!! <3

You're Mine

It's a lonely morning. Pa'no ba kasi, umalis na si mommy kaninang madaling araw. Hinatid lang namin siya saka umuwi. Naka-check in na sila agad ng kasama niya papuntang Dubai. Namimiss ko na siya. Sila ni Daddy. Pero kakayanin ko 'to. Masasanay rin ako.

"Good morning ate!" bati ng kapatid ko. Simpleng tango lang ang tinugon ko. Grabe! Miss na miss ko na si mommy at daddy. Hindi ako sanay na wala sila.

"Good morning ate Venize!" ngumiti ako.

"Good morning Mama, Papa!" bati ko sabay yakap. AT least nandito pa silang dalawa.

📝

"Hoy! Anong nangyari?! Bakit namamaga 'yang mga mata mo?!" sigaw ni Analei. Tumawa naman ako. Bakas sa mukha nila ang ala-ala pero ako tawa lang ng tawa hanggang sa sinampal ako ni Leigh.

"Hahahah! Nangungulila lang. Grabe naman 'to kung makasampal." sagot ko.

"Bruha! Sino bang hindi mag-alala, eh wala kang sinabi. Sino ba'ng umalis?!" sigaw ni Leigh.

"Mommy ko. Trabaho. Dubai. Tapos."

"Si tita? Gaga! Bakit hindi mo sinabi?!" binatukan naman ako ni Nicca.

"Nakalimutan ko. Hahaha!" sabay-sabay nila akong binatukan. Tawa lang ako ng tawa hanggang sa.......

"Trixie! Hinahanap ka ni Jeannica!" tawag ni Kieth. Ngumiti lang ako sa kanya saka lumapit kay Jeannica.

"Tapos ka na'ng magpa-sign sa formation coordinator?" tanong niya. Kinuha ko 'yung clearance niya saka tiningnan.

"Kahapon pa lang. Bakit hindi ka pa nakapapirma?" kunot noong tanong ko. Lumapit naman sila Leigh.

"Ang dami kayang tao kahapon. Samahan niyo naman ako oh."

"Sila Thereze saan? Ba't hindi mo kasama?" tanong ni Camille.

"May ginagawa." sagot ni Jeannica.

"Tara na. Baka maunahan ka pa." sabi ko sabay hila sa kanya papuntang discipline office.

"Para talaga kayong kambal. Baka kambal kayo? Kambal ba kayo?" napatawa kami ni Jeannica kay Kuya Nathan.

"Hindi kuya. Magkamukha lang talaga. hahahahha!" sabay naming sagot ni Jeannica. Tumawa si kuya Nathan saka umakyat na sa taas. Nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang Discipline Office. Mabuti maikli lang ang pila.

Pinapila ko muna si Jeannica habang direktang umupo sina Leigh. Nakita kong katabi niya si Sam. Saktong tatlong tao ang kasya sa upuan.

"Upo muna ako kambal." sabi ko. Ngumiti naman si Jeannica saka tumango. Kambal ang tawagan namin simula nung grade 6. Marami rin ang nagtatanong at nagsasabi sa'min na kambal raw ba kami. Ngingiti lang kami, minsan naman tatawa at sasagot na hindi. Nalilibang kasi kami sa mga taong magtatanong sa t'wing magkasama kami.

"Leigh, umusod ka nga." utos ko.

"Bakit?" kunot noong tanong niya.

"Uusod ka ba o hindi?" umusod naman siya. Umupo ako sa tabi niya. Sa kabilang side ko si Sam. Hinampas ko siya sa braso. Mahina lang naman.

"Bakit hindi ka na namamansin ha?" tanong ko. Ngumiti lang siya saka yumuko.

"Unfair mo talaga." sabi ko saka pinitik ang tungki ng ilong niya. Hindi siya umimik. Nakangiti lang siya. Ano bang problema nito? Tsk.

Sakto namang natapos ng magpa-sign si Jeannica kaya tumayo agad ako saka hinila palabas si Jeannica.

"May tinakasan ka, kambal?" ngumiti ako saka umiling. Sa totoo, gusto kong tumawa. Para talaga kasi akong tumakas. Saka gano'n din naman ang gawain namin 'pag nakalabas na ng Discipline Office. Para kaming tumakas saka hingal na hingal kakatakbo. Sino ba namang hindi eh, ang discipline coordinator, makatitig parang gutom na gutom sa mga lamang loob namin. Pero infairness ang galing niyang mag-discipline sa mga estudyante dito. Pssh. Kaya nga discpline coordinator diba? Tsk tsk.

Pagdating ko sa classroom, hinanap ko agad sina Leigh. Teka saan ba ang mga 'yon? O.O Naiwan pala!!!

"Leigh!!!"

"Aray! Jusko naman Trixie!" nabangga ko si Leigh dahilan ng pagkabagsak niya sa sahig. Tumawa ako saka tinulungan siyang tumayo. Pinagpagan niya ang sarili niya saka tinulak ako. Natawa naman ako.

"Anong problema mo? Ba't ba sigaw ka ng sigaw?!" nag-uusok na ang ilong niya sa galit pero tawa lang ako ng tawa. Para akong tanga dito. My bestfriend just reached the hottest boiling temperature habang ako naman, sige lang sa pagtawa.

"Miss kasi kita eh. Hahaha!" sinapak niya 'ko. Patuloy pa rin ako sa pagtawa hanggang sa narinig kong tumatawa na rin siya.

"O diba? Tumawa ka na rin? Ahahaha!" puna ko.

"May kakaiba sa'yo ngayon, Trix. May nangyari ba kahapon?" kunot noong tanong ni Nicca sabay tingin mula ulo hanggang paa.

"Meron siguro. Hahaha!" natawa na lang si Nicca. Pansin ko nga ring may naiba nga sa'kin. Pero ewan ko kung ano 'yon. Ang importante, kasama ko mga kaibigan ko.

Diary ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon